Paglabas ni Cacai sa restroom nakasalubong niya si Larah. Mukhang hinahanap siya talaga nito. “Cacai, andito ka lang pala. Si Dina, tumawag sa number ko, alam niyang hindi mo hawak yung sa ‘yo.” anito sabay abot ng cellphone. Biglang lumiwanag ang mukha ni Cacai at agad na kinuha yun. “Dina, nakakainis ka. Bakit hindi ka pumunta?” masiglang sabi niya pero may halong tampo sa boses niya. Sa kabilang linya, sandaling natahimik si Dina bago nagsalita. “Sorry…” anito saka ngumiti kahit hindi siya nakikita ni Cacai. “Congrats sa inyo ni Boss.” “Salamat.” sagot ni Cacai. Tumikhim muna siya bago malumanay na nagsalita. “Ahm… Hinahanap ka ni Liam….” Saglit na katahimikan. Noong bigla na lang nawala si Dina pagkatapos ng nangyari sa Villa Fatima, nagmessage agad si Dina sa kanya upang hindi ito mag-alala. Walang sinabing dahilan si Dina. At sa tuwing mag-uusap sila hindi binabanggit ni Cacai ang tungkol kay Liam dahil umiiwas at ayaw ni Dina na pag-usapan ang lalaki. Kaya
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-01 อ่านเพิ่มเติม