Tahimik lang ang grupo ni Victoria, nagpapakiramdaman at tila walang may nais na maunang buksan ang paksa tungkol sa nangyari.., hanggang sa magsimula na ang shoot.Bukod sa crew ng photoshoot, may hiwalay ding crew na kumukuha ng video para sa ibang campaign materials ng Pacific Air.Inuna muna nila ang part ni Leon dahil isang araw lang ang available na oras nito. Itinuro ng photographer kung saan sila dapat pumwesto. May mga ilaw na nakatutok at camera na naka-set. May tao ring nagbibigay ng instructions dahilan para kabahan si Cacai.Napansin yun ni Leon kaya bahagya itong lumapit.“Hey.” mahina nitong bulong.Tumingin si Cacai sa kanya.“Wag kang kabahan. Akong bahala.” bulong ni Leon upang palakasin ang loob ng dalaga.Napangiti si Cacai.“First time ko eh. Baka magkamali, nakakahiya.” aniya pero lihim na nagpapasalamat na si Leon ang nasa tabi niya.Ngumiti sa kanya si Leon bago nagsalita.“First time ko rin. So, hindi lang ikaw ang mapapahiya.” Mahina tuloy na natawa si
Read more