เข้าสู่ระบบ“Just to be clear, ang kailangan mo lang gawin ay magpakita saakin at explain your child’s doing. Wala akong gagawing masama sa anak mo.” Agad na ibinaba ni Nigel ang tawag nang matapos ang kanyang sasabihin.
Kailangan malaman ni Nigel ang totoong nangyari dahil sa edad ni Ara ay alam niyang hindi naiintindihan ng bata ang isinulat nito sa kotse. Baka narinig lamang ng bata ito sa kanyang paligid ang mga iyon.
Nang marinig ni Cristina ang iyak ni Ara ay kaagad siyang nasaktan sa mga oras na iyon ay parang gusto niya ng pumunta agad-agad sa sinabing address ni Nigel.
Pabalik-balik ang naging lakad niya at tumigil din kinalaunan. Maaaring mabilis silang mahahalata ni Nigel sa oras na siya ang pupunta kay Ara ngayon. Dahil nakita na siya nito bilang Yna sa auction house. Isa pang ikinakatakot niya ay kapag lumabas ang katotohanan baka tuluyang ilayo ni Nigel sa kanya si Naya. Hindi pwedeng mangyari iyon.
Ilang segundong naglakad lakad ulit si Cristina habang hawak ang kanyang cellphone at agad niya ring tinawagan si Sarah para sabihin ang kanyang plano. Nang lumipas na ang isang oras ay nakasakay na silang magkaibigan sa kotse kasama sina Nicolas at Nathan patungo sa address na sinabi ni Nigel.
Agad na tinanong ni Sarah ang kaibigan. “Cristina, you think this will work?”
“Sarah, no doubt. I’m sure.” Hinawakan ni Cristina ang kamay ng kanyang best friend. “Sayo ko na ipapagkatiwala ang kaligtasan ni Ara Sarah.” Hinaplos naman siya ng kanyang kaibigan sa balikat ng nararamdaman nitong kinakabahan na siya.
“Cristina, don’t think too much. Sasamang lalabas saakin si Ara mamaya.”
Agad naman nang lumabas si Sarah sa kotse at diretsong pumasok sa glass door ng hotel nakaka-intimidate ang aurang ipinapakita niya sa mga oras na iyon. Nag-dasal naman sina Cristina kasama ng kanyang anak habang naiwan sa loob ng kotse na sana ay wlaang mangyaring masama.
….
Nang makaupo si Ara sa isang sofa ay umiyak siya kaagad, gamit ang kanyang maliliit na daliri ay tinatakpan niya ang kanyang mukha habang nakatingin sa kisame na umiiyak. Seryoso lamang siyang pinapanuod ni Nigel habang nakaupo sa tabi.
“Sir Nigel.” Tawag ni Kean sa kanyang boss. Pumasok siya sa loob at may dala-dala siyang mga plastics mula sa mga groceriesat bumili ng napakaraming candies.
Napatingin naman si Nigel sa mga plastic na hawak ni Kean. “Is that the solution para sa batang ito?”
“Sir, paborito po ng mga bata ito. Subukan niyo pong pahintuin siya sa pag-iyak.” At nagpipigil ng ngiti si Kean sa amo.
“Aaluhin ko siya?”
“Sir kayo po ang nagdala ng batang iyan dito, sino naman po ang ibang mag-aalu sa batang iyan kung hindi po kayo ang gagawa?”
Nang maisip ni Nigel ang sinabi ng kanyang assistant ay napadako ang mata niya kay Ara na tuloy-tuloy pa rin sa pag-iyak. Kaya naman ang kinalabasan din ay tumayo siya at binuhat ang bata. Napayakap siya rito.
Magaan ang bata kaya walang kahirap-hirap niya itong nabuhat at iyon ang una niyang napansin. Naupo naman si Naya sa isang braso ni Nigel at nakatingin siya rito sa namumulang mga mata. Makikita ang lumbay sa mukha nito.
“Kung iiyak ka lang ay walang mangyayari sa problema mo, hindi ba itinuro sa iyon yan?”
“Pwede po bang pauwiin niyo na po ako? Hindi na po ako iiyak.” Singhot ni Ara.
“Still no.” Malamig na sagot ni Nigel.
Tuloy tuloy ang mga luha ni Ara nang marinig niya ang pag-ayaw ni Nigel. Ngunit kalaunan ay naawa din ito sa bata at may parte sa kanya na lumambot nang makita niya ang mukha ni Ara . Hindi na siya nagpaligoy pa at kumuha siya ng candy para aluhin ito. “Ito. Gusto mo ba ng mga candies?”
Nang makita ni Ara na lollipop iyon at hindi na bago para sa kanyang ang candy na yon kaya tumitig lamang siya sa abot ni Nigel. Kahit anong candy pa ang ibigay sa kanyang ay hindi siya matatahan ng mga iyon dahil hindi niya kasama ang kanyang mama Cristina.
Walang tigil pa rin ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi.
“One…Two….Three.” Pagbibilang ni Nigel.
“Five!”
“Alright kid. This is all yours.” Napasuko na siya dahil nakasimangot na ang bata.
Gamit ang maliliit na daliri ay binuksan ni Ara ang mga iyon at kalaunan ay hindi na rin ito umiiyak.
..........
Sa utos ni Nigel ay inalalayan naman ng isang waiter si Sarah habang paakyat ito ng hagdan. Nang nasa pinto na siya ay kumalabog ang kanyang dibdib dahil ang makakaharap niya ay si Nigel.
Kusa naman nang bumukas ang pinto nang pindutin iyon ng waiter. Inalalayan siya na pumasok sa loob. Napabuntong hininga si Sarah at humuhugot ng lakas bago ito pumasok sa kinaroroonan nila Nigel at Naya.
Inalalalyan naman siya kaagad ni Kean papunta kay Nigel.
“Sir Nigel.”
At kaagad itong napatingin kay Sarah.
Kinakabahan naman si Sarah ang iginagala ang paningin sa paligid para tignan ang pamangkin na si Ara . May pangamba siya dahil baka nasaktan ito ngunit nagulat siya nang nakitan niya itong nakaupo sa sofa at tahimik na kumakain ng mga lollipops at iba pang candies.
“Ara , sweetie, hindi ko na alam ang gagawin dahil hindi kita makita thank God you are here just eating lollipops.”
Dali-dali niyang pinuntahan si Naya. “Baby, andito na si mama.”
Tinignan naman ni Ara ang nagsasalita at agad naman siyang pinandilatan ni Sarah dahil baka mabuko sila na ninang lang pala siya ng bata.
Nagtatanong ang mga mata ni Ara, kahit na hindi niya alam kung bakit ganon ang asta ng kanyang tita-ninang ay gumaya na lang din siya. “Mama, finally kukunin niyo na ako.” Binuhat naman kaagad ni Sarah ang inaanak.
“Sigurado bang ikaw ang ina ni Ara ?” At napatingin si Nigel sa dalawa.
Parang tambol na kumakabog ang puso ni Sarah nang marinig iyon ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang kumalma. “Ako ang ina ni Ara and I know what happened. Magbabayad ako sa mga nasira ng anak ko sa kotse mo.”
Hindi pa rin inalis ni Nigel ang titig niya na para bang binabasa niya ang buong pagktao ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
“Iba ang nakausap ko kanina sa tawag. Hindi ikaw ‘yon.” Malamig na sita nito.
Ngunit nanatili pa ring kalmado si Sarah dahil mabubuko sila sa oras na nataranta siya. “Ako ang nakasagot sa tawag mo kanina, sir. Sinasabi niyo po ba na hindi ako ang ina ni Ara ?”
Hindi sumagot si Nigel at natitig lamang siya sa kausap na si Sarah.
“Kung may pag-alinlangan pa po kayo Sir Montefalco, try calling my number again.”
“Can we go home na mama?” Singit ni Ara at sumandig na ito sa balikat ni Sarah.
“Wait baby. Let’s leave here once na tapos na kaming mag-usap ni Sir Nigel.”
Ngunit ang totoo ay wala naman ng duda si Nigel kay Sarah dahil tinawag na siya mismo na mama ni Ara . Dahil hindi ganoon kabilis malinlang si Nigel ang nagtanong ito.
“Pwede mo bang sabihin sa akin bakit sinulat ng anak mo ang mga ganong salita sa kotse ko?”
Sa tingin naman ni Sarah ay hindi ito makikilala ni Nigel kahit ilang beses na silang nagkita noon dahil pitong taon na ang lumipas.
“Nako sir, maling kotse ata ang pinag-diskitahan ng anak ko.”
“What do you mean by that?” Naguguluhan na tanong ni Nigel.
Pinakiramdaman muna ni Nigel ang ekspresyon ng bata at nakita niya na nagsasabi naman ito ng totoo. Naisip niya rin na hindi niya pwedeng basta na lamang iwanan ang bata lalo pa at wala siyang kasama sa airport. "Kean, please paki-background check ang bata bago ko i-contact ang magulang niya para ibalik siya sa kanila." Utos niya. "Ara, I'll bring you to my home okay? Kailangan nating palitan ang damit mo. Pagkatapos kang magpalit, tatawagan ko ang mommy mo para kunin ka, is that clear?" Nanlaki naman ang mga mata ni Ara nang makita niyang naglalakad sina Nicolas at Nathan at sigurado siyang hinahanap na siya ng mga ito dahil tumagal na siya sa cr. "Nakuha ni bad daddy si Ara!" Kinakabahang saad ni Nicolas kay Nathan dahil nakita nila si Nigel at Ara sa may malapit lang. Wala silang ideya kung bakita nakuha na ni Nigel ang kanilang kapatid. Kaagad namang inutusan ni Nigel si Kean na kontakin na ang mga magulang ni Ara. Nang matapos niyang ihabilin ang lahat ay binuhat niya na an
Mabilis na pinanlakihan ng mga mata ni Cristina ang kanyang anak at nang maintindihan naman iyon ni Nicolas ay nagtago ulit ito sa ilalim ng kama. "Nandoon na sila sa helipad." Mabilis namang sumingit si Ara sa gitna nila Nathan at Nicolas at salitan siyang napabaling sa mga ito. "Ano na pong gagawin natin? Sinabihan na tayo ni mama na kina titia Amie tayo uuwi. Pero sundan natin siya. Baka saktan siya ni bad papa at ng bad girlfriend niya." Nagsalubong naman ang mga mata nila Nicolas at Nathan. "Sundan na lang kaya natin si mama sa city para mabilis natin siyang maitakas? Pero dapat hindi niya malaman ang gagawin natin." Bulong ni Nicolas."Pupunta din ako." Presenta ni Ara at makikita ang excitement sa kanyang mga mata at tinignan ang kuya Nathan niya na tahimik lang sa gilid na para bang kumukuha siya ng ideya rito. "It's dangerous. You plan has many loopholes." Sita niya sa dalawa."Nicolas, it's nothing. Papayag din si kuya Nathan." "Pero bago ang lahat. Hihingi muna tayo ng
"What are you trying to say in this picture?" "Sir Nigel, ang mga batang 'yan ang mga hacker." "These three kids?" At nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel dahil sa gulat.Sa picture na ipinakita ni Kean ay may tatlong bata na nakatalikod mula sa camera. May suot ang mga ito ng tag-iisang bakcpack."Yes sir Nigel. As of now sila ang nakita namin sa video ng maretrieve ang footage kaya sila ang prime suspect natin. Base sa tracker nasa building lang ng hotel na ito ang loaction ng mga hackers. Possible po na katabi nating floor o nasa mismong floor natin." Report ni Kean. Napahimalos ng mukha si Nigel dahil hindi matanggap ang resulta ng imbestigasyon lalo pa at bata ang mga nakita sa footage. May hinala siya na ang target ng mga ito ay kasama lang nila sa floor ng building. Hindi niya rin maisip kung ano ang pakay ng mga ito."Hindi pa sila nakakaalis ng building kung ganon. Hanapin niyo sila para ma-interrogate natin isa-isa." Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel haba
Parang tuod na nanigas si Cristina ng marinig niya si Nigel na bigla na lang nagsalita. Agad na bumaling ang kanyangn mga mata rito at napatitig siya kay Nigel. Tuliro ang kanyang isip at nauutal-utal niya itong kinausap. "Kailan ka pa rito? Nigel...andito ka pala." "What are you doing there?" Mariing tanong ni Nigel dahil kakaiba ang kilos ni Cristina. Nakaluhod ito sa may bandang paanan ng kanyang kama at parang may sinisilip na kung ano roon. Sinong normal na tao ang sisilip sa ilalim ng kama gayong wala naman ilaw? Tila ba ay may inaabot ito sa ilalim at iyon ang nasa isip ni Nigel. Doon lamang naisip ni Cristina kung gaano nga ka-werdo ang kanyang postura kaya naman ay mabilis siyang tumayo at hinarap si Nigel. "Tinitignan ko lang yong cellphone ko, nahulog ko kasi kanina nong nawalan ng ilaw." Ngunit imbes na sagutin siya ay malamig lamang ang mga titig sa kanya ni Nigel at parang tinatantya kung nagsasabi nga ba ito ng totoo. "At kailangan bang kasama pati ang mukha mo sa p
Hindi nakagalaw si Cristina sa kanyang kinatatayuan ay may pagkabigla pa rin sa kanyang mukha. Hindi ba siya nagkamali lang ng narinig sa sagot ni Nigel?Nang makita naman ni Nigel ang naguguluhang ekspresyon ni Cristina ay lihim siyang napangisi rito. "Aatras ka na ba?" Wala namang balak si Cristina na sakyan pa ang gusto ni Nigel kaya hinid na lamang siya kumibo rito, baka ay gagawa lang siya ng sariling bitag na ikakapahamak niya pa. Sa huli ay naiwan si Nigel sa presidential suite upang doon magpalipas ng gabi samantalang namili lamang ng isang simpleng kwarto si Cristina upang dooon mamahinga sa gabing iyon. Mabilis siyang naglakad papasok roon at kaagad na ni-lock ang pinto. Nan makapasok na si Cristina sa loob ng kwarto ay parang baliw na ngumingising mag-isa si Nigel dahil natatawa siya sa kapilyuhang ginawa nito kanina. Alam din ni Nigel na hindi na rin kakagat si Cristina sa hamon niya, gusto niya lang itong subukan. Samantala, si Milli ay naroon lamang sa gilid na para
"Tita Sarah, baka ano na po ang nangyari kay mama." Pangungulit ni Winter at nag-umpisa ng magtubig ang kanyang mga mata nag-babadya na ito ay paiyak na. Agad naman siyang nilapitan ni Sarah at niyakap ito. "Ara, stop worrying, okay? Nakausap lang natin ang mama mo kanina, she's safe with your papa. Makakauwi rin ang mama mo. So dito muna kayo pansamantala saakin ng mga kuya mo. Behave, okay?" "Pero po paano si mama....""Ara, makinig ka kay tita, okay? Dito muna kayo saakin at kailangan natin pakinggan si Cristina. Mag-aalala ang mom niyo sa inyo, gusto niyo ba siyango laging nag-iisip sa kaligtasan niyo?" "Ayaw ko pong nagkakaproblema saamin si mama." "Alright. kaya makinig ka saakin, okay?"Kahit naiiyak na si Ara ay pinipigilan niya ito at tumingin sa mga kuya niya bago kay Sarah. "Yes, tita. Behave lang po ako." "Kami din po tita, makikinig po kami sainyo." Singit naman ni Nathan kahit labag sa kalooban niya ang pagbaba ng kanyang bag. Nang makausap ng maayos ni Sarah ang







