Share

Kabanata 5

Author: Lala
last update Last Updated: 2025-12-10 23:22:58

Agad na pumunta roon ang mga tao sa kanyang likuran at doon lamang na-realize ni Ara na wala na siyang kawala pa sa mga ito. 

Habang nakahiga sa sahig ay tinakpad niya ang kanyang mukha gamit ang matataba niyang mga kamay. 

Dahan dahan namang humakbang si Nigel at sandali niya munang tinignan ang paslit na nakahiga sa malamig na sahig. Yumuko siya sa harapan nito at tuluyan nang  binuhat ang bata babae. 

Kitang kita ni Nigel kung paano takpan ng bata ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ito nakikita sa kanyang harapan. 

What an award winning actress, bulong nito sa sarili. “I see you. Huwag mo nang takpan ang mga mata mo.” 

Agad namang naisip ni Ara ang kanyang kinahinatnan. Magaling naman siyang maglaro ng tagu taguan kasama ang mga kuya niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya swinerte. 

Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay ngunit dahil buhat siya sa ere ni NIgel ay hindi niya maigalaw ang mga ito. Sinubukan niya na rin gumalaw gala ngunit hindi pa rin siya makababa. 

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapatiitg siya kay Nigel. Iyon ang pinakaunang beses na matitigan niya ang kanyang daddy na ganoon kalapit. Ilang beses na napakurap si Ara nang maalala niyang kamukhang-kamukha siya ng mga kuya niya. Ngunit kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang maging kamukha ang ama. 

Dahil sa pag-iisip ay wala sa sariling naitaas ni Ara ang kanyang maliit na kamay at may senyas na naman itong ginawa. 

Nang mapatingin si Nigel sa bata ay hindi niya maipaliwanag ang gaan ng kanyang loob rito napara bang may luksong ng dugo. 

“Ano ang pangalan ng mga magulang mo? Why did you vandalize my car?” Malamig na tanong ni Nigel sa bata gamit ang malalim niyang boses. Strikto at walang halong lambing ang tono. 

Kahit na gaanon siya kausapin ni Nigel ay hindi pa rin natatakot sa kanya si Ara. Dahil naalala niya ang sinabi ni Cristina na hindi sila pwedeng kumausap ng masamang tao.  Masamang tao ang kanilang daddy. Sinabi ni Cristina na gusto ni Nigel na ilayo ang mga ito sa kanya. Kaya sa oras na malaman ng kanilang daddy ang totoo ay magkakahiwalay na silang mag-ina. 

“Ipapadukot na lang kita sa pulis hindi ka magsasalita at ipapahanap ko ang daddy mo.” Pananakot ni Nigel sa bata. 

Napaangat ng tingin si Ara nang ma-realize niyang tinutukoy ni Nigel ang sarili. 

“Kapag gumawa ng kasalanan ang mga bata, amg mommy at daddy nila ang makukulong. Kaya, I'll throw your dad inside the prison.” Pananakot ni Nigel.

Alam kasi ni Nigel na takot ang mga bata sa pulis ngunit kakaiba ang batang buhat-buhat niya hindi manlang ito nagpapakita ng takot. 

Nang marinig ni Ara ang mga sinabi ni Nigel ay excited na siyang makulong ang kanilang daddy. 

Nang muling tinignan ni Nigel ang bata ay hindi talaga ito natatakot siya naman ay nag-isip pa siya ng ibang paraan. 

“Ipapakuha ko ang mommy mo.” 

“Why will you imprison my mommy? Just let my daddy be in prison. Huwag niyo pong kunin si mama.” Balisa nitong pakiusap at masungit itong naktitig kay Nigel, na-kyutan siya sa itsura ng batang bitbit niya. 

Napatawa siya sa mukha ni Ara. Napaisip naman si Nigel dahil mas gusto ng bata na makulong ang kanyang daddy huwag lang ang kanyang mommy?.... Siguro ay hindi mabuting ama ang kanilang daddy kaya ganoon si Ara sa kanya. 

“Ang pangalan mo ay Ara, hindi ba? Why did you write something on my car? At sino ang mga kasama mo?” 

Ngunit nanatiling nakasimangot si Ara at nakanguso pa ito. “I won’t say anything. And ako lang po ang nag-draw sa car niyo po, wala po akong kasama.” Sagot ni Ara. 

 

Pansin ni Nigel na loyal ang batang si Ara sa mga kasama niya at doon ay napataas siya ng kilay. “If you won’t tell me about your accomplice, sabihin mo sa akin ang pangalan ng mommy mo.” 

“I won't tell po.” 

“Alright, I have no choice kundi ang ipadampot ka sa mga pulis.” Nang marinig iyon ni Ara mula kay Nigel ay ilang beses siya napakurap at unti-utnti nang umiiyak sa mga sandaling iyon. 

Ibinaba naman si ni Nigel. 

Mabilis na nagpunas ng luha si Ara at mabilis na tumakbo papalayo habang pilyang kumakaway sa mga ito. “Run, Ara! Run!” Paulit ulit niyang paalala sa sarili. 

Napangisi lamang si Nigel nang nakita ang maliit na bata, hindi niya ito hinabol. Buong akala ni Ara ay nakatakas na siya ngunit nakita niyang tatlong hakbang lang ang inilakad ni Nigel at saka niya ito kinarga ulit. 

Muling umangat sa ere si Ara, nang sinubukan niyang pumilagpis ay hindi siya makagalaw. Agad niyang ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilaan niyang bulsa at pinalaki niya ang kanyang pisngi na para bang hinahamon ni ng away si Nigel,  ngunit nagmukha siyang butete na galit. 

Napatawa ng bahagya si Nigel dahil napaka-cute ni Ara. Dinala niya ito sa kanyang kotse at nang dumaan na naman sa kanyang paningin ang nakasulat rito ay. “Tell me, Ara. Bakit mo sinulat ang mga yon sa car ko?” 

Alam ni Nigel na bata pa lamang si Ara at hindi nito alam ang meaning ng kanyang mga pinagsusulat sa kanyang kotse. Ngunit nanatili pa rin nakatikom ang bibig nito at ayaw niya talagang magsalita. 

“Anong nangyari sa kotse mo, Nigel?” Diin ni Millicent.

  ma

“The kid had confessed na siya ang nagsulat sa kotse ko pero hindi pa rin itinuturo ang mga kasama niya. Kean, tumawag ka ng pulis.” 

“Opo sir, Nigel. Pero anong gagawin sa bata?”

Agad namang napatingin si Nigel sa paligid at nakita niyang wlaang katao-tao sa lugar na iyon. Tantya niya ay nasa limang taong gulang na si Ara kaya hindi niya kayang iwanan roon mag-isa ang bata,. 

“Let's wait for the police para ma-kontak natin ang mga magulang niya at para makuha na rin siya rito. “ Iyon ang habilin ni Nigel.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at inilapag doon si Ara. 

Para bang pinagsakluban ng langit si Ara, nagkatotoo na nga ang sinabi ni Cristina sa kanya  na kukunin siya ng kanyang daddy at paghihiwalayin sila nito. Dahan-dahang pumatak ang mga luha ni Ara nang naisip niya na hindi niya na makikita pang muli ang kanyang mommy.

Napansin ni Nigel na umiiyak si Ara nang makapasok ito sa loob ng kotse. Inaamin niya na hindi siya marunong sa pakikipaghalubilo sa mga bata at mas lalong naiinis siya kapag nakakarinig siya ng iyak ng mga to.

 Pero kakaiba ang batang si Ara hsa halip na mainis  siya ay naramdam siya ng awa at lumambot ang kanyang puso. 

“Why are you crying, Ara? I didn't hurt you.” 

Pinunasan kaagad ni Ara ang kanyang mga luha gamit ang maliit niyang kamay. “You are a kidnapper. Hindi ko na makikita ulit si mommy.” At mas lumakas ang pag-iyak nito na halos ay hindi na siya makapagsalita. 

Taimtim lamang siyang pinapanood ni Nigel bago muling nagsalita. “If your mother will going to call me, ibabalik kita sa kanya.” 

Nang marinig iyon ng bata at napatigil siya sa pag-iyak .”Talaga po?” Ang bilugang mata nito at diretsong nakatingin kay Nigel na may bakas pa ng luha. Ngunit alam naman nito na kunwari lang ang pag-iyak ni Ara. 

“Yeah, and you need to tell me kung bakit mo sinulatan ang car ko.” 

Ngunit mariin na napatikom ang bibig ni Ara at tumingin ito kay Nigel na para bang sinasabi nito na hindi siya magsasalita kahit anong mangyari. 

Nirerespeto siya ng nakararami at madalas din ang pag-utos niya sa mga empleyado, lahat naman ay napapasunod niya ngunit ang maliit na bata sa kanyang harapan ay wala siyang magawa sa katigasan ng ulo nito. 

Kitang kita nila Nathan at Nicolas kung paano kunin si Ara ng mga tauhan ng kanilang daddy. Kaya naman ay labis silang nag-alala para sa kapatid. 

Nais na bumalik ni Nicolas upang tulungan tumakbo si Ara ngunit mabilis naman siyang pinigilan ni Nathan. “Kamukhang-kamukha natin si daddy. Kapag bumalik tayo roon ay hindi rin natin makukuha si Ara at mapapahamak pa natin si mommy.” 

“But what about Ara?” Tanong ni Nicolas.

“Unahin muna nating hanapin si mommy.” 

 Nanginginig ang kalamnan ni Nicolas. Nang nagring ang cellphone ay nakita nilang tumatawag si Cristina. Kinakabahan na rin ito dahil hindi niya makita ang tatlo. 

Napahawak sa noo si Nicolas. “Hala, tumatawag na si mommy!” 

Mabilis naman itong sinagot ni Nathan. “Nate and Nico. Saan kayo pumunta? Nasaan si Ara? Kasama niyo ba ang kapatid niyo?” 

Hindi makasagot si Nathan kaya kinuha ni Nicolas ang cellphone. “Mommy, naka’y bad papa po si Ara.” 

Nang marinig iyon ni Cristina ay para siyang nabingi at ilang segundo bago pa siya makapag-react. 

Para siyang binagsakan ng langit.

“What? Si Ara….how?” Sa sobrang pagkabalisa niya ay hindi niya mahagilap ang tamang salitang sasabihin. “Nakilala ba kayo ng daddy niyo?” Iyon lamang ang kanyang naisip. 

“No mommy.” Sagot ni Nathan. 

“Come here you two. Ako na ang bahala kay Ara.” Napabuntong hininga si Cristina at sinubkan niyang kumalma. 

“Yes mommy.” 

Nang matapos ang tawag sa kambal ay biglang may natanggap siya na tawag sa hindi kilalang numero. Doon ay hindi naging maganda ang kanyang pakiramdam. Nag-aalinlangan man ay sinagot niya ang tawag. 

“Are you Ara’s mom?” Tanong ng isang lalaki gamit ang malalim nitong boses. 

“You daughter is with me.” 

Doon pa lang ay nakilala na kaagad ni Cristina ang boses ni Nigel. Agad siyang ginapangan ng kaba. 

“May kailangan ka ba?”

“Pumunta ka sa Black Ave Hotel at doon mo kukunin si Ara.” 

Rinig na rinig ni Cristina ang mga hikbi ni Ara mula sa kabilang linya kaya mas lalo siyang kinabahan. “Naiintindihan kong mabuti. Pag-usapan natin ito ng maayos basta babayaran kita. Huwag mo lang saktan ang anak ko, please.” Napakunot noo si Nigel nang marinig ang pamilyar na boses ng babae. Pamilyar ang boses na iyon sa kanyang tenga. 

Nang inaalala ni Nigel ang pamilyar na boses ng babae ay nag-umpisa ring umiyak ng malakas si Ara. Pabago bago ang estilo ng pag-iyak nito, minsan ay malakas at biglang hihina at hihinto at kapag may naalala ay umiiyak na naman. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 16

    Pinakiramdaman muna ni Nigel ang ekspresyon ng bata at nakita niya na nagsasabi naman ito ng totoo. Naisip niya rin na hindi niya pwedeng basta na lamang iwanan ang bata lalo pa at wala siyang kasama sa airport. "Kean, please paki-background check ang bata bago ko i-contact ang magulang niya para ibalik siya sa kanila." Utos niya. "Ara, I'll bring you to my home okay? Kailangan nating palitan ang damit mo. Pagkatapos kang magpalit, tatawagan ko ang mommy mo para kunin ka, is that clear?" Nanlaki naman ang mga mata ni Ara nang makita niyang naglalakad sina Nicolas at Nathan at sigurado siyang hinahanap na siya ng mga ito dahil tumagal na siya sa cr. "Nakuha ni bad daddy si Ara!" Kinakabahang saad ni Nicolas kay Nathan dahil nakita nila si Nigel at Ara sa may malapit lang. Wala silang ideya kung bakita nakuha na ni Nigel ang kanilang kapatid. Kaagad namang inutusan ni Nigel si Kean na kontakin na ang mga magulang ni Ara. Nang matapos niyang ihabilin ang lahat ay binuhat niya na an

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 15

    Mabilis na pinanlakihan ng mga mata ni Cristina ang kanyang anak at nang maintindihan naman iyon ni Nicolas ay nagtago ulit ito sa ilalim ng kama. "Nandoon na sila sa helipad." Mabilis namang sumingit si Ara sa gitna nila Nathan at Nicolas at salitan siyang napabaling sa mga ito. "Ano na pong gagawin natin? Sinabihan na tayo ni mama na kina titia Amie tayo uuwi. Pero sundan natin siya. Baka saktan siya ni bad papa at ng bad girlfriend niya." Nagsalubong naman ang mga mata nila Nicolas at Nathan. "Sundan na lang kaya natin si mama sa city para mabilis natin siyang maitakas? Pero dapat hindi niya malaman ang gagawin natin." Bulong ni Nicolas."Pupunta din ako." Presenta ni Ara at makikita ang excitement sa kanyang mga mata at tinignan ang kuya Nathan niya na tahimik lang sa gilid na para bang kumukuha siya ng ideya rito. "It's dangerous. You plan has many loopholes." Sita niya sa dalawa."Nicolas, it's nothing. Papayag din si kuya Nathan." "Pero bago ang lahat. Hihingi muna tayo ng

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 14

    "What are you trying to say in this picture?" "Sir Nigel, ang mga batang 'yan ang mga hacker." "These three kids?" At nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel dahil sa gulat.Sa picture na ipinakita ni Kean ay may tatlong bata na nakatalikod mula sa camera. May suot ang mga ito ng tag-iisang bakcpack."Yes sir Nigel. As of now sila ang nakita namin sa video ng maretrieve ang footage kaya sila ang prime suspect natin. Base sa tracker nasa building lang ng hotel na ito ang loaction ng mga hackers. Possible po na katabi nating floor o nasa mismong floor natin." Report ni Kean. Napahimalos ng mukha si Nigel dahil hindi matanggap ang resulta ng imbestigasyon lalo pa at bata ang mga nakita sa footage. May hinala siya na ang target ng mga ito ay kasama lang nila sa floor ng building. Hindi niya rin maisip kung ano ang pakay ng mga ito."Hindi pa sila nakakaalis ng building kung ganon. Hanapin niyo sila para ma-interrogate natin isa-isa." Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel haba

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 13

    Parang tuod na nanigas si Cristina ng marinig niya si Nigel na bigla na lang nagsalita. Agad na bumaling ang kanyangn mga mata rito at napatitig siya kay Nigel. Tuliro ang kanyang isip at nauutal-utal niya itong kinausap. "Kailan ka pa rito? Nigel...andito ka pala." "What are you doing there?" Mariing tanong ni Nigel dahil kakaiba ang kilos ni Cristina. Nakaluhod ito sa may bandang paanan ng kanyang kama at parang may sinisilip na kung ano roon. Sinong normal na tao ang sisilip sa ilalim ng kama gayong wala naman ilaw? Tila ba ay may inaabot ito sa ilalim at iyon ang nasa isip ni Nigel. Doon lamang naisip ni Cristina kung gaano nga ka-werdo ang kanyang postura kaya naman ay mabilis siyang tumayo at hinarap si Nigel. "Tinitignan ko lang yong cellphone ko, nahulog ko kasi kanina nong nawalan ng ilaw." Ngunit imbes na sagutin siya ay malamig lamang ang mga titig sa kanya ni Nigel at parang tinatantya kung nagsasabi nga ba ito ng totoo. "At kailangan bang kasama pati ang mukha mo sa p

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 12

    Hindi nakagalaw si Cristina sa kanyang kinatatayuan ay may pagkabigla pa rin sa kanyang mukha. Hindi ba siya nagkamali lang ng narinig sa sagot ni Nigel?Nang makita naman ni Nigel ang naguguluhang ekspresyon ni Cristina ay lihim siyang napangisi rito. "Aatras ka na ba?" Wala namang balak si Cristina na sakyan pa ang gusto ni Nigel kaya hinid na lamang siya kumibo rito, baka ay gagawa lang siya ng sariling bitag na ikakapahamak niya pa. Sa huli ay naiwan si Nigel sa presidential suite upang doon magpalipas ng gabi samantalang namili lamang ng isang simpleng kwarto si Cristina upang dooon mamahinga sa gabing iyon. Mabilis siyang naglakad papasok roon at kaagad na ni-lock ang pinto. Nan makapasok na si Cristina sa loob ng kwarto ay parang baliw na ngumingising mag-isa si Nigel dahil natatawa siya sa kapilyuhang ginawa nito kanina. Alam din ni Nigel na hindi na rin kakagat si Cristina sa hamon niya, gusto niya lang itong subukan. Samantala, si Milli ay naroon lamang sa gilid na para

  • CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND    Kabanata 11

    "Tita Sarah, baka ano na po ang nangyari kay mama." Pangungulit ni Winter at nag-umpisa ng magtubig ang kanyang mga mata nag-babadya na ito ay paiyak na. Agad naman siyang nilapitan ni Sarah at niyakap ito. "Ara, stop worrying, okay? Nakausap lang natin ang mama mo kanina, she's safe with your papa. Makakauwi rin ang mama mo. So dito muna kayo pansamantala saakin ng mga kuya mo. Behave, okay?" "Pero po paano si mama....""Ara, makinig ka kay tita, okay? Dito muna kayo saakin at kailangan natin pakinggan si Cristina. Mag-aalala ang mom niyo sa inyo, gusto niyo ba siyango laging nag-iisip sa kaligtasan niyo?" "Ayaw ko pong nagkakaproblema saamin si mama." "Alright. kaya makinig ka saakin, okay?"Kahit naiiyak na si Ara ay pinipigilan niya ito at tumingin sa mga kuya niya bago kay Sarah. "Yes, tita. Behave lang po ako." "Kami din po tita, makikinig po kami sainyo." Singit naman ni Nathan kahit labag sa kalooban niya ang pagbaba ng kanyang bag. Nang makausap ng maayos ni Sarah ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status