AYA'S POVHindi ko ma-explain ‘yung sobrang gaan na feeling habang nakatanaw sa mga puno ng niyog sa gilid ng kalsada. Unti-unti nang nawawala ‘yung ingay at polusyon ng Makati, at napapalitan na ng malamig na hangin dito sa Laguna. Pagkatapos ng lahat ng gulo sa Montenegro Towers, wala na akong ibang gustong gawin kundi makita si Nico at yakapin siya nang sobrang higpit."Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan," tanong ni Lucius habang nagmamaneho. Wala kaming escorts ngayon, walang convoy. Siya at ako lang talaga, parang normal na mag-asawa o pamilya lang na pauwi sa probinsya."Ayos lang ako, Lucius. Feeling ko kasi panaginip pa rin ang lahat. Isang araw, nagdidilig lang ako ng mga halaman, tapos kahapon, kaharap na natin ang mga pulis at media," sagot ko habang nakatingin sa kaniya. "Salamat, Lucius. Salamat kasi pinanindigan mo ako."Saglit niyang hinawakan ang kamay ko bago binalik sa manibela. "Wala ‘yun, Aya. Sabi ko naman sa’yo, hinding
Last Updated : 2025-12-25 Read more