AYA’S POV "Aya, 'yung ribbon ng mga sunflowers, pakitingnan nga kung pantay," tawag ni Lucius habang seryosong nakikipagbuno sa isang bouquet. Alas-otso pa lang ng umaga. Ang amoy ng kape at bagong pitas na mga rosas ay humahalo sa amoy ng floor wax sa loob ng shop. Kung titingnan mo kami mula sa labas, para lang kaming isang normal na magkasintahan na naghahanda para sa rush hour ng umaga. Pero sa ilalim ng counter, malapit sa paanan ko, nandoon ang maliit na bag na naglalaman ng susi mula kay Leonora. "Pantay 'yan, Manager. Masyado kang perfectionist," biro ko habang inaayos ang pagkaka-display ng mga succulent sa bintana. Sumulyap ako sa labas. Nakita ko si Mark na kunyari ay nagbabasa ng diyaryo sa tapat ng karinderya ni Aling Nena. Si Rafe naman ay nasa loob ng kaniyang sasakyan, ilang metro ang layo mula sa pinto ng bangko na nasa kanto lang namin. Ang plano ay simple: magbubukas kami ng shop, magtitinda, at sa oras na dumating ang maraming tao para mag-inquire, doon kam
Last Updated : 2026-01-09 Read more