AYA’S POV Maaga kaming nagising para sa biyahe patungong sementeryo. Hindi katulad ng mga nakaraang taon na palihim akong pumupunta, nakayuko, at tila nahihiya sa mundo, ngayon ay nakataas ang noo ko. Isang puting bestida ang suot ko, simple lang, habang si Nico naman ay naka-polo shirt na asul. Si Lucius? Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt at maong, pilit na nagpapakumbaba sa harap ng alaala ng tatay ko. "Mark, salamat sa pagdala ng mga bulaklak," sabi ko habang iniaabot sa akin ang tatlong malalaking bouquet ng puting lila at rosas. "Walang anuman, Ma'am. Nakahanda na rin po ang mga kandila sa sasakyan," sagot ni Mark na tila ba naging pamilyar na rin sa amin nitong mga nakaraang araw. Sumakay kami sa SUV. Habang bumabaybay kami sa kalsada, napansin ko ang mga newsstand sa gilid ng daan. Halos lahat ng front page ng pahayagan ay mukha ni Lucius at ang headline tungkol sa pag-abswelto kay Tatay. May mga tao sa labas na nag-uusap, may mga tumatango, at may mga kumukuha ng litra
Last Updated : 2026-01-06 Read more