Ngumiti ako kay Ferly bago ihininto ko ang kotse sa tapat ng hospital, bumaba, at pinagbuksan siya ng pinto.Maaga pa lang pero gising na ang buong lugar. May mga ambulansyang naghahatid ng pasyente, may mga nurse na nagmamadali, at may mga pasyenteng kasama ang mga bantay nila.“Thank you,” sabi ni Ferly habang inaayos ang strap ng bag niya.Lumapit ako, hinaplos ang braso niya at tumitig sa kanya. “See you later, darling,” ngiti kong hinapit ang baywang niya at hinila siya palapit sa akin.“Jyrone, maraming tao…” Mahina niya akong tinulak, napapatingin sa paligid.Saglit akong lumingon at muling tumitig sa kaniya. “Pakialam ko sa kanila. Mamimiss kita.” Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.“Ikaw…” Napailing siya, pero ngumiti rin.“Sige na, umalis ka na,” sabi niya habang tinutulak ako. “Ingat sa pag-drive, okay?”“I will, darling,” sagot ko. “Ikaw, huwag kang magpakapagod.”Tumango-tango siya. “Yes po.” Kumaway pa siya bago nagsimulang maglakad.Hindi agad ako umalis. Sinundan ko mu
Last Updated : 2026-01-01 Read more