FerlyAng tunog ng alon ang unang sumalubong sa akin.Hindi palakpakan. Hindi papuri at bulungan. Walang engrandeng musika. Ang hampas ng tubig sa buhangin lang ang tanging maririnig.Huminga ako nang malalim bago ako humakbang.Mahaba ang lakad ko papasok sa seaside pavilion. Tanging puting tela lang ang palamuti, at mga simpleng bulaklak.Simple, pero ang saya pa rin sa pakiramdam, kasi sa dulo, naghihintay ang mahal ko.Si Jyrone.Nakatayo siya sa harap, nakangiti. Bakas sa mukha niya ang saya.Ilang hakbang na lang, abot ko na siya. At kada hakbang, nagiging malinaw ang lahat. Ito na talaga ’yon. Ang kasal namin ni Jyrone. Wala nang atrasan ’to.Mabagal ang hakbang ko, pero ang puso ko ang bilis ng tibok. Halo-halo ang nararamdaman ko. Tuwa, takot, guilt, at pangamba. Tama ba ’tong desisyon ko? Hindi ba ako magsisisi sa huli?Napatingin ako kina Anessa at D, nakatayo rin sa kaliwang side, kaharap si Jyrone, at si Bart na nasa tabi niya.Lahat sila nakangiti, masaya rin gaya namin.
Last Updated : 2026-01-26 Read more