Ilang ulit akong lumunok, inaalis ang humarang sa lalamunan kong pumipigil sa pagsasalita ko.Si Ferly, napatitig sa akin. Seryoso ang mukha habang tumayo nang maayos, pero ni saglit, hindi ako tinantanan ng tingin.Kita ko ring unti-unting nanginig ang labi niya, na parang maiiyak na.I held her gaze longer than necessary.Then I smiled.“Gusto kong magtanong.” Sa wakas ay nasabi ko, kalmado at ni kaunti ay pinilit kong walang bumakas na inis o selos sa mukha ko. “But I’d rather hear it from you.”Nanatili siyang tahimik, pero saglit na yumuko. Mabilis din niyang pinadaan ang palad sa gilid ng mata niya, at muling tumitig sa akin.“If I push,” dagdag ko, “and you’re not ready, it’ll just turn into resentment. Or a fight. I don’t want that.”Ngumiti siya at huminga nang malalim.“Hindi ko in-expect,” sabi niya, bahagyang umiling. “Na ang isang Jyrone Policarpio, kilala sa pagiging… matinik, ganito pala mag-isip.”Tumigil siya sandali, saka nagpatuloy. “Ganito ka… ka-maunawain.”Napangi
Last Updated : 2026-01-14 Read more