CHAPTER 10:Napakamot ako sa aking ulo sabay hilaw na ngumiti kay Aiah. "Um... pwedeng bukas na lang? Ano kasi... pagod na pagod ako... inaantok pa ako. Baka hindi ko lang din maintindihan."Sandali siyang natigilan, pero nang bumaba ang tingin niya sa iika-ika kong tindig at sa hawak kong balakang ay agad na napalitan ng pagkaunawa ang kaniyang mukha. "Pasensya ka na. Nakalimutan ko... sige, magpahinga ka na muna. Mag-uusap na lang tayo kapag may pagkakataon," aniya, bago dahan-dahang tumalikod at naglakad palayo sa pasilyo.Agad kong pinihit ang pinto ng kwarto ko, pumasok, at pabagsak na nahiga sa kama. Sa sobrang kapaguran ay hindi ko na nagawang magkumot o mag-ayos ng higaan dahil nakatulog na ako."Ika! Gising na, bata ka! Tanghali na naman!"Boses na naman iyon ni Manang Maria. Pagtingin ko sa orasan ay alas-diyes na pala ng umaga!"Hala, patay!" bulalas ko. Dalawang araw pa lang ako rito pero late na naman ako ng gising, ano ba ’yan!Pinagbuksan ko na ng pinto si Manang Maria
آخر تحديث : 2026-06-12 اقرأ المزيد