공유

Chapter 14

작가: HANIFAH
last update 게시일: 2026-01-23 09:28:34

Lumipas ang ilang oras pero nanatili akong gising, nakatitig sa kisame habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali. At hindi nakakatulong ang biglaang katahimikan sa labas ng kwarto kanina. At mukhang masasagot na nga ang namumuong hinala sa utak ko nang mayamaya pa ay bigla akong nakarinig ng mabibigat at dahan-dahang yabag sa labas.

Huminto ang mga yabag na iyon sa tapat mismo ng pinto ko. Mabilis akong napatalukbong ng kumot hanggang ulo nang sunod kong na
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 116

    “So, student na ako?” tanong ko matapos kumalma. Pareho na kaming nakaupo sa sala, tinitingnan ang letter ng university. Siya ang may hawak n'un. “Yes. And that means we really need to celebrate tonight,” ngingiti-ngiti niyang sabi, sa papel pa rin ang tingin. “Libre mo?” biro ko. Nginisihan niya ako sabay kurot sa pisngi ko. “Of course. I still have enough for a fancy dinner—or at least, the best ramen in Kyoto. Get dressed, Little kitten. Let’s show this city that the top artist of the year is officially off the market.” Natawa ako. Wala lang. Para kasing mas masaya pa siya kaysa sa akin. Mabilis akong pumasok sa kuwarto at nagpalit katulad ng bilin niya. Sandali pa akong napatitig sa repleksyon ko sa salamin nang makitang abot hanggang tainga na ang ngiti ko. Hindi lang iyon dahil mamula-mula pa ang pisngi ko kahit hindi pa ako naglalagay ng blush-on. Siguro sa loob ng tatlong taon, ngayon ko lang ata nakita ang sarili na ngumiti ng ganito. Totoong ngiti. Ang gaan pala s

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 115

    Akala ko balik na sa dati. Na normal na niya akong kakausapin, pero pagkauwing-pagkauwi namin ay balik na naman siya sa pananahimik. Gumabi na't nag-umaga, pero ganoon pa rin siya. Kinakausap naman niya ako pero tuwing magtatanong lang kung anong gusto kong ulam, o ‘di kaya ay kung komportable ba ang naging tulog ko. Bukod d'yan, wala na. Gusto ko siyang makausap tungkol kay Lucas at sabihin ng paulit-ulit na hindi ko naman talaga pipiliin ang isang ’yun kung iyon ang iniisip niya ngayon, pero ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay magkukunwari na siyang may pinagkakaabalahan sa cellphone niya. Dalawang araw na ang lumipas at walang pinagbago. Sa totoo lang, naiinis na ako. Nakakabingi na ang katahimikan niya. Mas gugustuhin ko pa atang asar-asarin niya ako o ‘di kaya ay magbitaw siya ng masasakit na salita kaysa ganito. Nasa sala ako at pilit na inaayos ang portfolio ko. Ngayon na maglalabas ng resulta ang university kung nakapasa ba ako o hindi. Pero ang lalaki, nasa labas. Luma

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 114

    Kita ko ang pag-igting ng panga niya bago mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa isa kong kamay nang hawakan niya ulit iyon pero sa pagkakataong ito ay mahigpit na. Napalunok ako, sabay pinatay ang tawag na hindi tinutugunan ang alok ni Lucas sa akin. Nang ibalik ko kay Caleb ang tingin ko ay kitang kita ang pagkakahawak niya ng mahigpit sa manibela gamit ang isa pa niyang kamay. “Caleb…” tawag ko sa kaniya sa mababang tono. “I-I didn't—" “I knew you’d choose him…" putol niya sa akin bago ko pa man mabuo ang sasabihin ko, sa harap pa rin ang tingin niya. “This is the reason why I didn’t want you two talking,” mapait niyang sabi. Binitawan niya ang kamay ko saka ako tiningnan ng diretso sa mata. “Walang akong laban sa tatlong taon niyong pagsasama. Walang laban ang… wala pang dalawang buwan nating pagsasama. You spent your three years with him while I was out there being the villain in your story.” Naitikom ko ang kaninang nakaawang kong bibig. Hindi a

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 113

    Huminga ulit ako nang malalim at nagsimulang maglakad papasok sa main hall pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat na rin sa kaniya. Ang interior ng building ay minimalist, puro puti at salamin, na lalong nagpadama sa akin ng seryosong atmospera ng lugar. Bawat corridor ay may mga digital displays ng mga gawa ng mga estudyante, at hindi ko mapigilang mamangha sa husay ng mga strokes at detalye ng mga gawa nila. Nang mahanap ko ang designated room para sa demo ay agad akong pumasok doon. Bumungad sa akin ang mahabang table na may mga high-end na pen tablets at monitor. Ang bawat station ay may sapat na distansya para sa privacy ng bawat artist. Naupo ako sa station 14 at inilabas ang bagong stylus na binigay ni Caleb. Napabuntong-hininga ako nang maramdam ko ang bigat nito sa kamay ko. Para bang ito ang nagsisilbing bigat ng sakripisyo niya, ang bigat ng pangarap ko, at ang bigat ng kagustuhan kong maipasa ito. Nagsimula ang proctor sa pagbibigay ng instructions. Ang theme para

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 112

    Mahimbing pang natutulog si Caleb nang magising ako kinabukasan. Babangon na sana agad ako pero nang makita ko kung gaano kaamo ang natutulog niyang mukha, kusa na lang akong napatitig sa kaniya. Ito ata ang unang pagkatataon na makita siyang hindi nakakunot ang noo habang natutulog. Hmm… “Ang gwapo mo pa rin kahit mahirap ka na,” bulong ko habang pinagmamasdan ang pilantik ng mga pilikmata niya. Mula sa mga mata niya ay agad bumaba ang tingin ko sa labi niya nang kumurba ito ng pilyong ngiti. “I can hear you, Little kitten. And for the record, I’m not that poor yet,” paos niyang sabi bago dahan-dahang idilat ang mga mata. What the— “K-kanina ka pa gising?" nauutal kong tanong sabay iwas agad ng tingin. Sh*t! Nakakahiya! "Hindi naman,” aniya sa kalmado ng boses. Muntik na akong mapaigik nang basta na lang niya ako hinila palapit sa akin, pagkatapos ay isang mabilis na halik sa noo ang iginawad niya sa akin. “Morning, baby. How are you? May masakit ba sa'yo?” Sh*t! Sh

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 111

    Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kahit malakas naman ang aircon sa loob ng kwarto. Isama mo pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko, nagmistulang kuryente na gumagapang sa buong sistema ko. “C-Caleb…” utal kong tawag sa kaniya, pasimpleng inilalayo nang kaunti ang leeg ko. “A-anong sabi mo?” Mahina siyang tumawa. Lalo pa niyang isiniksik ang kaniyang ilong sa balat ko at inamoy-amoy na ang bandang iyon. The hell?! “I want you to call me that again,” bulong niya, mas paos na ngayon. “The way you said it earlier… it almost made me want to give you back your phone, the company, and even my soul. Call me baby again, please…” Nakatatlong lunok na ako ng sariling laway para pakalmahin ang sarili ko. Ano ba naman ’tong ginagawa niya? Konti na lang talaga at sisigaw na ako. Hindi ko kinakaya! Kung bakit ko ba naman Kasi naisipang tawagin siyang baby. Ito tuloy! “A-ayoko nga!” pagmamatigas ko sabay siko nang mahina sa kaniya. “Sabi mo foul play ’yun, ’di ba? B-ba't

  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 10

    "Allow me to assist you until we reach downstairs.”"I... I can't go down yet," mabilis kong katuwiran habang iniisip ang susunod na sasabihin. "Hindi pa tapos ang buhok ko. Look, it’s a mess! At isa pa, ihing-ihi na ako kanina pa. I need to go to the comfort room before I accidentally ruin this ex

    last update최신 업데이트 : 2026-03-18
  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 11

    Mabilis ang bawat hakbang ko habang hila-hila si Liana patungo sa pinakamalapit na side entrance ng mansyon. Ramdam ko ang kagustuhan niyang tumigil upang lingunin pa ang kinaroroonan ni Caleb pero tuloy lang ako sa paghila sa kaniya. “Lana, wait! Dahan-dahan naman!” reklamo niya nang makapasok na

    last update최신 업데이트 : 2026-03-18
  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 12

    Naiwan akong ayaw matahimik sa loob ng maliit na guest room na ito. Pakiramdam ko'y bawat segundo ay pabigat nang pabigat ang hangin sa paligid ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang masigabong palakpakan at hiyawan na nagmumula sa baba. Ang dagundong ng musika at ang malakas na boses ng announcer ay a

    last update최신 업데이트 : 2026-03-18
  • The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)   Chapter 13

    "Your lips… they didn’t feel like this when I kissed you while you were asleep…”"W-What are you talking about, Caleb? Hindi ko alam na may pagka-random ka!" pilit na tawa ni Liana, pero bakas sa boses niya ang tensyon. Hindi ko siya masisisi dahil maski ako ay hindi ko inaasahan ang ganitong rebel

    last update최신 업데이트 : 2026-03-18
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status