I'm so sorry, mga bebeloves ko. Hindi bale, kapag nagka-boyfriend na ako ng sobrang yaman, like mas mayaman pa sa buwisit na lalaking ’yon, bibilhin ko rin kayo. For now, you have to sacrifice for your goddess master.Bigla akong natawa sa mga naisip ko. Kung iisipin, parang ang dali lang gawin. Pero ang totoo niyan, baka nga nauna na niyang naisip ang plano kong ito.Katulad kanina. Akala ko siya na ang mauutakan ko kasi bayad na ang mga loan, installment, at utang ko. Iyon pala, may nakahanda na siyang plano para hindi ko siya matakasan nang gano’n kadali.Ika nga niya, mahahanap niya ako kahit saan ako pumunta. Ayaw kong paniwalaan iyon, syempre, pero ngayon na napagtanto ko na parang barya lang sa kaniya ang bilyon, hindi na rin iyon imposible.Kaya lang naman niya ako hindi nahanap dati kasi hindi naman talaga niya ako hinanap. Iyon lang ’yon.Ano na, Charlita? Walang nakahandang Plan B, gano’n?Nilapit ko na lang ang mukha ko sa salamin at bahagyang inayos ang medyo tumaas kong
最終更新日 : 2026-10-12 続きを読む