Tuloy lang ako sa paglalagay ng mga gamit sa maleta. Nang mapuno na ang isa, kumuha ako ng isa pa. Iyon naman ang pinaglagyan ko ng mga bebeloves kong gamit. Mahal ko na kasi talaga sila, kaya isasama ko sila paalis.Buti na lang may phone na ako. Puwede ko nang kontakin ang ilan sa mga kaibigan ko para pansamantalang tumira sa kanila.Nakapagtapos naman ako, kaya sigurado akong may trabaho diyan sa gilid-gilid na puwedeng tumanggap sa akin.Pumayag man o hindi ang demonyong ’yon, lalayas na ako rito. Buti nga, hindi kami nagkita ng fiancée niya. Kung nagkataon, isa na namang problema ang kahaharapin ko.Ang mas malala pa, baka ipa-broadcast pa ng babaeng ’yon ang pagiging kabit ko. Baka umabot pa sa probinsya. Panigurado, mas lalong magagalit sa akin si Mama.Napagod na ako sa kakalagay ng gamit sa pangatlong maleta, pero hindi pa rin ako tumigil. Bale, lima na lahat ang napuno ko. Sobrang dami pala nito. Siguro, babalikan ko na lang ‘yung iba.Nang matapos ako, isa-isa kong nilipat
آخر تحديث : 2026-10-13 اقرأ المزيد