เข้าสู่ระบบ
----Aurora Genevieve Delos Santos----
"Gen pasensya na talaga, hindi ka kasi talaga malalabas ni Sir ngayon. Mukang nagtatalo na naman kasi yung mag-asawa." Puno ng awang sabi sa akin ni Manang Gloria, ang isa sa pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Montenegro, ang pamilya ng ama ko. She also knows about me. Alam niya na anak ako ni Mr. Montenegro sa ibang babae.
Sampung taong gulang pa lang ako ng tuluyan ng umalis na sa bahay si Daddy. Akala ko noong una ay dahil nagtatrabaho lang s’ya malayo pero maglaon ay naintindihan ko na rin, na sa tuwing umaalis pala siya noon ay sa tunay na pamilya niya ito umuuwi hanggang sa isang araw ay talagang hindi na ito bumalik pa sa amin ni Mama.
After that day, I promised myself that I would never search for my father again. Sapat na sa akin ang Mama ko. Sinabi ko noon na mabubuhay kami ng wala siya, na gagawin ko ang lahat para sa amin ni Mama. Pumasok ako sa iba't ibang trabaho kahit pa wala pa ako sa wastong gulang. Si Mama naman ay wala ring tigil sa pamamasukan. Pero talaga nga sigurong malupit ang tadhana. Because a year ago my mother was diagnosed with stage four colon cancer. Ang mahirap naming buhay noon ay mas lalo pang humirap dahil sa chemo at mga gamutan ni Mama. That is also the time when I swallowed my pride. I contacted my father, Aurelio Montenegro, a well-known business tycoon. He has a cargo and cruise ship business that belonged to his wife's family, pero dahil solong anak ang asawa nito kaya naman siya na rin ang namamala sa mga negosyo nito ng mamatay ang magulang ng ginang. Idagdag pa ang sarili nitong negosyo na pagbebenta ng mga dekalidad na armas sa iba't ibang bansa. It was very difficult to make that business legal here in the Philippines, but he made it possible.
For a year once a month akong napunta sa opisina nito o kaya naman ay kinikita ito sa isang restaurant para sa perang ibinibigay niya para sa gamutan ni Mama. Oo nagbibigay siya ng pera pero lahat ata ng pang-iinsulto ay narinig ko sa kanya sa tuwing magkikita kami. He was so mad at me matapos kong piliin na sumama kay Mama noon kaysa sa kanya, kaya naman ngayon ay iyon ang isinusumbat niya sa akin. He always said that if I just choose him, I would never experience this hardship that I have right now. But I never regret that decision I made before, dahil mahirap man ang naging buhay ko, masaya naman ako sa piling ni Mama.
But today is different. Biglang nawalan ng malay si Mama kaninang umaga matapos itong dumaing ng pagsakit ng tiyan at pagsusuka. I only have two thousand pesos in my pocket at ibinayad ko ito sa ospital kanina para lang i-admit nila si Mama. Kaya ngayon ay lakas loob akong pumunta sa bahay ng ama ko para humungi ng tulong. But I think wala talaga akong tulong na aasahan sa kanya.
Bigo akong naglakad palabas ng subdivision, lumuluha at hindi alam kung saan ako kukuha ng perang kailangan ko para sa operasyon ni Mama. The doctor said that my mother needs an immediate operation, kung posible nga raw na ngayong araw o bukas ay maoperahan ito mas mainam dahil kapag pinatagal pa raw namin ito ay mas lalong manganganib ang buhay ni Mama.
Sa paglabas ko ng gate ng malawak na subdivision kung saan nakatira ang walang kwentang ama ko ay s’ya namang pagtawag sa akin ng ospital kung saan naka-confine si Mama. "Gen, si Doc. Fernandez ito. Kailangan ng maoperahan ngayon ng Mama mo. Nagka seizure na naman siya kanina, pang-apat na ito ngayong araw. Baka sa susunod hindi na natin siya maisalba,"
paliwanag ng Doctor ni Mama. He was not that old. Katunayan nga ay nasa fourty plus lang ito. Mayaman at nagmula talaga sa pamilya ng mga doctor. He is also the current director ng private hospital kung saan palagi kong dinadala si Mama. Meron din siyang sariling pamilya at anak.I know what he meant by that. Hindi man niya derektang sabihin sa akin ang gusto niya pero alam kong ginagamit niya ngayon ang sitwasyon ni Mama para makuha ang gusto niya. Mula pa kasi noong isang taon pa ay nagpapakita na ang lalaki ng interest sa akin para maikama ako kapalit ng libreng gamutan ni Mama. But I was too firm to give him what he wants lalo na ng malaman ni Mama ang tungkol dito. Pero ngayon katulad ng kung paano ko nilunok ang pride ko sa paghingi ng tulong sa ama ko, kakailanganin ko rin ngayong sikmurain ang desisyong nabubuo sa isip ko. I don't have any other option now. Si Mama lang ang meron ako ngayon at hindi ko kakayanin kung mawawala siya.
"Please do the operation now Steve," panimula ko. I use his first name to indicate that I'm ready for what he desires. "Ibibigay ko na sa'yo ang gusto mo, isalba mo lang ang buhay ng Mama ko," muling wika ko habang hindi na maampat ang pagpatak ng aking luha.
"If that's what you want, I will fix her operation schedule before the day's end. I also expect you to be in my condo at exactly eight tonight. See you, Vieve; you made the right decision," matapos iyon ay agad na rin n’yang ibinaba ang tawag.
Sorry Ma. Para sa'yo ‘to. Lahat gagawin ko mabuhay ka lang.
---Never be afraid to do the things that makes you feel free.---Walang tigil sa paghagikhik ang aking anak mula ng umalis kami sa hospital. He is now sitting on my lap here in the back seat. Beside me is Ate Yuki, who is also holding Yuka, her daughter, while my mom is sitting beside Alphy in the passenger seat."Are you happy, Stef, ha?" pagkausap naman ni Alphy sa bata na talagang giliw na giliw sa lalaki. Mula kasi kanina pa ay ayaw nang bumitaw ng anak ko sa kanya, maging si Alphy rin naman kung hindi lang kailangang magmaneho ay baka hindi na rin ibinigay sa akin si Stef kanina.Wala namang tigil ang pagtango at pagpaling ng ulo ng aking anak dahil sa labis na kasiyahan sinabayan pa ng walang patid n'yang pagtawa. Sa kabila ng kapansanan ng aking anak ay makikita mo pa rin sa kanya kung gaano s'ya kapositibo na s'ya namang nagbibigay rin sa akin ng lakas."Uhmm... Stef happy... "tugon naman ng bata na tumatawa pa habang pilit na inaabot ang sandalan ng upuan kung saan nakaupo si
----- Being with you is my favorite activity.---------Alfred Zephyr Cordova----Halos maglakad-takbo na ako makarating lang sa hotel kung saan ako dinala kagabi ni Alphy, nabanggit kasi nito sa tawag na doon pa rin ito nananatili kaya naman agad ko na rin itong tinungo. Nagtatanong pa nga si Mama kanina ng bigla na lang akong tumayo habang nasa kalagitnaan kami ng paghahapunan ngunit kahit simpleng paalam ay hindi ko na nagawa dahil sa pag-aalala sa lalaki. Nag send na lang ako sa kanya ng maikling mensahe ng makasakay na ako ng taxi.Pagkatapat ko pa lang sa may reception ay agad namang ibinigay ng isang babae sa akin ang isang key card na tila ba bago pa man ako makarating dito ay inaasahan na nila ako. "Salamat," isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko rito bago tunguhin ang private elevator na magdadala sa akin sa penthouse ni Alphy.The moment the elevator opened, I immediately called out his name. Pero ni kaluskos sa paligid ay wala akong naririnig dahilan ng muling pag-akya
----My best dreams and worst nightmare have the same people in them.-----"Daddy maganda ba dun sa pupuntahan natin?" masayang usisa ng batang ako. Kasalukuyan kami ngayong nasa byahe papunta sa Batangas kung saan gaganapin ang ikapitong kaarawan ko. I was sitting at the backseat while my mom was on the passenger seat beside my dad. It was one of the happiest moments of my life. Ito ang araw kung saan masaya at buo pa ang aming pamilya. Panahon na hindi pa namin alam na may tunay na pamilya pala si Daddy bukod sa amin. Ito ang panahon kung saan ang tingin ko sa kanya ay superhero na handa akong protektahan sa lahat ng bagay o tao. Panahon na akala ko sobrang perpekto na ng buhay ko.I know in the back of my mind that this is another nightmare, the same nightmare that haunts me since that tragedy occurred. Dahil kasunod ng tagpong ito ay ang bangungot na hanggang ngayon hindi pa rin ako nilulubahay. I want to wake up, but I can't. I want to move my body and run, but my body is still fr
----The more you give yourself to others, the more joy and peace will flow into your life.----"Ahhh... Harder Gen.... Yeah that's it, it feels so good," halinhing ni Alphy habang patuloy ang pagmamasahe ko sa kanyang likod. I was so hesitant at first, but while I looked at him, kitang-kita ko ang pagod sa kanyang sistema kaya naman wala na rin akong nagawa kundi ang sundin ang nais n’ya.I know how to do massage. Hindi ko man ito napag-aralan sa paaralan pero natutunan ko na rin ito lalo na noong panahon na may sakit pa si Mama. Lagi ko s'yang ninamasahe noon lalo na ng hindi na n'ya magawa pang makakilos ng gaya ng dati at ng mapadalas ang pananakit ng katawan nito. Nang dumating naman si Stefano sa buhay ko ay ganoon din ang aking ginagawa sa kanya. Wala akong pera para sa mga therapy niya kaya naman gamit ang YouTube ay inaral ko ang iba't-ibang paraan ng pagmamasahe para lang matulungan ko ang anak ko lalo na sa kanyang paglakad."You're so good at this ha. San mo natutunan 'to?"
---Do not try to rescue someone who doesn't want to be rescued.---"Alphy..." kinakabahang bati ni Simon sa bagong dating bago mabilis na tumayo mula sa magkakasubsob sa akin upang ayusin ang kanyang sarili. Ngunit imbis na batiin ng huli ay matalim itong tinitigan ng tinawag n'yang Alphy.Marahan namang nag lakad ang lalaki palapit sa aming pwesto habang ang paningin ay hindi inaalis kay Simon. Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang ayusin ang aking sarili na halos hubad na dahil sa ginawa ni Simon kahit pa nanginginig pa rin ang aking kamay at buong katawan habang patuloy ang paglandas ng aking mga luha."I thought we're already clear Simon? Hindi naman ito ang unang beses na nagkatransaksyon tayo, but I must say I'm really disappointed on what I saw," may diin ang bawat salitang binitawan nito habang patuloy pa rin ang paglapit sa amin. Saglit din akong tinapunan nito ng tingin ngunit muling binalik ang atensyon sa lalaking kausap habang ang mga panga ay patuloy pa rin sa pag-i
----"As far as I know that girl is MINE. Only MINE and no one else."-------Alfred Zephyr Cordova---"Nine Hundred Thousand pesos. Any higher bid in 3.... 2.... 1....0," anunsyo ng isang babae na siyang naging announcer sa naganap na bidding ngayon-ngayon lang para sa akin. Halos nasa kalahating oras na rin ako rito sa loob ng silid na ito ng mag-isa at walang kahit na ano sa katawan habang nakatayo sa pinaka gitna ng silid na ito. Even though I'm alone here, alam ko naman na sa kabila ng silid na ito ay napakaraming kalalakihan ang ngayon ay naglalaban-laban at nagpapantansya sa akin.From one hundred thousand pesos kanina na paunang bid sa akin para mailabas ako ng kung sino man, ngayon ay umabot na ito ng halos sa isang milyon. Napakalaking halaga kung tutuusin pero hindi naman ito lahat mapupunta sa akin. Dahil base sa sa kontrata na pinirmahan ko kay Simon ay kailangan kong magtrabaho sa kanya sa loob ng tatlong taon. Kung hindi ay kailangan kong magbayad sa kanya ng sampung mil







