Share

Four: Mine

Author: GuemByoel
last update Last Updated: 2026-01-06 19:50:56

----"As far as I know that girl is MINE. Only MINE and no one else."----

---Alfred Zephyr Cordova---

"Nine Hundred Thousand pesos. Any higher bid in 3.... 2.... 1....0," anunsyo ng isang babae na siyang naging announcer sa naganap na bidding ngayon-ngayon lang para sa akin. Halos nasa kalahating oras na rin ako rito sa loob ng silid na ito ng mag-isa at walang kahit na ano sa katawan habang nakatayo sa pinaka gitna ng silid na ito. Even though I'm alone here, alam ko naman na sa kabila ng silid na ito ay napakaraming kalalakihan ang ngayon ay naglalaban-laban at nagpapantansya sa akin.

From one hundred thousand pesos kanina na paunang bid sa akin para mailabas ako ng kung sino man, ngayon ay umabot na ito ng halos sa isang milyon. Napakalaking halaga kung tutuusin pero hindi naman ito lahat mapupunta sa akin. Dahil base sa sa kontrata na pinirmahan ko kay Simon ay kailangan kong magtrabaho sa kanya sa loob ng tatlong taon.  Kung hindi ay kailangan kong magbayad sa kanya ng sampung milyon. Napakalaking hagang kung tutuuis kapalit ng sampung libong piso na paunang bayad niya sa akin kagabi maipagamot ko lang ang aking anak. Kaya hindi na ako nag tataka kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin makaalis sa puder niya ang mga babae rito sa club.

Base rin sa kontrata, ang lahat ng kikitain ko ay kalahati ang mapupunta sa kanya at kalahati naman sa akin. Pero dahil matalino ang gago, nakasaad rin sa kontrata na tanging limang porsyento lang ang mahahawakan ko at ang natitirang apatnapu't limang pursyento ay derektang papasok sa bank account ko na naka freeze at makukuha ko lang sa oras na matapos ko ang kontrata kay Simon o kaya ay sa oras na mabayadan ko ang sampung milyon bilang bayad sa paglabag ko sa kontrata kung sakali.

Sa kabuuang bid sa akin ngayon na nine hundred thousand pesos, malinis na twenty-two thousand lang ang mauuwi ko mamaya sa oras na matapos ang trabaho ko ngayong araw. Nakakatawang isipin na sa laki ng halaga na nakapatong sa akin ngayon ay kakarampot lang ang makukuha ko. Pero wala akong magagawa, katulad nga ng lagi kong sinasabi, ito ang landas na pinili ko. Walang pumilit sa akin kaya wala akong dapat sisihin.

Napapikit na lang ako ng mariin ng sabihin sa akin ng babaeng announcer kanina na maari na akong lumabas ng silid. Dali-dali akong nagbihis bago ko tinungo ang banyo na nasa parehong silid. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa banyo ay nag-unahan na ang pag-aalpasan ng aking mga luha. Diring-diri ako sa aking sarili pero wala akong magawa. Iniiyak ko lang ang lahat ng aking nararamdaman ng ilan pang minuto bago ko nagawang pakalmahin ang aking sarili. Buti na lang din talaga at water proof ang make na ginamit ni Ate Yuki sa akin kanina kaya kahit umiyak ako ay hindi pa rin ito nawawala. Bahagya lang namula ang aking mga mata pero magkaganyon man ay nagawa ko pa ring muling lumabas ng banyong iyon.

Sa paglabas ko ay sinalubong naman ako ng isang babae na naka-kulay itim na maikling damit. Nagpakilala ito bilang Suzi na siya pa lang nag silbing announcer ko kanina. "Hi, ako nga pala si Suzi. You’re Gen right?" nakangiting tanong pa nito.

Tumango naman ako sa kanya bilang pagsagot. Hinawakan naman nito ang aking kamay sabay yakap sa akin. "I know what you feel. Alam kong pakiramdam mo ang dumi-dumi mo. Alam ko lahat yan dahil pinagdaanan ko rin yan. Pero Gen tibayan mo pa ang loob mo ha, para sa pamilya mo. Pasasaan ba’t masasanay ka rin," malungkot na wika pa niya sa akin.

Nagpasalamat naman ako sa kanya lalo na matapos niya akong bigyan ng bottled water para makainom ako. Naupo rin kami saglit sa upuan sa loob ng silid habang pinapakalma ako ni Ate Suzi. Ate Suzi is twenty six years old kagaya ni Ate Yuki. Pitong taon na rin siyang nagtatrabaho rito dahil rin sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya ka Simon. Gustuhin din daw naman kasi niyang umalis ay hindi naman niya magawa dahil sa laki ng pagkakautang nila, kaya naman mas pinili na lang daw niya na yakapin kung anong meron siya ngayon, na nakatulong kahit papaano para mas makapagtrabaho siya ng maayos dito sa club.

"Kung okay lang Gen pwede ko bang malaman kung bakit naisipan mong dito magtrabaho. Mukang bata ka pa kasi," nahihiyang tanong pa niya.

Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya bago ko siya nagawang sagutin. "Twenty three na ako Ate Suzi. Meron na rin akong anak. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Sinugod ko sa hospital ang anak ko kagabi at tanging si Simon lang ang nalapitan ko, kaya ito kagaya mo natali na rin ako rito," mapait na kwento ko naman.

Muli, isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Ate Suzi bago siya may matanggap na tawag sa kanyang phone. Saglit niya lang itong sinagot at habang kausap niya ang nasa kabilang linya ay paminsan-minsan rin siyang tumitingin sa akin. Matapos ang kanyang pakikipag-usap ay muli niya uling hinawakan ang aking kamay at saka ako muling pinakatitigan.

"Gen, si Simon ang tumawag. Dal'hin daw kita sa opisina niya ngayon at doon mo na raw antayin ang nakabili sa'yo ngayong gabi," alanganin naman niyang turan sa'kin.

Agad naman akong tumayo bago humarap sa kanya. "Okay lang ate. Alam ko naman kung saan ang opisina niya, hindi mo na ako kailangan pang ihatid," nakangiti ko namang sabi sa kabila ng mga nangyayari sa akin. Nakakatuwa lang na kahit nasa ganito akong sitwasyon ay muli akong nakahanap ng isang kapamilya sa katauhan ni Ate Suzi.

Akmang lalabas na sana ako ng silid upang puntahan ang opisina ni Simon ng muli akong pigilan ni Ate Suzi. "Gen mag-ingat ka ha. Hangga't kaya mong libangin si Simon gawin mo hanggang sa dumating ang nakabili sa'yo ngayong gabi. Kanina pa masama ang tingin ni Simon sa'yo kasi. Panigurado binabalak noon na galawin ka bago pa man dumating ang nakabili sa'yo ngayon," nag-aalalang sabi pa niya.

Napatulala naman ako sa kanyang sinabi at tila nalilito, "Anong ibig mong sabihin ate?" takang tanong ko pa.

"Lahat kasi Gen ng bago rito lalo na pag talagang natipuhan ni Simon ay ginagalaw niya kahit anong tanggi ng babae. Kung maserte ka kagaya ko matapos ang isang beses na paggamit niya ay hinayaan na niyang magtrabaho sa club at hindi na muling ginalaw pa. Pero meron din kasing ibang babae na natipuhan niya na hindi na niya hinayaan na bil’hin ng iba. Ang alam namin ay dinala niya ang mga ito sa isang isla, pero hindi na kasi namin sila nakita pa eh," naluluhang kwento pa ni Ate Suzi.

Nagtaasan naman ang mga balahibo ko sa aking buong katawan dahil sa narinig. Magkahalong takot at pag-aalala ang aking nararamdaman hindi para sa akin kundi para kila Mama at Stefano sa oras na may mangyaring hindi maganda sa kin.

"Anong... anong kailangan kong gawin Ate?" kinakabahan kong tanong pa kay Ate Suzi.

Niyakap naman akong muli ni Ate Suzi, "Just buy some time Gen habang inaantay natin ang nakabili sa'yo. Nakita ko siya kanina, mas mabuti kung sa kanya ka mapupunta. Pag nailabas ka niya pwede mo siyang pakiusapan na maging regular costumer mo para maiiwas ka niya kay Simon. Gawin mo lahat Gen para lang mailayo ka kay Simon. Oo mabait siya kung sa mabait, ang kaso pag nakursunadahan ka kasi niya nag-iiba kasi siya," payo pa sa akin ni Ate Suzi.

Hindi namin namalayan na napatagal na pala ang aming pag-uusap kung hindi pa muling tumunog ang kanyang telepono. Sinagot niya ito at sinabing papunta na ako. Habang naglalakad ay pinilit kong pinakakalma aking sarili. Nag-iisip rin ako ng mga paraan kung paano ko ba magagawang mapigilan ang kanyang binabalak.

Ilang minuto pa at narating ko nang muli ang opisina ni Simon. Ilang beses akong huminga ng malalim kasabay ng panalangin na sana dumating na ang kung sino mang nakabili sa akin. Ngunit kahit ano atang paghinga ang gawin ko ay tila hindi pa rin ito sasapat dahil kahit anong gawin ko ay puno pa rin ng kaba ang aking dibdib.

Sa pagtayo ko sa labas ng opisina ni Simon ay hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ang isa sa mga bodyguard niya. "O Gen anong pang ginagawa mo diyan? Kanina ka pa inaantay ni boss. Pinapasundo ka na nga sa akin," sabi pa nito sabay bukas ng pinto sa aking harap para papasukin ako.

Sa pagbukas pa lang ng pinto ay kitang-kita ko na ang isang babae umiiyak na nakaupo sa isang bahagi ng sofa habang yakap-yakap ang kanyang hubad na katawan. Nang masdan ko ang babae ay doon ko lang nakilala na isa pala ito sa mga babae kanina sa bidding room kung saan inilako sila ni Simon kagaya ko.

"Margarette, Margarette. Wala pa akong ginagawa sa'yo umiiyak ka na agad. Paano na lang kung mas wild pa sa akin ang nakabili sa'yo. Isipin mo na lang na practice to sa'yo. Dapat nga mas magpasalamat ka pa sa akin dahil tinuturuan kita. Mas lalaki ang tip na makukuha mo pag na-satisfy mo ang costumer mo dahil sa mga turo ko," malademonyong bulong ni Simon sa babae nasa tantya ko ay bata pa habang hinahaplos ang halos hubad katawan nito.

"Ilang taon ka na nga uli Margarette?" pahabol na tanong pa nito sabay hawak ng mahigpit sa magkabilang panga ng babae para mapilitan itong humarap sa kanya. "Sagot!" malakas na sigaw pa ni Simon na lalong nakapagpaiyak sa babae.

"Eight.... eighteen po," humahagulhol na sagot pa nito na labis na nakapagpapikit sa akin. She was almost on the same age as mine when I decided to agree with Steeve before. Naalala ko ang sarili ko sa kanya kaya naman kahit pa may takot pa ring nararamdaman ay nagawa kong kunin ang atensyon ng lalaki.

"Simon," pagpukaw ko ng atensyon nila, particular na sa lalaking nasa aking harap. Agad namang napalingon sa akin ang lalaki at ang galit na muka nito ay agad na napalitan ng saya ng makita ako. Umayos na rin ito sa kanyang pagkakatayo dahilan upang makahinga ng maluwang ang babaeng tinawag niya kaninang Margarette.

"Oh... my another star came. Bakit naman pinag-antay mo ako ng matagal ha Gen? Hindi mo ba alam na kanina pa ako nasasabik sa'yo?" may pagnanasang wika pa nito habang naglalakad palapit sa akin.

Sinalubong ko naman ang lalaki at agad na niyakap. Mabilis din niyang isinubsob sa aking leeg ang kanyang mukha. I used the situation to look again at the poor girl on the sofa and mouthed for her to go out. Mabilis namang nakuha ng babae ang nais ko at mabilis na nagbihis bago nagpasamalat. When I noticed that Margarette was fully clothes and ready to leave, I pushed Simon toward his swivel chair and I kissed his jaw down to his neck while touching his body until I reach his cock to divert his attention so that Margarette could escape. At ang gago mukang kanina pa libog na libog dahil sa tigas ng kanyang pagkalalaki kahit pa nasa loob pa ito ng kanyang pantalon.

Nang tuluyan ng makalabas ang babae ay saka naman ako muling lumayo ng bahagya mula sa pagkakayakap kay Simon, this time to buy some time for myself. Nagawa ko mang iligtas ang kawawang batang iyon, ngayon ay hindi ko naman alam papaano maililigtas ang aking sarili.

"What the hell...." malakas na palatak ni Simon dahil sa aking ginawa.

Muli ko namang itong inikutan habang pinapasadahan ng aking mga daliri ang kanyang katawan. Isa-isa ko na rin binubuksan ang butones ng kanyang polo sa mabagal at mapang-akit na paraan.

"Easy... Simon... Masyado ka namang excited," bulong ko pa sa tenga nito ng makapwesto ako sa kanyang likuran. "Hindi ba uso sa'yo ang tinatawag na good show?" malambing na dugtong ko pa habang pinapatakan ng maliliit na halik ang kanyang leeg na labis namang nakapagpapikit sa kanya. Nandidiri man sa aking ginagawa ay pinagpatuloy ko pa rin, sana lang talaga ay dumating na ang kung sino mang nakabili sa akin para maialis na niya ang sa lugar na ito.

Sa mga unang sandali ay nagawa kong libangin si Simon, subalit dahil sa may katagalan na rin ang aking ginagawang pang-aakit at pangsasabik sa kanya ay unti-unti na rin itong nawalan ng pasensya at muling tumayo. Sa pagtayo nito ay mabilis itong humarap sa akin at mabilis akong siniil ng halik sa aking mga labi. Mabilis akong umiwas sa kanyang ginawa na siya namang lalong ikinagalit nito.

"Tang’ina Gen makapagpakipot ka naman kala mo virgin ka ah, eh napagsawsawan ka na rin naman ng ibang lalaki," galit na turan pa nito sabay buhat sa akin para maihiga ako sa mahabang sofa. Tuloy-tuloy lang ang pagpupumiglas ko hanggang sa kaya ko, kahit pa alam kong wala akong laban sa lakas na meron siya.

Nang magawa na niya akong maihiga sa sofa ay muli na naman niya akong siniil ng halik. Subalit dahil sa patuloy na pagpupumiglas ko ay hindi niya mahuli-huli ang aking mga labi kaya naman ang aking leeg at ibabaw ng aking dibdib naman ang kanyang pinuntirya habang ang aking dalawang kamay ay hawak niya sa taas ng aking ulo. Pinilit kong manlaban sa kanya pero dahil sa lakas na rin na meroon siya ay unti-unting nanghina na rin ang aking katawan kasabay ng pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

Sa aking pagpikit kasabay ng pagpatak ng aking luha ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina kung saan tumambad sa amin ang isang lalaking hindi nalalayo sa aking edad, pero ‘di hamak na mas may sinabi sa buhay hindi kagaya ko. Mahaba ang kanyang buhok na itinali lang niya ng isa habang ngumunguya ng bubble gum ang kanyang bibig. Sa pagkakita pa lang ng lalaki sa ginagawa sa akin ni Simon ay agad na gumuhit sa kanyang kulay abong mga mata ang labis na galit na kahit hindi magsalita ay tila mababatid mo pa rin.

Tila natauhan naman si Simon sa nakita at mabilis na umalis mula sa pagkakadagan sa kin. Mababakas rin ang takot nito na hindi ko alam kung saan nagmumula. "Mukang hindi ata tayo nagkalinawan dito Simon. As far as I know that girl is MINE. Only MINE and no one else," may diing wika pa ng lalaki sabay dura ng kanyang bubble gum sa sahig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Epilogue

    ---- True love never has a happy ending, because there's no happy ending in true love. ----"Mama... play with kuya?" patakbong lumapit si Raydon kay Gen na ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa aking hita. Nasa garden kami ngayon sa rest house ko sa Cebu at kasalukuyang naglalaro ang magkapatid."It's okay to play with Kuya baby, just ask permission first, okay?" bilin naman ni Gen sa bata.Raydon is now three. Noong unang mga linggo nang makita niya si Gen ay naging mahirap para sa aming lahat. Ayaw kasi sumama ng bata kay Gen dahil lumaki ito na hindi niya nakikita ang ina. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Gen noong mga panahon na iyon lalo na at talagang nakaranas rin siya ng trauma dahil sa pagkakabihag sa kanya ni Marcedes sa loob ng dalawang taon.Muling nangibabaw naman ang hagikhikan ng magkapatid sa hindi kalayuan sa amin nang ipahiram ni Stefano ang kanyang paboritong laruan sa kanyang kapatid."Careful... Aarush..." bilin pa nito sa nakababatang kapatid.Maganda rin ang devel

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Five: SAVED

    ----Thank you Alphy, for not giving up on me. Thank you for saving me...--------Aurora Geneveive Delos Santos----Halos hindi na mapatid ang pag-agos ng aming mga luha dahil sa nabasang mensahe ni Gen. Ilang mensahe pa ang ipinadala nito nitong nagdaang isang linggo kasabay ng ilang beses niyang pagtawag. Sinubukan naming tawagan ang numero ngunit nakapatay na ito kaya naman wala kaming nagawa kundi ang muling mag-antay sa susunod na pagtawag ni Gen sa amin."Stefano anak, sigurado ka ba na si Mama ang nakausap mo?" muling tanong ni Steeve sa bata na ngayon ay nakaupo sa kanyang hita habang kumakain ng tinapay."Y-yes.. d-da-ddy..." tugon pa muli nito sabay turo sa cellphone na aming hawak at tila nais itong kunin."Apo, puwede bang hiramin ni Lola ang cellphone mo? Gamitin mo muna yung tablet ni Tita sa pag-play," malambing na wika pa ni Tita Genina sa bata. Ayaw man noong una ni Stefano na ibigay ang kanyang cellphone sa amin dahil maging siya ay nag-aantay rin ng tawag mula sa ina

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Four: Enemy

    ---- To know your enemy, you must become your enemy. ----Days became weeks, but still, there's no update on where Gen is. Ang huling kita sa kanya ay sa kuha pa ng CCTV mula sa delivery room kung saan siya inilabas ng isang babaeng naka suot ng scrub suit at inakala ng marami na isang staff rin ng hospital, ngunit matapos iyon ay wala nang ibang kuha ang aming nakita.Inilabas rin namin ng araw na iyon si Raydon sa takot na baka ang anak ko naman ang kanilang makuha. Nanatili kaming mag-ama sa puder pa rin ni Tito Aurelio dahil alam ko, dito mas ligtas ang anak ko."Ssshhh... baby stop crying now, please! Daddy is here. Ano pa bang gusto mo anak?" naiiyak ko nang pagkausap sa dalawang linggong gulang kong anak habang patuloy ang pagsasayaw rito para lang huminto ito sa pag-iyak. Dahil dito ay hindi ko maiwasang maisip muli si Gen at ang kalagayan nito. Kung nandito ba siya, mahihirapan kaya akong patahanin ang anak namin. Kung nandito ba siya, pareho rin kaya kami ng gagawin para map

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Three: Sunshine

    ---- Any man can be a father, but it takes a special person to be a dad. ----Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nahintay pa si Ryan. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng aming sinasakyan ay agad na rin akong napatakbo sa loob ng ospital para puntahan si Gen. Naabutan ko pa sa labas ng delivery room si Tita Genina at Tito Aurelio, habang si Auralyn naman ay nakaupo sa waiting area hindi kalayuan sa delivery room habang kalong si Stefano."Tita, si Gen po?" habol-hiningang tanong ko pa sa ginang nang wastong makalapit na ako sa kanyang pwesto."Nasa loob na, Alphy. Kanina pa sumasakit ang tiyan niya kaya dinala na namin dito, pero sabi naman ng doktor ay hindi pa naman pumuputok ang panubigan niya pero tingin nila ay ano mang oras ay puwede nang manganak si Gen," paliwanag pa nito.Sakto naman na lumabas din ang isang doktor mula sa loob ng silid kaya naman agad rin kaming napalapit dito."Who's the father of the baby?" tanong pa nito habang nakaharap sa amin.Agad naman ako

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Two: Fear

    --- I'm not afraid of dying. I'm afraid of losing you. That's when my world ends. ---Five months had passed since the explosion incident, and despite the absence of any further threats, Tito Aurelio decided not to lower our guard yet. Nanatili pa ring mahigpit na nagbabantay ang aming mga tauhan at hangga't maaari ay hindi pa rin namin hinahayaan na lumabas ng mag-isa ang sino man sa pamilya. Kung kinakailangan naming lumabas, gaya na lamang ng checkup ni Gen at Stefano, sinisigurado namin na maraming bantay ang nasa aming paligid para masigurado ang kaligtasan ng lahat."Pupunta ba rito si Steeve, Gen? Diba ay Sabado ngayon at araw ito ni Steeve para kay Stefano?" usisa ni Tito Aurelio habang sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan.Matapos ang pagsabog noong nakaraang limang buwan, agad ding napasugod si Steeve sa bahay para bigyan kami ng paalala. Matapos daw ang paglilitis kay Stella at makulong ang babae, hindi na muling nagpakita si Marcedes maging sa kanya, at ninakawan pa raw

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-One: Threat

    ----Don't ever be afraid of telling someone you love them. There are things wrong with your world, but an excess of love is not one. ---"Anong nangyayari? Bakit ang daming tao rito?" naguguluhang tanong ni Tita Genina matapos niya kaming madatnan sa may sala."Nag-iingat lang ako, mahal ko," sagot naman ni Tito Aurelio sa babae bago ito kinintalan ng halik sa noo nang makalapit ito sa amin. "Mukhang may nagmamanman sa atin. Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung ano ang pakay ng taong nagmamatyag sa atin pero mas mabuti na ang nag-iingat," patuloy na paliwanag pa nito habang muling pinanonood ang CCTV magmula pa noong nakaraang linggo."Hon, magpahinga ka muna, baka makasama sa'yo ang sobrang pag-iisip at pagpupuyat," paalala ko naman kay Gen na hanggang ngayon ay nakaupo lang sa aking tabi."Hindi rin naman ako makakatulog sa taas eh, saka hindi pa naman ako inaantok," turan naman nito bago bahagyang humilig sa aking balikat.Sinulyapan naman kami ni Tito Aurelio bago muling makiusap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status