Unti-unti ng tinatalo ng liwanag ang madilim na kalangitan. Patuloy parin sina Autumn at Jeric sa pag-oopera kay Nicolo. At dahil hindi kumpleto ang kanilang kagamitan, inabot sila ng limang oras bago natapos. "Mauuna na akong lumabas, Doc," paalam ni Jeric matapos ang operasyon. Silang dalawa lang ang nanatili doon dahil may medical mission pang gaganapin mamaya at ang mga kasama na nila ang siyang mag-aasikaso habang magpapahinga sila. Sigurado siyang marami paring tao dahil last day na ng medical mission ngayon. "Sige Susunod din ako agad," ani Autumn at ibinaling ang tingin kay Dmitri. Ligtas na ang lalaki pero wala parin itong malay. At kahit na nagamot na nila ang sugat ni Nicolo, kailangan parin nitong magtungo sa ospital kapag nagkamalay na para mas matingnang maigi ang sitwasyon nito. Huminga siya ng malalim at ilang beses na napalunok habang nakatitig sa mukha ni Nicolo. Nang bumaba ang kanyang mga mata sa dibdib nito kung saan nakalitaw ang tattoo nito, mas lalo pang na
Terakhir Diperbarui : 2026-02-13 Baca selengkapnya