تسجيل الدخولIsla Moretti POV Naka-awang ang bibig ko habang pinapanood si Kalix. Ang seryoso ng mukha niya, parang may dine-defuse na bomba sa pelikula. Inihiga niya si Sebastian Gabriel sa changing table na nasa gilid ng hospital bed. Ang laki ng mga kamay niya kumpara sa maliit na katawan ng anak namin, pero bilib ako sa ingat niya. "Rico, 'wag mo akong i-pressure," sabi ni Kalix nang hindi lumilingon. "Ang instruction sa video, dapat mabilis pero maingat para hindi siya malamigan." "Boss, pabaligtad 'ata 'yung diaper," puna ni Rico habang nakadungaw. "Dapat 'yung may tape, nasa likod." Napahinto si Kalix. Tumingin siya sa diaper, tumingin kay Rico, tapos tumingin sa akin. "Isla, pabaligtad ba?" Natawa ako at tumango. "Oo, Kalix. 'Yung may mga design na cartoon, 'yun ang nasa harap." "Fine," bulong ni Kalix. Inikot niya ang diaper at maingat na itinaas ang mga paa ni Sebastian. "Sorry, buddy. Unang pagkakamali ni Daddy 'to. Babawi ako." Si Sebastian naman, imbes na umiyak, ay parang nage
Isla Moretti POV Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ni Rico. Kitang-kita ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, na tila natatakot na baka makaistorbo siya sa isang napaka-sagradong sandali. Pero nang makita niya si Sebastian Gabriel na nakadapa sa dibdib ko, lumaki ang kanyang ngiti at tuluyan na siyang pumasok. "Grabe, Boss, Ma'am... ang liit pala talaga niya sa personal," bulong ni Rico habang papalapit sa gilid ng kama. Hawak pa rin niya ang susi ng sasakyan at ang parking ticket, bakas ang pagod sa pagtakbo mula sa basement. "Ingat ka, Rico. Baka mabigla siya sa boses mo," biro ni Kalix, pero hindi niya maalis ang paningin sa bata. Nanatiling nakahawak ang isang kamay ni Kalix sa balikat ko, habang ang isa naman ay dahan-dahang hinahaplos ang talampakan ni Sebastian. "Congrats, Ma'am Isla. Ang galing niyo po," sabi ni Rico, medyo nangingilid ang luha. "Kanina pa po ako pabalik-balik sa tapat ng pintong 'to. Nung narinig ko 'yung iyak, muntik na akong mapaya
Isla Moretti POV Ang dilim ng kalsada sa Batangas ay paminsan-minsang naliliwanagan ng mga streetlight na mabilis naming nadadaanan. Sa loob ng sasakyan, ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang rhythmic na paghinga ni Kalix sa tabi ko. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko—isang kapit na tila nagsasabing hindi niya ako bibitiwan kahit anong mangyari. "Rico, malayo pa ba?" mahina kong tanong matapos ang isang matinding contraction. Napakapit ako sa hamba ng bintana habang dahan-dahang lumilipas ang sakit. "Malapit na tayo sa main highway, Ma'am. Konting tiis na lang, mga fifteen minutes andun na tayo sa ospital," sagot ni Rico. Nakikita ko sa rearview mirror na seryoso ang mukha niya, ang mga kamay ay matatag sa manibela. Wala na 'yung malokong Rico kanina; alam niyang seryoso ang sitwasyon. Hinarap ako ni Kalix, ang kabilang kamay niya ay dahan-dahang nagpupunas ng pawis sa noo ko kahit na malamig naman sa loob ng SUV. "How are you feeling? Kaya pa ba
Isla Moretti POV Napakatahimik ng umaga. Nakatayo ako sa beranda, bitbit ang isang tasang mainit na chocolate drink, habang pinapanood ang dahan-dahang pag-akyat ng araw sa abot-tanaw. Walang masyadong hangin, at ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang paghampas ng alon sa pampang at ang malayo pang huni ng mga ibon. Walang gulo, walang kaba. Walong buwan at tatlong linggo. Malapit na. "Isla, baka lumamig na 'yan." Naramdaman ko ang pagyakap ni Kalix mula sa likod. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko, at naramdaman ko ang pamilyar na amoy ng sabon at bagong gising na boses niya. Ang mga kamay niya ay dahan-dahang gumapang sa malaki ko nang tiyan, tila binabati ang aming anak sa loob. "Inuubos ko lang 'to. Masarap ang timpla ni Rico ngayon, may halong konting vanilla," sabi ko habang sumasandal sa dibdib niya. "Rico is getting too good at the kitchen. Baka kapag lumabas na si Sebastian, mas hanapin pa niya ang luto ni Rico kaysa sa atin," biro ni Kalix. "Hindi na
Isla Moretti POV Pagkababa namin ng sasakyan sa garahe ng rest house sa Batangas, tila isang mabigat na pasanin ang tuluyang nawala sa balikat ko. Ang amoy ng dagat at ang pamilyar na huni ng mga puno ay parang yumayakap sa amin, sinasabing safe na kami. Kahit galing kami sa isang emosyonal na byahe sa Ilocos, iba pa rin ang pakiramdam ng nakauwi na sa sariling teritoryo. "Careful, Isla. Isang hakbang lang," alalay ni Kalix habang dahan-dahan akong bumababa sa SUV. "I'm okay, Kalix. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon," sagot ko habang nilalanghap ang sariwang hangin. Sinalubong kami ni Luna na halos magkandaugaga sa pagkumpas ng kanyang buntot. Tumatahol siya nang mahina, tila nagrereklamo kung bakit kami natagalan sa pagbalik. Yumuko si Kalix para haplusin ang ulo ng aso, at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, nakita ko ang isang tunay na ngiti sa kanyang mukha—isang ngiting hindi pilit at walang halong pag-aalala. Pumasok kami sa loob at agad na sumalubo
Isla Moretti POV Nananatiling nakatitig si Kalix sa bintana habang hinihintay ang sagot ko. Ang tanong niya ay tila nakabitin sa hangin—kung gusto ko ba talagang makilala ang babaeng naging mitsa ng napakaraming galit sa buhay niya. Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero habang hinahaplos ko ang tiyan ko, naiisip ko ang bata. Si Sebastian Gabriel. "Ayokong pilitin ka, Kalix," panimula ko habang dahan-dahang nauupo sa tapat niya. "Pero naniniwala ako na bawat kwento ay may dalawang panig. At kung siya ang naging susi para matapos 'tong gulo kay Elena, baka nga may natitira pang kabutihan sa kanya." Huminga nang malalim si Kalix at sa wakas ay tumingin sa akin. "She’s manipulative, Isla. Iyan ang turo sa amin ni Papa noon. Pero nung nakita ko siya kagabi... she didn't look like a queen anymore. She looked like someone who’s just waiting for the clock to run out." "Baka dahil alam niyang wala na siyang ibang pamilya kundi ikaw," sabi ko. Bago pa makasagot si Kalix, lumapit si Rico na ma
Isla Moretti POV Tahimik ang kusina habang nililinis ko ang mga basag na tray na hinawi ni Kalix kanina. Bawat dampot ko sa mga tipak ng seramika, parang naririnig ko pa rin ang sigaw niya. Si Nanay naman, nakatitig lang sa basong tubig sa harap niya, bakas pa rin ang gulat sa mukha. Sa may pin
Isla Moretti POV Masakit sa ulo. ‘Yun lang ang masasabi ko simula nung tumapak si Nanay sa mansyon. Akala ko nung una, madali lang itago ang lahat, pero mali pala ako. Ang hirap magpanggap na normal na pamilya kayo kung ang mga kasama mo sa bahay ay mga taong sanay pumatay. Nasa kusina ako, sin
Isla Moretti POV Maulan nagyong gabi. 'Yung tipong masarap lang mag-hot chocolate habang nanonood ng TV. Kasama ko si Nanay sa sala, nanonood kami ng teleserye habang si Kalix naman ay nasa labas, sabi niya may "emergency board meeting" lang siya sa office ng agency niya. Pero alam ko ang totoo.
Isla Moretti POV Akala ko settle na kami sa setup namin, pero nagulat na lang ako isang umaga nung may bagong mukha sa loob ng mansyon. Hindi siya katulad nina Dante o Jojo na mukhang laging may kaaway. Itong isang ‘to, maaliwalas ang mukha, matikas ang tayo, at—aminin natin—gwapo. “Isla, meet Ri



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



