Jae-young Ngayon araw ang binyag ni Dos at Tres. Parang kailan lang nasa ospital pa kami. Ngayon isang taon na silang dalawa, at marunong nang maglakad si Dos at Tres. “Wifey, sigurado ka bang simple lang itong binyag ng mga anak natin?” biro nitong asawa ko kasi nga magulo naman talaga pero magulo naman na masaya, dahil ang mga bata naman ang magulo kasi kaniya-kaniya laro kasama na roon si Seven at sina Dos at Tres. “Mayor, tingnan mo nga 'yung anak mo,” panguso ko tinuro si Dos. Napakamot ako sa buhok ko dahil inagawan ng laruan si Jeselle. Natatawa lang itong asawa ko dahil umiyak si Jeselle, nagpunta kay Kuya Atlas para nagsusumbong sa daddy nito kaya kinarga ni Kuya Atlas, pero nakangiti naman habang pinatatahan niya si Jeselle. “Natuwa ka pa sa pilyo mong anak,” wika ko sa kaniya. “Misis, mga baby pa sila kaya okay lang iyan,” sagot lang nito pagkatapos ay inakbayan ako. Nakatayo kasi ako sa may pintuan ng function hall kasi tumawag si Jelay para batiin ng happy birt
続きを読む