Di nagtagal, unti-unting nag-iba ang atmosphere sa loob ng mansion. Ang mga bulungan ay napalitan ng tahimik na paghahanda. Ang lahat ay tila naghihintay sa pagdating ng pinaka-importanteng tao ng gabi.Ang birthday celebrant… ang grandpa ni Nathaniel.Maya-maya pa, bumukas ang malaking pinto sa dulo ng hall. Pumasok ang patriarch ng pamilya, nakasuot ng maayos at eleganteng attire, may tindig na halatang sanay sa respeto at kapangyarihan. Kahit may edad na, kitang-kita ang authority sa kanyang presensya.“Happy birthday, sir!” sabay-sabay na bati ng mga bisita.Isa-isa ring lumapit ang mga tao para magbigay ng regalo at bumati nang personal. May mga mamahaling items, luxury watches, artwork, at iba pang halatang pinaghandaan nang mabuti.Tahimik lang si Lira sa gilid, kasama si Nathaniel.Mahigpit ang hawak ni Nathaniel sa kamay niya, parang sinisigurong hindi siya mawawala sa gitna ng dagat ng mga taong hindi niya kilala.Habang patuloy ang pagbati, may isang guest na biglang nagsa
Ler mais