LOGIN
Kabanata 1
Ava Morales POV "Daddy... Dad!" hinihingal kong sabi habang natutulog ako sa isang malambot na kama at malaking kwarto. Bigla nalang akong nagising... Malungkot na malungkot ang silid na ito dahil sa kahit isang tao ay wala kang makikita. Naririto ako sa nirentahan na kwarto. Nakatulog pala ako sa paghihintay. May usapan na kasi kaming dalawa ng lalaking iyon, at alam niyang anak ako ng isang manggagawa nila sa "Ethan's Innovation". "Haiist, napanaginipan ko na naman si Daddy!" napabuntong-hininga ako at sabay hawak sa aking noo. Sa mga sandaling ito, ay nagpasya akong umupo. Nakatulala parin ako. Walang emosyon na makikita sa 'king labi. Ang labis na hinanakit sa aking puso ang nararamdaman ko. "Kinasusuklaman ko sila!" Nakakamao ang isa kong palad. Habang pinagmamasdan ko ang silid na ito, may taong papalapit sa akin. Tinatawag sa malambing na boses ang aking pangalan. "Hello po, Ma'am Ava... nagising na po pala kayo?" tanong nito. "Ma'am Ava, nakahanda na po ang inyong susuotin para sa inyong kasal," dugtong pa ng wedding stylist ko. Naalala ko pala na ikakasal ako. Napatingin ako sa kan'ya at tumugon sa kan'yang sinabi. "Sige," sabay ngumiti ako at sabay tumayo sa kama. Pinipilit ko lang ihakbang ang aking mga paa. Hindi ako masaya ngayon. Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. Oo, sinadya ko ang lahat na maging parte ng buhay niya. Hindi para mahalin siya, kundi para malaman ko ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng aking ama sa kamay nila. "Bakit nila pinatahimik ang ama ko?" namuong tanong sa isip ko. Ang pamilyang Cericos ang pumatay, at isa sa paghihigantihan ko ay ang anak nila. "Sa kanila lang naman nagtrabaho ang Daddy ko," isip ko pa. Maaga nila akong naulila sa ama, na hanggang ngayon ay wala paring hustisya ang pagkamatay niya. Ang paraan na 'to ang magiging daan. Kung kaya 'y pumayag ako sa kahilingan ni Ethan Blackwood, na makasal kaming dalawa. Kahit labag sa loob ko. Nakatayo ngayon ako sa harapan ng salamin habang ako ay inaayusan. Hindi ko mapigilan ang mapaluha kapag naaalala ko ang sinapit ng Daddy ko sa pamilyang iyon. Laging nagtatanong sa aking isipan kung bakit nila nagawa sa aking ama ang ganoon bagay? Hindi makatarungan ang lahat. "Ma'am, wag po kayong lumuluha dahil natanggal po 'yong make- up nyo. Ayos po ako ng maayos pero pangit tuloy!" pagsisita ng make-up artist ko. Magkasalubong ang mga kilay nito, at halata rin sa tono ng boses nito. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil sa nakaramdam rin ako ng kaunting hiya sa kan'ya. Matapos ang oras ng pagpapaganda sa akin, nagpasya na akong tumayo upang suotin na ang damit pangkasal. Natuwa ako nang bahagya sa naging resulta ng aking itsura. Ibang-iba na ako sa dati kong postura. Nakita ng wedding stylist ko 'yong ngiti ko. "Napakaganda po n'yo, Ma'am," pagpupuri nito sa 'kin. Ngumiti naman ako bilang tugon sa kan'ya. Ang nararamdaman ko sa ngayon ay hanggang doon lang. Walang ano pang emosyon ng labis na kasiyahan. Ang kasal namin ni Ethan ay pribado. Lima lang na tao ang naging saksi sa aming sikretong kasal. Isa na rito ang kaibigan ni Ethan, si Alex; ka-negosyante rin nito. Hindi naging bongga ang aming magiging kasal. Simple lang. Habang naglalakad ako palapit sa altar, nakaramdam ako ng takot. Takot na baka malaman ni Ethan ang tunay kong intensyon sa kan'ya. Hindi ako nagpadala sa 'king nararamdaman sa ngayon, sa halip ay nagpatuloy ako sa 'king paglalakad nang marahan palapit sa binata at pari. Kung titigan ang itsura ng binatang iyon, makikita sa kan'ya ang kagwapuhan at matipunong pangangatawan. Lalong-lalo ng nakasuot ito ng tuxedo na itim. Na halos makalabas pa sa kanyang gwapong mukha at maamong mukha. Pero sa aking isipan, ay puno parin ako ng pag-aalala. Syempre, pumasok ako bigla sa buhay ng lalaking ito, na kahit identidad pa nito ay hindi ko pa ganun kakilala. Napakalaking tanga ko na pumayag akong maikasal sa bilyonaryong ito. Isa akong guro, pero sa pagpili ng mapapangasawa, ay hindi ko inisip 'yong kahihinatnan ng aking desisyon. Values teacher ako mula sa elementarya, at hindi ko man lang binigyan halaga ang buhay ko. Na hindi ko napag-isipan ng ilan beses ang desisyon ko, para wala akong pagsisihan sa huli. Hanggang sa pagpunta ko sa harapan ng paring ito, diretso akong tumingin sa mga mata nito habang nagsisimulang magbigay ng seremonya. Sabay humarap rin ako sa kan'ya, at ganoon rin siya. Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Walang kakurap-kurap na para bang pakiramdam ko ay nagandahan s'ya sa 'kin. Magkasabay kaming humarap sa pari. "Ethan Blackwood, tinatanggap mo ba si Ava Morales bilang iyong asawa?" tanong ng pari sa kan'ya. "Ehem... Oo," sagot ni Ethan, malinaw at kakitaan sa kanya ang pagiging seryoso. Mabilis siyang tumutugon sa pari. Plano rin ata ng lalaking ito na ikasal kami para sa sarili nitong kapakanan. "Kung may kailangan siya sakin! Pwes...ako rin," isip ko. Napatingin ako sa kanya, pero hindi ko nakita ang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. "Ava Morales, tinatanggap mo ba si Ethan Blackwood bilang iyong asawa?" tanong ng pari sa akin. Napalunok ako nang bahagya, pero agad akong tumugon. "O-oo," sagot ko, bahagyang nanginginig ang aking boses. Syempre, naririto 'yung pakiramdam ko na first time ko 'to. Pero walang excitement. "Sa kapangyarihan ng simbahan, idineklara ko kayong mag-asawa. Maaari mong halikan ang iyong asawa, Ethan," sabi ng pari. Napatingin ako kay Ethan, at nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya, hinawakan niya ang aking baywang at hinalikan ako sa labi. Namula ako, pero hindi ako makagalaw. Ang mga labi niya ay mainit at malambot, at pakiramdam ko ay nawalan ako ng paghinga. Unang halik ko ito sa isang lalaki. Wala pang kahit miski lalaki ang naka angkin sa aking labi. Si Ethan palang. Kung kaya't ganoon nalang ang labis na pagkahiya ko sa kanya. Pakiramdam ko sa 'king sarili ay marumi na ako. Nang bumitaw siya, nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Maligayang bati, asawa ko," sabi niya, boses na halos pabulong. Tipid lang siya kung magsalita. Napakurap-kurap ako, hindi ko alam kung paano ako dapat tumugon. Pero bago ko pa mahulaan ang gagawin ko, narinig ko ang mga palakpak ng mga bisita. Hindi talaga ako makapaniwala na ikinasal ako sa isang bilyonaryong ito. Pero bakit wala 'yung mga magulang ng lalaking ito? "Bakit niya kailangan itago sa mga magulang niya? Kung nais na pala siyang pag-asawahin ng mga ito?" sunod-sunod kong tanong sa isip ko. Napakunot ako, at nakita ko si Alex na nakangiti sa akin. "Maligayang bati, Maam Ava!" sigaw niya. Mukhang naging close tuloy ako sa kaibigan ng asawa ko. Napatingin ako kay Ethan, at nakita ko ang isang bahagyang ngiti sa kanyang mukha. "Tayong dalawa na, asawa ko," sabi niya. Alam ko na ang mga ngiti niya ay hindi totoo, at kapansin-pansin rin sa lalaking ito ang malakas na karisma, na kahit sa boses pa lang ay maaakit ka, pero ako iba. Pagkatapos ng kasal ay lumabas kaming dalawa sa simbahan nang magkasabay at magkasama. Nagmadali akong maglakad upang sa gayon ay malayo ako sa kanya. Naghahalo ang kaba at takot sa aking dibdib sa oras na 'to. Niyaya niya akong sumama sa kanya upang magkaroon kaming dalawa ng pag-uusap. "Ano?!" takang tanong ko. "Diba kasal na tayo, dapat may enjoy naman tayo," pang-iinis na tugon niya sa 'kin. "Hindi!" singhal ko. "At bakit naman ako sasama sayo? Diba secret lang naman ang kasal natin dalawa? Para saan pa?" Gigil na tanong ko naman sa kan'ya. Medyo naiinis ako sa kan'ya. Pero kung hindi pala ako magpapanggap sa relasyon namin dalawa bilang mag-asawa, ay paano ako makakapag higanti sa pamilya niya? "Oo, pero sa batas, asawa na kita. Kahit anong oras ay pwede na kitang angkinin," saad nito sa akin. "Ang sarap mong upakan ah! Bilyonaryong CEO ka! Pero wala kang respeto sa mga babae?" Nakahanda ang mga kamao ko. Nais ko talaga siyang banatan kahit mayaman pa siya. Oo, mahirap lang akong babae, pero palaban ako lalo sa mga bastos na katulad niya. "Ohh, calm ka lang. Let's go?" payaya nito sa akin. Hindi ako tumingin sa kan'ya. "Mula ngayon, pagmamay-ari na kita. Lagi-lagi kitang bibisitahin sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan mo. Maliwanag ba?" tanong nito sa akin na may maamong mukha at malalim na boses. Hindi ako kumibo sa kan'ya. Ipinarada ni Ethan sa kan'yang harapan ang kotse upang sumakay ako sa loob. "Okay, game," halos limang minuto, bago ako tumugon sa kan'ya. Sumakay na rin ako sa kotse ni Ethan. Ngayon ay magiging kumplikado ata ang relasyon na pinasukan ko. Naguguluhan ako sa 'king sarili kung bakit nagawa ko 'to. "Alam kong mali ang naging desisyon ko," isip ko. Napailing-iling ako. "Nandito na 'to. Wala ng atrasan pa," dugtong pa ng isip ko. "What your problem?" tanong nito sa 'kin. "Don't worry, wala akong gagawin sa 'yo. I-rerespesto kita as a teacher. Hindi naman ako bastos tulad ng iniisip mo," ngiting saad nito habang nagmamaneho s'ya. Napatingin nalang ako sa kan'ya at nagpatuloy lang kami ng walang kwentuhang maririnig.Ethan Blackwood: "Sa oras na ito, kasama ko si Sophia. Ilan linggo rin kaming nag karoon ng time para sa isa't-isa. Makulit talaga itong babae na 'to. Tingin ko ay inaabuso niya na ako, dahil sa akala niya ay matutunan ko siyang mahalin. May dahilan ako kung bakit gusto kong makipag-date sa kanya. Ayoko na pagdudahan kaming dalawa ni Ava. Kung hindi ako papayag, ay siguradong mapahamak si Ava.Nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa tuwing naglalakad rin kami sa may park at panay selfie nito kahit saan. Hindi si Sophia nahihiya. Napipilitan rin akong kumuha ng picture kasama siya. Ang sweet natin, pero hindi naman. Akala niya siguro ay magkakagusto ako sa kanya.Nasa coffee shop kaming dalawa upang magkape. 'Akala ko pa naman ay doon tayo sa mamahaling restaurant, like sa Japanese Restaurant?' Mukhang sa tinig niya ay nagrereklamo ito sa akin. 'I love coming here, Sophia. If you don't want to be here, you're free to leave,' pagsusungit ko sa kanya.Ngumuso ito sa harapan ko a
Ava MoralesPanibagong Umaga. Mabilis akong nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast namin tatlo. "Nakatulog si Mommy ng mahimbing ahh," bulong ko. Tumingin muna ako sa cellphone ko upang tingnan kung anong oras pa lang. Ganap ng ala-singko. Kung kaya ‘y maaga pa naman. Hindi pa naman ako late nito. Naghanda ako ng mga rekado sa lamesa upang gayatin sa maliit. Ang menu na aking lulutuin sa ngayon ay ginataang alimasag. Paborito ni Mommy ang ganitong ulam. Ako naman ang maagang nagising kaya nag-isip akong magluto. Minsan ko lang gawin ang maghanda ng pagkain. Kadalasan si Mommy ang nagluluto.Sabi ko sa kanya. "Mommy, ako naman ang magluto. Minsan lang akong makasama nyo ni Leo at makasabay kumain." isip ko. "H'wag na anak, ako na lang. Pagod ka na nga galing sa pagtuturo. Ikaw pa ang magluluto? Pakainin na nga kami ng kapatid mo," seryosong wika nito sa 'kin. "Mommy... natural lang na bumawi ako sa inyo. Hindi ako makakarating bilang guro, kung hindi nyo ako pinagsikapan makatap
Victoria Blackwood Gusto kong maikasal ang anak kong si Ethan sa babae na pwedeng makatulong sa kumpanya, upang mas maging malakas at matatag pa 'to. Ang aking asawang si Rodolfo Blackwood ay maedad na kumpara sa 'kin. Nasa pitumpu taong gulang na siya, at ako naman ay nasa singkwenta taong gulang. Pero hindi sa akin halata na gurang na ako. Dahil hindi ako pabaya sa aking sarili. May pagka-Donya talaga ang datingan. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko sa 'kin na hindi raw halata sa akin na may edad na ako. Napakasaya ko kapag pinupuri nila ako. "Mas maganda nga talaga ako sa inyo. Mas masalapi at mas makapangyarihan sa inyo, mga Sissy!" tugon ko sa kanilang sinabi. Maprangka akong matanda. Hindi basta-basta naniniwala at matapang. Lahat kaya kong sirain, pati relasyon na pinagbuklod na. Bata pa lang ang anak kong si Ethan ay pinagkasundo na namin siya sa nag-iisang anak ng Santos na babae. Walang kaideya-ideya ang anak ko sa ganitong sistema... Gusto kong mapangasawa niya ay may kapan
Ethan Blackwood Tahimik akong nakaupo sa swivel chair sa aking office at nag-iisip sa ngayon tungkol sa aming relasyon ni Ava. Napansin ko siya kahapon na parang hindi siya komportableng kasama ako. Nainis rin ako sa kan'ya sapagkat hindi niya ako pinapapunta sa mismong malapit sa kanila. Nagtataka lang ako kung bakit ganoong na lang ang takot niya kung sakaling magparada ako ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lunch time na at ganap ng 12pm ng hapon. Nag-utos ako sa isa kong katiwalang staff sa office, na dalhan ako ng pagkain. Nakaramdam na kasi ako ng gutom. Mabilis naman akong hinatiran ng kanin at ulam. Paborito ko itong adobong manok na halos mag mantika sa toyo. Sumubo ako ng tatlong kutsara na may kanin. Napatigil ako sandali nang marinig ko na naman ang boses ni Sophia na galit na galit. Nawalan tuloy na naman ako ng ganang kumain. "Ethan. Sino siya?" tanong nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Uminom muna ako ng tubig bago ko siya sinagot. "Alin?" "I can't you under
Ava Morales Nagulat na lang ako nang makita kong pumasok si Ethan sa classroom. Hindi ko alam kung bakit niya alam kung saan ako nagtuturo, baka sinabi ng kaibigan kong si Lea, isang guro. Wala rin sa kanya maitatago. Lahat ay alam nito tungkol sa akin, sa sikretong kasal namin ni Ethan. Matagal na rin kaming magkaibigan. Nagpasya kaming dalawa na dito kami mag-apply ng trabaho sa St. Justina Elementary School. Noon college pa lang kaming dalawa ay pangarap na namin makapagturo dito sa mga bata. Alam namin na nagkukulang dito sa mga guro, kung kaya'y mabilis rin kaming dalawa natanggap sa eskwelahang 'to. Wala kaming nasayang na opportunity sa oras na iyon. Sa malayong pwesto ay nakita ko nga si Lea na halos kiligin sa amin ni Ethan at kumindat-kindat pa ang mga mata nito na may halong pang-iinis. Tumingin ako sa kanya na may kahulugan. Gusto kong sabihin sa kanya ngayon na dapat hindi niya na itinuro pa kay Ethan kung saan ako ngayon. Wala na akong magawa pa. Nandito na ito, nasa
Naramdaman ni Sophia na wala talagang interes sa kanya si Ethan. Nainis siya sa binatang iyon sapagkat hanggang kailan kaya siya matutunan mahalin nito. Malapit na silang ikasal ni Ethan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang buksan nito ang puso para sa kanya."Hindi ako susuko!" bulong ni Sophia habang nakasimangot.Isang linggo na rin ang lumipas nang makauwi sila ng kaniyang pamilya dito sa Pilipinas galing sa Canada, at sa araw-araw na gigising siya ay ang laging inaatupag niya ay kung paano siya magugustuhan ni Ethan. Nagpapaganda siya at dinadalhan niya si Ethan ng breakfast, lunch, at snacks. At kung may mga female staffs na pupunta kay Ethan upang magdala ng kape at sandwich, ay siya ang kukuha nito upang dalhin kay Ethan.Wala nang iniisip pa si Sophia na ibang gagawin, kundi ang ginagawa niyang priority ay si Ethan. Kahit hindi pa sila kasal nito, ay parang pinagsisilbihan ni Sophia si Ethan na katulad ng tunay na asawa. Naiinis na sa kanya si Ethan, nahahalata ni







