Solana Estrella Villanueva’s Point of View“Pasensya ka na sa nangyari kanina,” paumanhin ko nang tumigil ang sasakyan ni Demetrius, dahil kulay red ang traffic light. “Nakita mo tuloy kung paano sila mag-away.”“That’s fine. I understand,” aniya na siya namang nagpahugot nang malalim na hininga sa akin.“Tradisyon kasi talaga nila ang ipa-arranged marriage kami, pero sina Mommy, at Daddy ang hindi sumunod doon, saka noong kapanahunan din nila,” paliwanag ko sa kaniya, dahil gusto kong mas maliwanagan siya. “Gusto kasi nila akong hayaan. ‘Yong magkaroon ng freedom para magmahal, at magpakasal sa taong mahal ko talaga.”Ang kaso lang ay hindi naman nangyari, dahil heto ako, engaged sa lalaking hindi ko naman mahal. Ngunit aaminin ko na habang nasa tabi niya ako, at may relasyon ako, bakit pakiramdam ko ay nagiging maayos ang lahat?Pakiramdam ko ay safe ako, at higit sa lahat ay ipinaparamdam niya sa akin na kamahal-mahal ako, at hindi niya ako iiwan.Napasulyap ako sa singsing na suot
Read more