Solana Estrella Villanueva’s Point of View“You’re just hungry,” he said, making my forehead crease. “We can talk about that later—”“Bakit hindi ngayon?” putol ko sa kaniyang sasabihin. “Bakit mamaya pa?”“You need to eat, Solana. Iinom ka pa ng gamot mo para bumaba na ang lagnat mo,” paliwanag niya sa akin.Nakatitig lang ako sa kaniya lalo na nang makita ko sa kaniyang mga mata ang pagsusumao.“If you wanted to talk about that then we’ll discuss that later. For now, finish your food.”Hindi na ako nakaimik pa, at sinunod na lamang talaga ang kaniyang gusto. Na kahit hindi ko malunok ang aking kinakain, dahil sa kaniyang tingin ja ipinupukol sa akin, pinilit ko pa rin.May pag-uusapan pa kami, eh. Gusto ko kasing maliwanagan. Hindi ‘yong ganito na wala akong alam, at pilit nangangapa.Kaya nang makita niyang naubos ko na ang sopas, saka siya lumapit sa akin, at kinuha ang bowl.Pinanood ko siyang maglakad pabalik sa tray, habang ako naman ay unti-unting inaantok muli.Pagbalik niya,
Read more