Home / Romance / My Cold Husband / Unconditional Love

Share

Unconditional Love

Author: Rocel
last update Last Updated: 2026-02-02 14:55:49

Janine POV

Nagising ulit ako ng maaga dahil sa tawag ni Bes. At tulad ng dati, ginawan ko pa rin ng almusal si Lucas. Pero hindi ko na sila hinintay na bumaba pa. Umalis na agad ako ng bahay.

Gusto ko munang umalis pansamantala—kahit ilang oras lang. Ayoko muna ng gulo, kaya ako na lang ang iiwas.

Dalawang araw nang nakatira sa amin si Sophia. Wala raw siyang mauuwian dito sa Pilipinas at ayaw niyang mag-book ng hotel. Ayos lang naman daw kay Lucas—siya pa nga ang nag-offer na mag-stay siya dito sa mansion.

Ayoko man, pero wala akong magagawa. Sino ba naman ako?

Asawa lang ako sa papel, pero hindi sa puso.

Para hindi na lalo akong kamuhian ng asawa ko, kailangan ko na lang manahimik at sumang-ayon sa lahat ng gusto niya.

Papunta ako ngayon sa mommy ko. May sasabihin daw siyang mahalagang bagay. Ayokong makita niya akong miserable, kaya dumaan muna ako sa parlor para kahit papaano ay maayos akong tingnan.

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko—halo-halong takot, awa, at konsensya para sa asawa ko. Sobrang bigat ng dibdib ko tuwing naaalala ko ang gabing muling nagkita kami ni Sophia.

Sariwa pa rin sa isip ko ang mga salitang binitiwan nila… at ang sakit na ibinigay ng lalaking mahal ko.

---

**Flashback – Two Days Ago**

Pagkatapos akong tawaging *bitch* ng babaeng iyon, umasa akong ipagtatanggol ako ng asawa ko. Kahit kaunti man lang.

“Luc, napakaganda ng asawa mo, right?” tanong ni Sophia.

Napatingin si Lucas sa kanya, saka ibinalik ang tingin sa baso ng alak.

“Yeah. She’s beautiful.”

Nagulat ako.

At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, napangiti ako. Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag niya akong maganda.

“Kapag siguro painumin niya ulit ako ng kasumpa-sumpang gamot na ’yon…”

Bigla akong nakonsensya.

Bakas sa mga mata niya ang galit, takot, at kawalan ng pag-asa.

Uminom siya ng alak nang isang lagukan at ngumiti nang mapait kay Sophia. Nakita kong nalungkot ang mukha nito—parang naawa siya kay Lucas.

Ako lang ba ang hindi naawa sa asawa ko?

Pinilit kong huwag umiyak sa harap nila. Tahimik akong umakyat at pumasok sa kwarto.

---

Nagising ako sa ingay.

May nagbabasag ng kung anu-ano sa baba.

Agad akong bumangon at bumaba, takot na takot na baka may nangyaring masama kay Lucas.

Alas-dos na pala ng madaling araw.

Pagdating ko sa dining area, bumungad sa akin ang mga basag na bote, nagkalat na babasagin, at sirang mga figurine.

Nakita ko si Sophia—pilit na pinipigilan si Lucas sa pagwawala.

“Ano’ng nangyayari dito?” tanong ko.

Bigla akong sinampal ni Sophia.

Malakas.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan! Kasalanan mo ’to lahat! Wala kang kwentang babae!”

Napatingin ako kay Lucas.

Mukha siyang pagod. Malungkot. Ngunit nang tumingin siya sa akin, nag-iba ang mga mata niya.

Parang hindi na niya ako kilala.

Lumapit siya sa akin—at sa isang iglap, nakahawak na siya sa leeg ko.

Napadikit ako sa pader.

Hindi ako makahinga.

“Dapat sa ’yo mamatay! Sinira mo ang buhay ko!”

Pinilit kong alisin ang kamay niya, ngunit napakalakas niya.

Narinig kong umiiyak at umaawat si Sophia.

“Luc! Bitiwan mo siya! Masisira ang buhay mo!”

Sa huli, binitiwan niya ako.

Napaupo ako sa sahig, inuubo, nanginginig, at umiiyak.

Sinuntok niya ang pader sa tabi ng mukha ko.

Doon na ako tuluyang napahagulgol.

---

“Ano ang dapat kong gawin… para patawarin mo lang ako?” umiiyak kong tanong.

“Talaga bang wala nang kapatawaran?”

“Ikakasal na siya sa iba,” malamig niyang sabi.

Pakiramdam ko, tuluyan na akong gumuho.

“Hindi mo ako mahal,” sigaw niya. “Kung mahal mo ako, hinayaan mo sana akong maging masaya.”

“Selfish ka.”

Umalis siya.

Lumapit si Sophia at inabot ako ng tubig.

“Bumitaw ka na,” malamig niyang sabi. “Darating na siya.”

---

**End of Flashback**

Sobrang sakit.

Hanggang ngayon, para akong pinapatay ng konsensya.

---

Pagdating ko sa bahay ni Mommy, sandali akong nanatili sa loob ng sasakyan.

Ayokong makita niyang basag ako.

Ngunit paglabas ko, sinalubong niya agad ako ng yakap.

“I miss you, Mom. I love you.”

At doon ko naramdaman ang totoong pahinga.

Habang kumakain kami ng pancakes, sinabi niya ang dahilan ng pagtawag niya.

“Sweetie, gusto kong ikaw ang humawak ng kumpanya ko.”

Nanlaki ang mga mata ko.

Ngunit kasabay ng tuwa, may takot.

“Mom… kailangan ko na ba talagang bitawan ang asawa ko?”

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Anak, mahalin mo muna ang sarili mo.”

Doon tuluyang tumulo ang luha ko.

“Dalawang taon ka nang nasasaktan. Tama na.”

Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Kung hindi ka kayang mahalin, huwag mong pilitin. May mga laban na kailangang bitawan para mabuhay.”

---

Pag-alis ko sa bahay ni Mommy, isang tanong lang ang paulit-ulit sa isip ko.

Kaya ko na bang piliin ang sarili ko… kahit kapalit nito ang pagkawala ni Lucas?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cold Husband    Finale

    FinaleIlang buwan na ang nakalipas mula nang mag propose si Lucas kay Janine.Pero napagdesisyunan nilang ipagpaliban ang kasal hanggang sa susunod na taon dahil sa dami ng nangyari sa kanila. Ka buwanan na din ni Janine, lahat ng gamit para sa magiging mga anak nila ay handa na. Lahat ay magkakapares—dahil kambal na naman ang anak nila.Nasa kusina silang lahat, naghahanda para sa pagdating ng mga kaibigan nilang mag-asawa. Linggo kasi ito, at regular silang dumadayo."Dad, Mom, Tito Vince, at Tito Jeric, kasama nila mga girls nila!" nakangiting sabi ni Enzho."Good morning!" sabay-sabay na bati nina Vince at Jeric, at lumapit kay Lucas para sa pist bomb.Ang dalawang kasama nilang babae naman ay lumapit kay Janine at nakipag-beso—close na silang magkaibigan. Si Lalaine, girlfriend ni Jeric, at si Vannessa, ang wife ni Vince, ay kabilang din.Kasunod nilang dumating sina Nilo at Diego, kasama ang mga girlfriends na si Alex at Cindy. Lumapit din ang mga ito kay Janine.Pumunta an

  • My Cold Husband    A Second Proposal, A Lifetime of Love”l

    Janine POVIsang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang Papa ko. Unti-unti, bumabalik na rin sa ayos ang buhay namin ni Lucas.Paminsan-minsan, pumupunta kami sa bahay ng ate ko—kami na lang kasi ang magkasamang natira sa iisang mundo matapos ang lahat.Nag-aalmusal kami nang dumating ang Mommy ko.“Good morning, Mom,” bati ko, sabay halik sa pisngi niya. Lumapit din si Lucas para batiin ang byenan, at isa-isang humalik ang tatlong bata sa kanilang Lola.“Ahm… I’m here, Janine, for this,” sabi ng Mommy ko, halatang alanganin dahil sa presensya ng manugang ko, habang hawak ang isang puting sobre.“I have an invitation for you. Farewell party ni Jerome,” paliwanag niya. “He’s going back to Australia for good. At ang wish niya, makapunta ka sana.”Bago pa siya magpatuloy, tumingin muna siya kay Lucas.“Ikaw lang at yung tatlong bata raw… naiilang siya kay Lucas.”Tumingin ako sa asawa ko, nag-aalangan. Pero ngumiti lang siya.“It’s okay, Honey. Go ahead,” sabi niya—walang halong p

  • My Cold Husband    Goodbye

    Janine POVNandito ako sa harap ng pinto ng morgue. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko… nandito sa loob. Wala nang buhay.Nilakasan ko ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago ko pilit na pinihit ang pinto.Pagpasok ko, bumungad sa akin ang dalawang katawan na nakahiga at parehong nakatalukbong. Dalawang taong minsan ay naging bahagi ng buhay ko.Nanikip ang dibdib ko nang makilala ko kung sino ang una.Si Sophia.Nanghina ang mga tuhod ko habang lumalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang malamig niyang balat.“Kahit na pinagtangkaan mo akong patayin, Ate… mahal pa rin kita,” pabulong kong sabi, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. “Sana ngayong tahimik ka na, mawala na rin ang galit sa puso mo. Pinapatawad na kita.”Hinalikan ko siya sa noo. Isang huling paalam. Isang pagpapatawad na matagal ko ring ipinagdasal na kayanin ng puso ko.Pagkatapos noon, binalingan ko ang nasa tabi niya.Dito na ako nat

  • My Cold Husband    Secret

    Dalawang linggo ng nakalipas nang nalaman ng mag-asawa na magkakaron ulit sila ng munting anghel.Alagang alaga ni Lucas ang kanyang asawa medyo naninibago siya sa asawa dahil sa pabago bago nitong mood. Pero kailangan nya ng mahabang pasensya."Honey, ano nabili mo na ba ko ha?" Nagpabili kasi ng mangga si Janine kay Lucas at gusto nya yung pinakamaasim."Ofcourse honey, lahat ng gusto niyo ng mga babies ay ibibigay ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Lucas na kumunot ang noo ni Janine."Anong babies sinasabi mo Lucas?" Inis na sabi ni Janine. Hinalikan ni Lucas ang asawang nakasimangot."Kasi Honey. Ramdam ko triplets na naman nyan eh pero minsan naman quadruplets ang kutob ko, feeling ko lang ahh. Pero ayaw mo nun happy big family tayo." Hinampas sa braso ni Janine si Lucas. Natawa naman sya sa asawa at niyakap"Eh kung ikaw ba manganganak eh okay lang kaso ako eh!" Sabi ni Janine at inirapan ang asawa niyakap siya ng mahigpit nito."Honey, thank you for loving me always, for making m

  • My Cold Husband    A Family Reunited

    Nakauwi na rin sa bahay ang mag-asawa kinaumagahan. Nakaakbay pa rin si Lucas sa kanyang asawa, akala mo’y hindi siya makakalayo.“Dad! Mom!” sabay-sabay na tawag ng mga bata sa kanilang mga magulang. Sabik silang lumapit at niyakap ang mag-asawa. Ganon din ang naramdaman nina Lucas at Janine.“Mom, we have a surprise for you!” Masiglang sabi ni Cassandra, na may malaking ngiti sa mukha.“Oh! What is it?” sagot ni Janine, halatang excited.“Mom, hindi what, who?” Kumunot ang noo ni Janine sa anak niya at may tinuro sa kaniyang gilid.Lumingon siya at nakita si Jerome, ang taong palaging nandiyan kapag malungkot siya.“Da! I miss you!” Sabik na tumakbo si Janine kay Jerome at niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ni Jerome.“Ehem! Honey, I’m here,” Masungit na sabi ni Lucas, naka-simangot, kaya napilitan si Janine na bitawan si Jerome.“Anong ginagawa mo dito, unggoy? Hindi ka welcome sa bahay ko,” Nakasimangot na sabi ni Lucas. Tumawa si Jerome sa sinabi niya.“Don’t worry,

  • My Cold Husband    The Return of Love

    Third POV Ilang araw na nang nagka tampuhan si Janine at Lucas.Di sila nagpapansinan sobrang nasasaktan din kasi si Lucas sa inasal na pamimigay muli sa kaniya ng mahal niyang asawa.May lakad ngayon si Janine papunta sa kaniyang pabrika. Wala siyang inobliga na mag drive sa kaniya mas gusto niyang siya lang muna para makapag isip isip.Nagpaalam na siya sa kaniyang mga anak, nagtaka siya na wala si Lucas siguro ay pumasok na ito sa opisina nito.Pumunta na siya ng kaniyang kotse at nabigla siya dahil pagbukas niya ay nasa loob si Lucas." Anong ginagawa mo dyan sa loob? "Nakataas na isang kilay ni Janine sa inis kay Lucas.“I’m your driver today, my dear wife.” Nakangiti naman si Lucas dito. At inirapan lang niya." Nagmamadali ako ngayon kaya wag ka ng mang asar. "Umiling si Lucas. At parang batang nakiusap sa kaniya na pasamahin siya nito. Dahil nagmamadali na si Janine ay pinagbigyan niya na ito dahil sa sobrang kulit.Natapos na ang pag visit ni Janine sa kaniyang pabrika. K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status