LOGINJanine POV
Nakauwi na rin ako sa bahay. Kahit papaano, nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko—kahit alam kong bumalik na naman ako sa bahay namin na palaging nagpapabigat ng puso ko. Ako na ang naghatid kay Bes sa kanila. Doon na rin ako kumain. Tutal, pagdating ko sa mansion, wala rin naman akong kasabay kumain kundi ang mga kasambahay lang namin. At kapag inutusan pa sila ni Lucas na huwag akong pakisamahan, walang papansin sa akin—dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho. Kapag ganitong araw, busy rin kasi ang mga kasama namin dahil sa dami ng event na ginaganap sa partido ni Lucas. Minsan, hindi man lang ako nagagawang makadalo. Pagkaparada ko ng kotse, nagtaka ako dahil may isang kotse na hindi ko alam kung kanino. Marami mang kotse si Lucas, pero alam kong hindi siya nagko-kotse ng kulay lavender. Pagpasok ko pa lang sa gate, halatang nagulat—o natakot—ang guard nang makita niya akong dumating. Anong nakakagulat doon? Eh dito ako nakatira. “Manong,” tawag ko sa isang guard. Mabilis naman siyang lumapit sa akin na may paggalang. “Good evening po, Ma’am. May kailangan po ba kayo?” kabado niyang tanong. Ngumiti ako sa magalang niyang pagbati. “Kaninong kotse po ’yan?” sabay turo ko sa kotseng naka-park sa unahan. “Ma’am, bisita po ni Sir. Kaibigan niya po siguro,” paliwanag niya habang kinakamot ang ulo. Tumango na lang ako at tuluyang bumaba para pumasok sa loob. “Sige, Manong. Pasok na po ako. Thank you po.” Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko para maiparada niya ito sa tamang lugar. “Sige po, Ma’am. Tawagin n’yo lang po kami kung may kailangan pa po kayo,” sabi niya sabay saludo. Tumango ako. Pagpasok ko sa loob, masyadong maliwanag ang mansion. Narinig ko si Lucas at ang malakas nilang tawanan sa dining room. Siguro, kausap niya ang mga kaibigan niya. Masarap din naman sa pakiramdam na minsan alam kong nagsasaya ang asawa ko. Masakit mang hindi ako ang kasama niya, pero kahit sa iba—basta masaya siya. Lumapit ako para marinig kahit kaunti ang pinag-uusapan nila. Narinig kong nagsalita ang asawa ko, halatang masayang-masaya. “Hanggang ngayon, makulit pa rin kayo kapag magkakasama.” Batay sa tono ng boses niya, natatawa talaga si Lucas. Nakakatuwa. Sino kaya ang kausap niya? Sina Nilo kaya? “Of course. Alam mo bang miss na namin ang luto mo,” sabi ng kausap niya. Totoo naman. Masarap magluto si Lucas. Nakaka-miss talaga. Babae pala ang kausap niya. Sino kaya iyon? Pero parang pamilyar ang boses. Parang narinig ko na. “By the way, are you still sweet, kind, and generous sa mga humahanga sa’yo? Kaya ka napipikot eh,” pang-aasar ng kausap niya. Ako ba ang tinutukoy niyang namikot kay Lucas? “Shut up!” medyo inis na sabi ni Lucas. Totoo ang sinasabi niya—mabait at malambing talaga ang asawa ko. Kaya nga madali akong napamahal sa kanya. --- ### *Flashback* “Hey! Ano ’yang papel sa kamay mo? Hindi ka mapakali diyan,” sabi sa akin ni Cindy. Kanina pa kasi ako tingin nang tingin sa cellphone ko. Iniisip ko kung tatawagan ko ba si Lucas o hindi. Nakakahiya naman kasi. “Bes! Naalala mo ’yong nagpadala ako sa’yo noong nakaraan sa clinic?” Kumunot ang noo niya, halatang iniisip ang nangyari. “Yup! ’Yong nalaglag ka sa hagdan dahil sa katangahan mo!” sabay tawa at hampas niya sa mesa. Baliw talaga. “Hindi kasi totoo ’yong dahilan ng pagsakit ng balakang ko,” pag-amin ko. Biglang nagbago ang mukha niya. “Don’t tell me pati ako niloloko mo na? Para mag-cheat ka lang sa klase, gumawa ka pa ng arte? Dinamay mo pa ako! Halos liparin ko ang daan papunta sa’yo—” Tinakpan ko na ang bibig niya. “Sandali! Patapusin mo muna ako, pwede?” Inalis ko ang kamay ko. “Hindi totoong nalaglag ako, okay? Totoong masakit ang balakang ko. Nakitang may pasa pa ako, ’di ba?” Tumango siya. “Kasi ang totoo niyan, nabangga ako ng isang lalaki. Binigyan niya ako ng calling card. I-text ko raw siya kung kailangan ko ng tulong.” Tahimik lang siyang nakinig. “Gusto ko siyang tawagan… kasi gusto ko ulit siyang makita.” Napatingin siya sa akin nang may laman ang mga mata. “Bes, ito na yata ’yong crush na sinasabi mo,” pag-amin ko. Bigla siyang napasigaw. “Yehey! Tao ka na! Akala ko bato ka!” Sobrang saya niya pero ako naman sobrang kabado. " Gusto ko kasi siyang tawagan o kaya i text." " Eh di tawagan mo na siya ngayon din as in ngayon! Now na dali! " " Hindi ba nakakahiya, Bes? Kung tatawag ako sa kanya… parang ako ang unang magfi-first move kapag gano’n!" Hiyang-hiyang tanong ko kay Cindy habang hawak ang cellphone ko. Pakiramdam ko pawis na pawis ang palad ko kahit naka-aircon kami sa kwarto niya. Gusto ko talaga siyang makausap. Ilang araw na rin kasi siyang pumapasok sa isip ko. Simula noong nabangga niya ako at binigyan ng calling card, parang may kakaibang kiliti sa dibdib ko tuwing maaalala ko ang ngiti niya. "Hindi noh!" mabilis na sagot ni Bes. "Ano ka ba, Janine? Hindi naman niya maiisip na, ibig sabihin nun crush mo na agad siya. At bakit inlove ka na ba dun agad?!" Umiling ako agad. "Hoy! Hindi no!" pagtatanggol ko sa sarili ko. Tumango siya habang nakangiti at hinawakan ako sa balikat. "Oh, yun naman pala eh. Makikipagkaibigan ka lang naman. Wala namang masama doon. Pwera na lang kung gusto mo na agad talaga siya? Crush lang naman." sabay kilig na tawa niya. Bigla akong napatigil. Gusto ko ba talaga siya? Tama nga naman siya. Wala namang masama kung tatawag ako. Hindi naman ako magpo-propose agad. Makikipagkaibigan lang. Huminga ako nang malalim bago ko dinial ang number niya. Ilang ring pa lang ay sumagot na agad ang kabilang linya. "Hello? Hello, who's calling?" malalim at maayos na boses ng lalaki ang narinig ko. Bigla akong kinabahan. Totoo nga siya ’to. "Hello, ahm… I'm Janine Arenas. You're Lucas, right?" halos pabulong kong sabi, nahihiya sa sarili kong lakas ng loob. "Ahh yes, ako nga. How may I help you, Ms. Janine?" Magalang ang tono niya, parang nasa business meeting. Napangiwi ako. "Ahm… hindi mo na ba natatandaan ang name ko? Yung nakabangga mo. Yung binigyan mo ng calling card?" Grabe naman. Ganun ba talaga ako kadaling makalimutan? "Ah, I'm sorry kung nakalimutan ko agad. Medyo stressed kasi lately. May masakit pa ba sa’yo?" may pag-aalala sa boses niya. Napalambot ang puso ko. Busy nga siguro talaga siya. "Okay lang… tumawag kasi ako para makipagkaibigan sa’yo. Kung okay lang?" mahina kong tanong Bigla siyang natawa sa kabilang linya. Hindi naman yung pang-aasar—yung parang natuwa. "Oo naman. It’s my pleasure. If you want, pwede kang maki-join dito sa mall. Kasama ko mga friends ko." Bigla akong napangiti. Totoo ba ’to? "Sure! Pwede bang isama ko bestfriend ko?" agad kong tanong. Syempre kailangan ko ng back-up. "Why not? Mas okay nga na may kasama ka para hindi ka ma-op." Nagkunwari akong nagtampo. "Bakit? Kapag hindi ko kasama si Bes, pababayaan mo lang akong ma-op?" Tumawa siya. "Syempre hindi. Kung kasama mo ako, aalagaan at papasayahin kita." Parang may fireworks sa dibdib ko ang mga sinabi niya. Ano ba Janine kausap mo pa lang siya sa cellphone. Three Months Later Tatlong buwan na kaming “official.” Pero friends lang naman. Pero para sa’kin… iba. May mga bagay kasi na hindi mo maipaliwanag. Tulad ng pag-aabang ko sa good morning text niya. Tulad ng pag-ngiti ko kapag tinatawag niya akong “Jan.” Tulad ng paghanap ko sa kanya kapag malungkot ako. Hindi man niya sinasabi, ramdam kong espesyal ako sa kanya. Kulang na lang talaga yung salitang “I love you.” O kaya ligawan niya ako nang maayos. Outside the School Hinihintay ko si Lucas sa labas ng school nang biglang may tumapik sa balikat ko. "Bes, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Cindy. "Hinihintay ko si Lucas. Mamamasyal daw kami. May sasabihin din ako sa kanya mamaya…" amin ko. Tumaas ang kilay niya. "Ayiiie. Alam ko na ’yan. Good luck! Uwi na ko ha?" Ngumiti ako at nakipag-apir pa siya bago umalis. Paglingon ko, nakita ko na si Lucas sakay ng motor niya. Nakasuot siya ng white polo at black jeans. Ang simple pero ang gwapo. "Oh? Nandito ka na pala. Ang bilis mo ah," nakangiti niyang sabi. "Kanina pa nga eh," kunwari’y simangot ko. "Sorry na, Jan. Don’t be mad at me please." Hindi ko siya matiis lalo na kapag ganyan siya. Pero bigla akong natigil nang sabihin niya— "Hinihintay ko lang si Nilo para ihatid ka. May lakad kasi ako ngayon." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. "Bakit? Hindi ba pwede ikaw na lang?" tanong ko habang pilit na ngumiti. "Hindi kasi ako nag-aangkas ng babae sa motor ko." Napakunot ang noo ko. "Eh bakit may pink kang helmet?" Ngumiti siya. "Nasa rules ng barkada namin." Napailing ako. "Ano ba talaga kayo? Samahan ng pilantik ang daliri?" Tumawa siya nang malakas. Ang sarap niyang panoorin kapag tumatawa. The Diamond Princes Lima silang magbabarkada. Mga anak ng malalaking negosyante. Tinatawag silang Diamond Princes. Si Vince—seryoso at mukhang pera pero siguro soft inside. Si Diego—playboy pero may girlfriend daw. Si Jeric—romantic at misteryoso. Si Nilo—working student kunyari, mabait at makulit. At si Lucas—matalino, palangiti, at maunawain. Sa isip ko… sana maging Diamond Princess ako at ako yung para kay Lucas. Restaurant Scene Habang kumakain kami, napansin niyang tahimik ako. "May problema ka ba? Kanina ka pa hindi mapakali dyan." Huminga ako nang malalim. Ito na. "May girlfriend ka na ba or taong nagugustuhan?" Napatingin siya sa’kin. "Wala. Pero may nagugustuhan na ako." Parang tumigil ang mundo ko. "Kilala ko ba?" Ngumiti siya. "Yup. Kilalang kilala." Bigla akong kinabahan. "Si Bess ba?" Tumawa siya. "Hindi. Makikilala mo rin siya. Malay mo… ikaw pala ’yun." Napainom ako bigla dahil sa lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Ready na ba ko makipag relasyon?! "Joke lang!" dagdag niya. Napahiya ako pero tumawa pa rin kami. Pero sa loob ko… umaasa ako. End of Flashback --- Ang saya talaga namin noon. Parang walang darating na problema Kailan ba mangyayari ulit ang lahat ng iyon? O hanggang ala ala na lang ang masasayang sandali samin ni Lucas. Sana bumalik ang panahong iyon, umaasa ako na darating yon, para maayos ko ang maling nagawa ko sa kaniya. Naging kontento na lang sana ako sa kaya niyang ibigay sa akin. Hindi ko namalayan na may nakatanaw na pala sa akin, na para akong kinaiinisan. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Lumapit siya sa akin. “Luc, your bitch wife is here.” May evil smile siya. Si Sophia. Nanginig ako sa takot. Alam kong galit siya sa akin. At alam kong hindi niya ako kailanman mapapatawad.FinaleIlang buwan na ang nakalipas mula nang mag propose si Lucas kay Janine.Pero napagdesisyunan nilang ipagpaliban ang kasal hanggang sa susunod na taon dahil sa dami ng nangyari sa kanila. Ka buwanan na din ni Janine, lahat ng gamit para sa magiging mga anak nila ay handa na. Lahat ay magkakapares—dahil kambal na naman ang anak nila.Nasa kusina silang lahat, naghahanda para sa pagdating ng mga kaibigan nilang mag-asawa. Linggo kasi ito, at regular silang dumadayo."Dad, Mom, Tito Vince, at Tito Jeric, kasama nila mga girls nila!" nakangiting sabi ni Enzho."Good morning!" sabay-sabay na bati nina Vince at Jeric, at lumapit kay Lucas para sa pist bomb.Ang dalawang kasama nilang babae naman ay lumapit kay Janine at nakipag-beso—close na silang magkaibigan. Si Lalaine, girlfriend ni Jeric, at si Vannessa, ang wife ni Vince, ay kabilang din.Kasunod nilang dumating sina Nilo at Diego, kasama ang mga girlfriends na si Alex at Cindy. Lumapit din ang mga ito kay Janine.Pumunta an
Janine POVIsang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang Papa ko. Unti-unti, bumabalik na rin sa ayos ang buhay namin ni Lucas.Paminsan-minsan, pumupunta kami sa bahay ng ate ko—kami na lang kasi ang magkasamang natira sa iisang mundo matapos ang lahat.Nag-aalmusal kami nang dumating ang Mommy ko.“Good morning, Mom,” bati ko, sabay halik sa pisngi niya. Lumapit din si Lucas para batiin ang byenan, at isa-isang humalik ang tatlong bata sa kanilang Lola.“Ahm… I’m here, Janine, for this,” sabi ng Mommy ko, halatang alanganin dahil sa presensya ng manugang ko, habang hawak ang isang puting sobre.“I have an invitation for you. Farewell party ni Jerome,” paliwanag niya. “He’s going back to Australia for good. At ang wish niya, makapunta ka sana.”Bago pa siya magpatuloy, tumingin muna siya kay Lucas.“Ikaw lang at yung tatlong bata raw… naiilang siya kay Lucas.”Tumingin ako sa asawa ko, nag-aalangan. Pero ngumiti lang siya.“It’s okay, Honey. Go ahead,” sabi niya—walang halong p
Janine POVNandito ako sa harap ng pinto ng morgue. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko… nandito sa loob. Wala nang buhay.Nilakasan ko ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago ko pilit na pinihit ang pinto.Pagpasok ko, bumungad sa akin ang dalawang katawan na nakahiga at parehong nakatalukbong. Dalawang taong minsan ay naging bahagi ng buhay ko.Nanikip ang dibdib ko nang makilala ko kung sino ang una.Si Sophia.Nanghina ang mga tuhod ko habang lumalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang malamig niyang balat.“Kahit na pinagtangkaan mo akong patayin, Ate… mahal pa rin kita,” pabulong kong sabi, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. “Sana ngayong tahimik ka na, mawala na rin ang galit sa puso mo. Pinapatawad na kita.”Hinalikan ko siya sa noo. Isang huling paalam. Isang pagpapatawad na matagal ko ring ipinagdasal na kayanin ng puso ko.Pagkatapos noon, binalingan ko ang nasa tabi niya.Dito na ako nat
Dalawang linggo ng nakalipas nang nalaman ng mag-asawa na magkakaron ulit sila ng munting anghel.Alagang alaga ni Lucas ang kanyang asawa medyo naninibago siya sa asawa dahil sa pabago bago nitong mood. Pero kailangan nya ng mahabang pasensya."Honey, ano nabili mo na ba ko ha?" Nagpabili kasi ng mangga si Janine kay Lucas at gusto nya yung pinakamaasim."Ofcourse honey, lahat ng gusto niyo ng mga babies ay ibibigay ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Lucas na kumunot ang noo ni Janine."Anong babies sinasabi mo Lucas?" Inis na sabi ni Janine. Hinalikan ni Lucas ang asawang nakasimangot."Kasi Honey. Ramdam ko triplets na naman nyan eh pero minsan naman quadruplets ang kutob ko, feeling ko lang ahh. Pero ayaw mo nun happy big family tayo." Hinampas sa braso ni Janine si Lucas. Natawa naman sya sa asawa at niyakap"Eh kung ikaw ba manganganak eh okay lang kaso ako eh!" Sabi ni Janine at inirapan ang asawa niyakap siya ng mahigpit nito."Honey, thank you for loving me always, for making m
Nakauwi na rin sa bahay ang mag-asawa kinaumagahan. Nakaakbay pa rin si Lucas sa kanyang asawa, akala mo’y hindi siya makakalayo.“Dad! Mom!” sabay-sabay na tawag ng mga bata sa kanilang mga magulang. Sabik silang lumapit at niyakap ang mag-asawa. Ganon din ang naramdaman nina Lucas at Janine.“Mom, we have a surprise for you!” Masiglang sabi ni Cassandra, na may malaking ngiti sa mukha.“Oh! What is it?” sagot ni Janine, halatang excited.“Mom, hindi what, who?” Kumunot ang noo ni Janine sa anak niya at may tinuro sa kaniyang gilid.Lumingon siya at nakita si Jerome, ang taong palaging nandiyan kapag malungkot siya.“Da! I miss you!” Sabik na tumakbo si Janine kay Jerome at niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ni Jerome.“Ehem! Honey, I’m here,” Masungit na sabi ni Lucas, naka-simangot, kaya napilitan si Janine na bitawan si Jerome.“Anong ginagawa mo dito, unggoy? Hindi ka welcome sa bahay ko,” Nakasimangot na sabi ni Lucas. Tumawa si Jerome sa sinabi niya.“Don’t worry,
Third POV Ilang araw na nang nagka tampuhan si Janine at Lucas.Di sila nagpapansinan sobrang nasasaktan din kasi si Lucas sa inasal na pamimigay muli sa kaniya ng mahal niyang asawa.May lakad ngayon si Janine papunta sa kaniyang pabrika. Wala siyang inobliga na mag drive sa kaniya mas gusto niyang siya lang muna para makapag isip isip.Nagpaalam na siya sa kaniyang mga anak, nagtaka siya na wala si Lucas siguro ay pumasok na ito sa opisina nito.Pumunta na siya ng kaniyang kotse at nabigla siya dahil pagbukas niya ay nasa loob si Lucas." Anong ginagawa mo dyan sa loob? "Nakataas na isang kilay ni Janine sa inis kay Lucas.“I’m your driver today, my dear wife.” Nakangiti naman si Lucas dito. At inirapan lang niya." Nagmamadali ako ngayon kaya wag ka ng mang asar. "Umiling si Lucas. At parang batang nakiusap sa kaniya na pasamahin siya nito. Dahil nagmamadali na si Janine ay pinagbigyan niya na ito dahil sa sobrang kulit.Natapos na ang pag visit ni Janine sa kaniyang pabrika. K
Janine POVNatahimik ako sa lahat ng nalaman ko, pero alam kong hindi pa buo ang lahat ng sinabi ni Sophia. May ititindi pa siya, at ramdam ko sa bawat galaw niya na may malalim na sikreto pa."Ano ang ginawa mong paraan, Sophia? Paano nga ba makikinabang si ate?!" sigaw ko sa kanya, hinampas ang m
Janine POVNandito ako ngayon sa mall para mag-grocery para sa family nila at kay Bess. Inabala ko muna ang sarili ko.Isang linggo nang nakakaalis si Lucas at sobrang nami-miss ko na siya. Araw-araw naman siyang tumatawag sa akin, wala namang palya. Noong nakaraan nag- skype pa kami. Hindi pa raw
My Cold Husband Chapter 13 - When Love Chooses to StayJanine POVNagdaan ang buwan na sobrang maayos kami ni Lucas. Maganda na ang samahan namin talaga ngayon at napakasaya ko sobra. Sana hindi na matapos lahat ng ito."Honey are you done? Nandyan na silang lahat sa baba, tayo na lang ang hinihin
Janine POVSobrang busy today at sobrang dami kasing meetings na dapat kong puntahan dahil si Jerome umalis bigla ng bansa di pala nagsabi na need niyang ayusin ang negosyo nila din sa Europe." Ma'am may bisita po kayo, kaso wala po siyang appointment na naka list." Napaangat ako ng tingin sa kani







