ログインTUMAWA LANG SI Gail at nagpaalam na rin sa kaibigan. Kinabukasan, dumating si Gail ng school ni Jaxon sa tamang oras. Naroon na rin ng oras na iyon si Leon.“Mommy!” agad na sigaw ng anak nang makita siya. Nakatayo silang mag-ama. Hawak ni Leon ang kamay ni Jaxon at parehong nakatingin na noon sa kanya. “Kanina pa kayo?”Hindi kay Leon nakatingin kundi sa anak nilang si Jaxon. Hindi niya nakakalimutan ang threat ni Leon sa kanya kahapon kung kaya naman inignora niya ito.“Kakarating lang din namin, Mommy.” kuha na ng isang kamay ni Gail, nagmamalaking ginala ni Jaxon ang kanyang paningin sa mga kapwa niya estudyante. Hindi nagtagal, pinaupo na sila upang magsimula na ang event. Bahagyang nagulat ang guro ni Jaxon nang makita si Gail na naroon. Buong akala niya ay hindi ito pupunta. Lumaki ang ngiti sa kanya ng maestra.“Goodmorning, Mrs. Lombardi…”Ngumiti lang si Gail sa guro, bahagyang nilingon si Leon nang maramdaman na nakatitig na ito sa kanya. Nagsalubong ang kanilang mga mat
LUMULAN NA SILA ng magkaibang sasakyan at hindi nagtagal, naghiwalay na sila ng daan para umuwi. Pagbalik sa lumang bahay ng mga Buencamino ay diretsong pumanhik si Gail sa silid upang magpahinga. Ibinalita naman lahat ni Levi sa kanilang Lola ang nangyari sa buong araw na iyon. “Kasama niyo ang lalaking iyon at pamangkin?”“Oo, Lola. Masasabi ko na medyo close sila. Tanong mo kay Ate Lexi.” damay pa sa kapatid ng binatilyo.Hindi lang basta nagulat ang matanda dahil bukod sa magkababata sina Leon at Caden, base sa pagkakaalam niya ay ni minsan ay hindi naging close si Gail sa dalawang kaibigan ni Leon ang apo niya.“Iyan marahil ang dahilan kung bakit biglang lumapit sa akin ang pamilya Serrano para mag-invest ng projects at kung bakit biglang naging palakaibigan sa akin ang anak nilang si Caden ng mga nakaraang araw.” sabat ng ama ng mga bata na Tito naman ni Gail, ng marinig ang sinabi ng bunsong anak. “Nang dahil pala iyon sa pamangkin kong si Gail, Mama.”“Ibig sabihin ay may gu
NAGLALARO NA SA isipan nina Lexi at Levi na kung tra-tratuhin nila nang maayos ang pamilya nila, kung sakaling pakasalan na ni Gail si Caden, tra-tratuhin din nang maayos ng pamilya nito ang pinsan nila. Kumbaga, give and take lang ang kanilang atake dito.“Danna, gusto mong maglaro sa water slide? Huwag kang mag-alala, naroon naman kami ng kapatid ko.”Walang kurap na tinango ni Danna ang ulo habang ang mga mata ay nakatuon sa makulay na water slide. The water slides on the yacht are indoors, like hot springs, so they won't get cold kahit nasa gitna pa sila ng laot at malamig ang simoy ng hangin. Water slides are actually suitable for both adults and children. But relatively speaking, it is indeed a world for teenagers and children. Pinili ni Gail at Caden ang mag-surfing. Hindi naglaon ay nagsawa ang dalawa at pinili na tumambay sa ibaba ng water slide habang pinapanood ang tatlo na mag-enjoy sa ginagawa nila.“Salamat.” nakangiting turan ni Gail nang abutan siya ni Caden ng maiinom
HINDI PA SIYA nagtatagal na nakaupo sa harap ng kanyang table nang malaman niya mula kay Maura na umano ay naroroon na naman sina Nica at ang kanyang amang si Octavio. Napagkasunduan na nila ni Nicolas na never silang makikipag-partnership sa kanila. Nang matanggap ni Nicolas ang balita mula sa front desk, ipinag-utos nitong itaboy silang dalawa. Hindi naglaon ay nakatanggap ng tawag si Nicolas. Napatingin na siya kay Gail ng makitang si Leon ito.“Si Leon?”“Hmm…”Nahulaan na ni Gail ang rason ng pagtawag ng asawa. Iginalaw niya lang ang magkabilang balikat at tinuloy ang trabaho. Walang gatol na sinagot iyon ni Nicolas. “Mr. Lombardi, napatawag ka?”“Mr. Villalobos, how about we have dinner together later?”Nicholas didn't bother with beating around the bush. “Mr. Lombardi, alam kong ginawa mo ang tawag na ito para sa pamilya ni Miss Morante, right?”“Yes.”“Sorry to say this but Spark Mind Corporation will never cooperate with them. As for the reasons, I think I don't need to say
WALANG EMOSYON NA tumango si Gail sa kanya at hindi na nakipag-eye contact pa. Inilapag niya ang kanyang bag sa sofa at nagtungo ng kusina. Pumanhik naman sa itaas si Leon matapos ng ilang segundo na sundan ng kanyang tingin si Gail. Ang lamig kasi ng pakikitungo nito sa kanya. Dama niyang parang bad mood ito agad. Pinaakyat na ni Gail sa kanyang Yaya si Jaxon nang hindi pa ito bumaba. “Pakisabi sa kanya na bilisan niya kung gusto niyang ihatid ko siya. May trabaho pa ako.” “Sige po, Madam.” Naupo si Gail sa sala habang naghihintay sa pagbaba ng anak. Marahil kung hindi niya nahuli ang anak kanina na inuuna na namang pag-ukulan ng pansin si Nica, siya mismo ang aakyat upang sunduin na ito. Ilang beses siyang tumingin sa kanyang pambisig na relo para sa oras.“Iyan ba iyong bagong labas na machine?” Napatingin si Gail sa kanyang tabi. Naroon na si Leon. Tinatanong na siya sa machine na bagong labas galing ng ibang bansa. Pinag-aaralan niya ang lahat ng parts noon upang matukoy kung
AAMININ NI GAIL, nasaktan siya. Parang may batong biglang dumagan sa puso niya sa nakita. The fact that Leon immediately asked her to sign a new divorce agreement after Nica was injured saving him shows that he was very eager to divorce her so that he could give Nica a proper status. Or perhaps a wedding. Iyon nga lang, hindi pa naman nai-issue ang certificate. Akmang lalabas na si Gail ng silid nang may marinig siyang mahinang tinig sa likuran niya. “Madam…” Umikot si Gail upang matagpuan lang ang Yaya ni Jaxon. Pilit na ngumiti sa kanya si Gail. “Ipina-impake ni Mr. Lombardi ang mga gamit mo sa akin sa simula pa lang ng buwan. Inilagay ko ang lahat ng iyon sa ikatlong palapag. Mayroon ka bang kailangan? Kukunin ko.” “Hindi na. Ako na lang ang kukuha. Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo.” “Sige po, kung may ipag-uutos ka sa akin tawagin mo lang ako.” Muling tumango si Gail. Pinigilan ang kanyang sarili na maging emosyonal. Pagkaraan ng ilang sandali ay umakyat na siya sa ikat







