Nang tuluyan nang kumalma ang anak ay inutusan na niya ang mga katulong na linisin na ang mga kinalat ng bata. Pagkatapos ay lumabas na siya ng silid nito. Eksakto naman na nakababa na siya ng hagdan nang dumating si Nova galing sa may salas. "Honey," anito. Napahinga naman siya ng malalim. "Nova." "I came to visit Lyle but he hurt me and became wild," anas nito. "I'm sorry that you got hurt by my son, Nova," tugon naman niya. Napailing naman ang babae. "No, Deacon. Ako dapat ang mag-sorry. Hindi pa sapat ang mga ginagawa ko para bigyan at maramdaman niya ang pagmamahal ng isang ina." "You will never show or give him a maternal love, Nova. You're not his mother," aniya. Pumayag lang naman siya na magpabalik balik si Nova sa pamamahay niya dahil ito ang nagligtas kay Lyle. Kung hindi nito aksidenteng nakita ang anak sa labas ng gate ng mansion noong araw na iyon ay baka hindi niya kasama ang bata ngayon. Umuulan ng mga panahon na iyon at kung hindi ito nakita ng babae ay
Last Updated : 2026-02-16 Read more