Home / Romance / Maling Akala / Chapter -1

Share

Maling Akala
Maling Akala
Author: Ms. JN

Chapter -1

Author: Ms. JN
last update publish date: 2026-02-09 20:20:28

chapter 1

Nanatiling nakahiga si Jericho nang kapain nya ang tumutunog na cellphone.

Hinilot nya ang noo, bago sinagot iyon. Nananakit pa ang ulo nya, sa dami ng nainom nya kanina.

"Where are you, son?" tanong ng kanyang ama.

"Narito pa rin ako sa Batangas, papa."

"Yeah, yeah! Nabanggit mo sakin na may dealings kayo ni Mr. Von Samaniego. Pero bakit hindi kita makontak kanina?"

"Iniwan ko ang cellphone ko dito, kaya hindi ko alam na tumawag kayo."

"Nasa unit ka pa ba?"

Inilipat nya ang kamay sa sentido at iyon naman ang minasahe.

Lalong tumitindi ang sakit ng ulo nya, dahil sa lakas ng boses ng ama.

"Nasa resort ako."

"Anong ginagawa mo dyan? Hindi ba naging maganda ang usapan nyo?" anang ama.

"It's just fine. Kahapon ay ibinenta nya sakin ang malaking porsyento ng shares of stock ng kumpanya. We came here to celebrate." ani echo.

Naging mapilit kasi ang babaeng anak ni Von Samaniego na sa resort mag-celebrate sa halip na sa hotel.

At dahil sa anumang hilingin nito ay nakahandang ibigay ng ama, they all ended up sa resort.

"That's good, son." puri ng ama.

"Talagang mana ka sakin pagdating sa galing sa mga business dealings."

"Thanks, Pa!"

"At hijo, kinontak kita dahil kailangan mong umuwi rito satin sa Laguna.

Mamamanhikan na tayo kina Pareng Henry dahil ihahanda na namin ang kasalan."

"Alam na ba ito ng kapatid ko?"

Saglit na natahimik ang linya.

"Nabanggit ko na noon pa, na sila ang napagkasunduan naming ipakasal, at.... tingin ko naman ay hindi na sya tatanggi."

"I hope so, Papa. Hindi magandang saka pa sya uurong kung kailan naiayos na ang lahat."

"Ofcourse, papayag sya. They would perfectly suit each other at maliliit pa lamang sila ay close na sila sa isa't-isa. How about you, son? Kailan kaya kita maihahanap ng babaeng..."

"Ako ang maghahanap ng babaeng pakakasalan ko, Pa." putol nya.

---

Ipinatong nya ang braso sa mata.

Pilit hinuhuli ang naabalang pagtulog.

Matagal syang nananatiling nakapikit nang makarinig sya ng munting ingay.

"Sinong--"

Naaninag nya ang isang babaeng nakasuot ng robang asul or was it black?

Nakatayo ito sa paanan nya at sa naaaninag nyang kislap ng ngipin nito ay batid nyang nakangiti ito sa kanya.

"Sino ka?"

Mahina itong tumawa at lumuhod sa kanyang paanan.

Nahila nya ang paa, nang masuyo sya nitong haplusin.

Tinungo nya ang switch ng ilaw at in-on.

Lumiwanag ang ilaw at nakilala nya ang babae.

"Danica?"

"Now you remember, Jericho. Akala ko ay nakalimutan mo na agad kung sino ako."

Hindi sya tanga para hindi maintindihan ang pakay ng babae.

Sa suot nitong robang manipis ay mababakas na ang panloob nito, larawan ng isang makapangyarihang tukso.

Lumapit si Danica at hinaplos ang malapad nyang dibdib.

Wala syang suot dahil naghubad sya bago matulog.

"Kanina pa sana ako pupunta dito, Jericho. Kaya lang hinintay ko munang makatulog ang mga kasama ko."

Lalo pa itong dumikit.

Hinaplos ang kanyang batok at hiningahan ang kanyang tenga.

"I want to be with you, Jericho. I really do."

Hinawakan ng binata ang dalawang kamay nito at marahang itinulak.

Lumayo sya nang ilang hakbang.

"Umalis ka na, Danica. Tiyak na hinahanap ka na ni Von."

"Tulog na tulog na sa kabilang cottage ang Papa, pero kahit na malaman nya ito ay hindi nya ikagagalit. He wanted you to be his son-in-law, hindi mo ba iyon alam?"

"Sinasabi mo bang plinano ng Papa mo ang pagpunta mo rito?"

"No! What i was trying to say was he would consent anuman ang gawin ko sa piling mo. He wanted us to be married someday."

"Well, i don't." matigas nyang pahayag.

"I have no intention of marrying and i want it to remain as it is. So if i were you ay aalis na ako sa cottage na ito ngayon din."

Lumarawan sa mukha ng babae ang labis na pagkabigla.

Hindi ito sanay na inaayawan ng lalaki.

At ito ang unang pagkakataon na nangyari iyon.

Hindi ito agad susuko.

"Kung ayaw mo ng commitment then it's just fine with me."

At gumuhit na naman sa mga labi nito ang mapanuksong ngiti.

"I want you, Jericho. And you can have me freely with no string attached..."

Itutuloy.

Chapter 1-B

Lalaki lang si Jericho at kahit paano ay naapektuhan sya ng panunukso ng babae.

Pinagpawisan sya nang malapot.

"Hold me, Jericho... Kiss me..."

Hinaplos ng babae ang tenga nya at hinalikan ang kanyang mga labi.

Hinawakan ang kanyang batok upang higit na diinan ang paglalapat ng kanilang mga labi.

"I want you, honey..." ani Danica.

Hindi sya gumanti.

Sa mga oras na iyon ay mas matindi ang pagnanais nyang matulog kaysa sa tawag ng laman.

Nais nyang ihiga ang nagsisimula na namang pagsakit ng ulo nya.

"I'm tired, Danica. Iwanan mo na ako at gusto ko nang muling matulog."

Tumalikod sya dito.

"You can't refuse me." anang babae.

"I already did!" ani echo.

Niyakap sya nito mula sa likuran nya.

"C'mon... Jericho! Let's share this wonderful moment together. I want to be with you."

Hinawakan nya ang kamay nito at inilayo.

Malalaki ang hakbang na lumabas sya ng cottage.

"JERICHO! Come back!"

Walang lingun-lingong tinahak ng binata ang kinaroroonan ng isang katiwala.

Sumakit ang ulo nya sa pagkakakalog.

"Damn! Hindi na ko kailanman iinom pa nang ganong karami. Pakiramdam ko ay may maliliit na martilyong pumupukpok sa aking ulo." anang nya sa sarili.

"Give me a key!" utos nya.

"Sir, naka-reserved na ho lahat ng cottage."

Nag-isang linya ang kilay nya.

"Is this resort not mine?"

"S-sa inyo nga, sir. Kaya lang--"

"Kailan ko pa kinailangang humingi ng permiso sa paggamit ng sarili kong resort?"

Kakamut-kamot ng ulong inabot ng tauhan ang isa sa mga susi.

"Eh.. sir, paano ho kung magalit ang nagpa-reserved?"

"Ibigay mo sa kanila ang reservation f*e nila at kung gusto naman nilang magdemanda, then kontakin na lang nila ang abogado ko. Anong cottage ito?"

"T-twenty seven ho, sir."

"Kung may maghahanap sakin, tell them that i'm indisposed and not to be disturbed. Kung itatanong naman nila kung nasaan ako, tell them i'm in hell."

Iyon lang at umalis na ang binata.

---

"Excuse me ho,"

Narinig ng katiwala.

Nalingunan nito ang isang grupo ng mga naggagandahan at nagtatangkarang babae.

"Ano po iyon, ma'am?"

"Kukunin na sana namin ang susi sa ipinareserved naming cottage."

Kinuha ng lalaki ang logbook.

"Ano pong pangalan?"

"Samantha Lopez."

"Number?"

"Twenty Seven."

Dahan-dahang nagtaas ng tingin ang lalaki.

Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo.

Nagtatakang nagkatinginan sila Samantha at ang mga kasama nito sa reaksyon ng lalaking kaharap.

"May problema ho ba?"

Ipinaliwanag nito ang cancellation ng reservation.

"Pero maghintay lang ho kayo ng konti dahil baka may umalis na ring turista."

---

"Come on, makisama ka naman." anas ni Angeline,

Nang hindi parin umandar ang tumirik nyang kotse.

Sandaling tumunog ang makina pero agad din iyong namatay.

Tumingin sya sa relong pambisig at nalaman nyang mag-a-alas-onse na nang gabi.

Malamang ay nakarating na sila Samantha sa Batangas.

Inalok na sya ng mga itong sumabay pero pinauna na nya, dahil kailangan pa nyang tapusin ang ilang commercials para sa beauty products na ilalabas ng bagong kumpanyang binuksan ni Badeth Gonzales.

"Ano ngayon ang gagawin nya?"

Hinila ng dalaga palabas ang malaking backpack at asul na salbabida.

Kinapa nya sa bulsa ng bag ang kanyang cellphone at muli syang nairita nang malamang nakalimutan nya ito sa bahay.

Nasuklay nya ng kamay ang nagulong buhok at sinimulang maglakad-lakad upang humanap ng mauupahang taksi.

Namimitig na ang mga paa nya sa kahihintay nang matanaw nya ang parating na taksi.

Pinara nya iyon.

"Pwede ka ba hanggang Batangas?"

Nagmamadali syang sumakay nang tumango ang matandang driver.

---

Muling kinontak ni Samantha sa cellphone si Angeline.

Nabigyan na sila ng cottage na malayo-layo sa kanilang ipina-reserved.

At iyon ang ipapaalam nila kay Angeline, na hindi na twenty seven kundi fifty four na ang iookupa nilang cottage.

"Bakit kaya walang sumasagot?" tanong nyang nagtataka.

Ini-off na ni Samantha ang cellphone.

Itutuloy…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maling Akala   Special chapter 3

    SPECIAL CHAPTER 3 “Mine. In Every Lifetime.” Umulan nang gabing iyon. Hindi malakas. Hindi marahas. Parang ang langit ay marahang nagpapaalala na may mga kwentong hindi kailangang sumigaw para marinig. Sa loob ng master’s bedroom ng Calderon Mansion, nakatayo si Angeline sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng silk robe, basa pa ang kanyang buhok mula sa paliligo. Sa repleksyon niya, nakita niya ang lalaking nakasandal sa pintuan. Nakatitig. Tahimik. Mapanganib. “Jericho,” mahina niyang sabi, “stop staring at me like that.” “Like what?” “Like you’re about to do something illegal.” Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “You’re my wife. Nothing I do to you is illegal.” Namula siya. “The kids are still awake.” “Not for long.” Lumapit ito. Mabagal. Sigurado. Every step felt deliberate. Every breath between them felt heavy. “You know,” bulong ni Jericho habang hinahawi ang buhok niya sa isang balikat, “you still look at me the same way.” “How?” “Like I’m

  • Maling Akala   Special chapter 2

    SPECIAL CHAPTER 2 “The Promise We Keep” Labing-isang taon ang lumipas. Ang dating malawak na hardin na minsang tinakbuhan ng maliliit na paa ay mas naging buhay. May mga bisikleta sa gilid, may bola sa damuhan, at may isang maliit na kubo sa sulok na ginawa mismo ni Jericho para sa kanilang mga anak. Sa veranda, nakaupo si Angeline habang pinapanood ang apat nilang anak. Si Marcus, ang panganay, seryoso at tahimik—halatang anak ng kanyang ama. Si Matteo, masayahin ngunit protective sa kanyang mga kapatid. Si Mira, mahinhin ngunit matapang kapag kinakailangan. At si Eliana, ang bunso—ang prinsesa ng buong bahay. “Papa! Marcus pushed me!” sigaw ni Eliana habang tumatakbo papunta sa veranda. “Because she took my notebook!” depensa ng kuya nito. Napailing si Angeline. “Stop running, you’ll trip—” Ngunit huli na. Bahagyang nadapa si Eliana, at bago pa man siya tuluyang umiyak— Naroon na si Jericho. Mabilis. Maingat. Determinado. Binuhat niya ang bunso at sinuri ang tuhod ni

  • Maling Akala   Special chapter 1

    SPECIAL CHAPTER 1 “The First Night Home” Tahimik ang buong bahay. Isang linggo pa lamang mula nang maiuwi nila ang kanilang panganay, ngunit para kay Angeline ay parang nagbago na ang buong mundo. Alas-dos ng madaling araw. Nagising siya sa mahinang iyak ng sanggol. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Jericho. Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo, isang kamay ang marahang humawak sa kanyang pulso. “Where do you think you’re going, Mrs. Calderon?” paos na bulong ni Jericho, kalahating dilat ang mga mata. Ngumiti si Angeline. “The baby’s crying.” “I’ll get him.” Napakunot ang noo niya. “Jericho, you have a meeting tomorrow.” “And I have a son tonight.” Walang pag-aalinlangang bumangon ang lalaki at tinungo ang nursery. Tahimik na sumunod si Angeline at sumandal sa pintuan, pinagmamasdan ang eksenang hindi niya akalaing makikita noon—si Jericho Calderon, ang lalaking kinatatakutan ng marami, ay marahang buhat ang isang maliit na sanggol. “H

  • Maling Akala   Finale Epilogue

    Humakbang palapit si Jericho. Mabagal. Parang bawat hakbang ay may dalang bigat ng mga taon na inaksaya nila sa pag-iwas sa isa’t isa. Itinaas ni Angeline ang kanyang mukha. Sa mga mata nito ay naroon ang lahat—ang sakit, ang pagkalito, ang mga gabing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit higit sa lahat, naroon ang pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. “Nang marinig ko sa mismong bibig ni Dylan ang katotohanan… I was shocked,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Jericho. “You could have been mine all along. Wala nang sagabal. Pero nang dumating na ang sandaling iyon, halos hindi naman ako makapaniwala.” Napasinghap si Angeline. “It was too good to be true,” patuloy niya. “Parang panaginip. I was scared to move, scared to speak… takot akong maglaho ang lahat kapag sinubukan kong hawakan.” Lumapit pa siya. Isang hakbang na lang ang pagitan nila. “I didn’t know how to start. I didn’t know how to tell you how much I love you.” Marahang hinaplos ni Jericho ang pisngi ni Angeline. Parang

  • Maling Akala   Chapter 20

    CHAPTER 20-A "Yes, now you're right. Kilala mo pa rin pala ang boses ko, ano? Angeline. Akala ko'y kinalimutan mo na ako matapos mong sirain ang plano ko, kaya nga naririto ako ngayon eh, to say hello!" "Ako lang ang kailangan mo, Robert. Pakawalan mo na lang si Ayu." aniyang pilit na itinatago ang takot na nadarama. Nabasa na nang luha ang kanyang dibdib, nang yakap-yakap na si Ayu. "I think it's too late now, Angeline." May himig pagpapaumanhin pa ang tinig nang lalaki. Batid niyang pinaglalaruan lang siya nito. Dahit nakangiti pa rin ito, at lalo pang ipinagdiinan ang dulo nang baril sa sentido niya. "Kailangan ko na rin siyang isama sayo, dahil baka isuplong niya pa ako." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Ayu, nang mapahagulgol na ito sa sobra-sobrang takot at tensyon. "Please, Robert...." pakiusap ni Angeline sa lalaking nasa harap. "Ssshhh..." Tinakpan nito nang isang daliri ang labi. "Huwag kang masyadong maingay. Mabuti pa, lumakad ka na lan

  • Maling Akala   Chapter 19

    CHAPTER 19-A "Natakot akong sabihin noon ang totoo dahil alam kong kamumuhian ninyo ako, Papa." Kumuyom ang palad ni Jhune. Humakbang palapit si Dylan at inilahad ang sarili. "Suntukin mo ako, Papa." anas nito. "Gawin mo..." Napahingal sa galit ang matandang lalaki. Matagal itong natahimik at nanatili lang nakatingin sa anak. Pinagpapawisan na si Angeline sa matinding tensyon. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip nang matandang lalaki pero hindi niya iyon mabasa sa blangko nitong ekspresyon. Ang tangi lang indikasyon nang tinitimpi nitong emosyon ay ang sunud-sunod nitong paghingal at pagkuyom ng kamao. Lalo lang siyang kinabahan nang itaas ni Jhune ang kamay. "Anak ko," anas ni Jhune nang mahigpit na yakapin ang anak. Mariin nitong naipikit ang mga mata. "Anak ko... Bakit hindi mo ipinagtapat agad sa akin?" At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Dylan. "Papa..." Hindi makapaniwala si Dylan sa reaksyon ng ama, bigla itong napahagulgol. "S-salamat, Pap

  • Maling Akala   Chapter 11- B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 13

    Chapter 13 (Part1) "Oh pano, payag ka na ba uling mag-model nang mga damit ko?" Baling nang biyuda kay Angeline. "Saka na lang ho pagbalik ko. A-attend pa ho kasi ako ng birthday party nang papa ni Dylan next week." "Ang totoo nga ho niyan, magpapatahi po ako sa inyo nang damit." anang dalaga.

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter - B

    CHAPTER 11-B "Pero alam... mo, Dylan. Lalo lang siyang nahihirapan sa pag-iwas mo ngayon. You owe her an explanation... Kahit kasinungalingan lang." ani Angeline. Nagtaas nang tingin ang binata, subalit muli ring napayuko at walang kibong ipinagpatuloy ang pagkain. --- Hindi na inasahan pa ni A

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Maling Akala   Chapter 10

    CHAPTER 10 "Nakalimutan ko palang bumili ng face powder." ani Danica sa malambing na boses. "Ha? Akala ko ba kanina kumpleto na ang mga pinamili natin?" "Jericho naman... You can't expect me to remember everything naman, ano. Ang dami-daming tao sa bayan, at init na init ako sa sikip." Nasagi o

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status