“Saang lugar sila naroon?” tanong ni Alexander sa katulong, mas mababa na ang boses ngunit mas mabigat. Napaatras nang bahagya ang yaya, halatang nabigla sa tono niya. “P-privacy po nilang mag-asawa ’yon, Sir,” sagot nito, kinakabahan. “Kaya bawal pong ipaalam kung saan po sila nag honeymoon…” Isang iglap—nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Ang pormal na anyo niya ay napalitan ng matinding galit. Kumunot ang kanyang noo. “Hindi ako iba!” bigla niyang singhal, dahilan upang mapaatras ang yaya. “Ako ang tunay niyang asawa—at hindi ang boss mo!” Napasinghap ang yaya, napahawak sa dibdib sa gulat. “H-Huh?!” nanginginig nitong sambit. At sa sumunod na segundo— “G-guard!” sigaw nito, halos mapatid ang boses sa takot. Mabilis na umalingawngaw ang yabag ng paa sa loob ng mansyon. Dalawang security guard ang agad na lumapit, matitigas ang mukha, handang kumilos anumang oras. Humarang sila sa pagitan ni Alexander at ng pintuan, tila mga pader na hindi basta matitinag. “Si
Read more