تسجيل الدخول“Nakahanda na po ang lahat Madam Theariza. Aalis na po ba tayo?” tanong ng Montellana Guard, bahagyang kinakabahan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Huminga nang malalim si Theariza, ngunit hindi nito napawi ang kakaibang sikip na bumabalot sa kanyang dibdib. Marahan siyang tumango, pinipilit maging kalmado kahit tila may unos na unti-unting nabubuo sa loob niya. “Yes, para naman maaga tayong makarating sa Holding's Company!” sagot niya, nakahanda na rin ba ang lahat ng mga tauhan?” Saglit na nag-alangan ang guwardiya, tila may gustong sabihin ngunit natatakot.Yes madam… “Pero Madam… meron lang akong mahalagang bagay na natuklasan at kailangan niyo itong malaman,” dagdag niya, mas mababa ang boses, halos pabulong. Unti-unting kumunot ang noo ni Theariza. May kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema. “Ano ’yon?” tanong niya, mas naging malamig at mabigat ang kanyang tono. “Nabalitaan ko po na ang Rereio Holdings Company ay dating pagmamayari pala ng inyong tu
“Kinabukasan, maagang umalis si Alexander, kasama ang ilang mga tauhan ni Master Rereio upang protektahan siya, dahil isa na siyang bahagi ng Rereio Holding Company. “Uhmmmmm! Hindi ko na kailangang sundin ang sinasabi ni Master Rereio. Dahil kahit bali-baliktarin pa niya ang mundo, ako na ang may-ari ng Holdings Company!” bulong ni Alexander sa sarili, habang may bahid ng malamig na ngiti ang kanyang mga labi. Sabay kumpas ng kanyang kamay upang palapitin ang kanyang mga tauhan. “Alam niyo na ang gagawin kay Rereio!” malamig ngunit matigas ang kanyang tinig. Balak ni Alexander na wakasan na rin ang buhay ni Rereio, dahil sa kanyang paningin ay wala na itong halaga. “Masusunod po, Master!” sabay-sabay na sagot ng kanyang mga tauhan, puno ng takot ngunit may halong katapatan. Samantala, sa ospital kung saan naroon si Theariza—na kagigising lamang mula sa mahabang pagkaka-coma—ay nagpasya siyang lumabas at asikasuhin ang mga bagay na napabayaan ni Darryl dahil sa nangyari sa kan
“DOC! Sa kabilang kwarto, naghihingalo si Sir Darryl!” sigaw ng nurse, bakas ang matinding takot at pagmamadali sa kanyang boses habang halos hindi na ito makahinga sa kakatakbo. D-Darryl? B-buhay si Darryl? Gusto kong puntahan si Darryl! nanginginig na wika ni Theariza, tila hindi makapaniwala, sabay pilit na tumayo kahit nanghihina ang kanyang katawan. “Mommy, magpahinga na lang po kayo. Hindi tayo iiwan ni Daddy. Si Daddy Darryl, alam kong hindi niya tayo iiwan!” saad ni Thearonna, pinipigilan ang sariling luha habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng kanyang ina. “A-anak koooo!” sambit lang niya, halos mawalan ng lakas, saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kararating lang na si Secretary Susan, na may seryoso at mabigat na ekspresyon sa mukha. Kasalanan nilang lahat ito! Kasalanan nilang lahat ito! sambit niya, nag-aalab ang galit at poot na matagal nang kinikimkim. “Anong gusto mong gawin sa kanila, Madam Theariza?” tanong ni Secretary Susan, mahinahon ngunit may big
Habang nag-uusap sina Theariza at Darryl, isang tinig ang biglang kumawala—mahina ngunit malinaw, tila sumisingit mula sa kawalan—na narinig ni Theariza. Napahinto siya, nanlamig ang buong katawan, at tila may kumurot sa kanyang puso. “Mommy! Gumising ka na? I miss you so much!” “Huh…” nanginginig ang kanyang tinig. Napatingin siya kay Darryl, bakas ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata. “N-narinig mo ba ’yon, Honey?” tanong niya, halos pabulong, na para bang natatakot siyang marinig muli ang tinig. Ngunit sa halip na sumagot, biglang nagbago ang anyo ni Darryl. Ang kanina’y kalmado at mapagmahal nitong mukha ay napalitan ng kakaibang lungkot at pag-aalala. Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata, tila may tinatagong katotohanan na pilit niyang ipinagkakait. “Honey… oras na para bumalik ka sa mundo mo,” mahina ngunit mabigat niyang wika, na parang bawat salita ay may kasamang sakit. “Hinihintay ka ng anak natin.” “A-anong ibig mong sabihin?” halos hindi makahinga si The
“Bakit gabi-gabi na lang akong binabangungot…?” halos pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Alexander habang hawak ang kanyang ulo. “Sino ba ang babaeng ’yon? Bakit malabo ang mukha niya… pero ’yung bata—sobrang linaw. Para bang kilalang-kilala ko siya. Ang ganda ng ngiti niya… pero bakit may lungkot? Hindi naman si Elina ’yon… hindi ba?” “Mahal…” marahang lumapit si Althea, hinawakan ang malamig na kamay ni Alexander. Ramdam niya ang panginginig nito. “Ano bang problema? Bakit tuwing umaga na lang, hinihingal kang nagigising? Parang… parang may humahabol sa’yo. Parang tinatakasan mo ang kamatayan sa panaginip mo.” Nag-aalala ang kanyang mga mata, ngunit may bahid din ng takot—takot na baka may mas malalim pang dahilan ang lahat. “Hindi ko rin alam…” napapikit si Alexander, tila pilit inaalala ang bawat detalye. “Lagi ko silang napapanaginipan… isang mag-ina. Nakatayo sila sa di kalayuan, nakatingin sa akin… parang may gustong ipaalala. Tapos may tinig… boses ng babae… malamig, g
“Ngayon lang ako kinabahan nang ganito…” mahinang bulong ni Theariza, habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Darryl. Bawat pintig ng puso niya ay tila sumasabay sa init na unti-unting bumabalot sa kanilang dalawa. “Pwede na ba kitang halikan?” marahang tanong ni Darryl, ang boses ay halos pabulong ngunit punong-puno ng pagnanais. Hindi na sumagot si Theariza. Sa halip, siya na ang kusang humila kay Darryl palapit. Bahagya pa siyang tumingkayad, sapat lang para magtagpo ang kanilang mga labi sa isang halik na puno ng damdamin. “I love you, Darryl… umpisahan na natin ito,” sambit niya, halos kapos ang hininga. Sandali siyang kumalas sa pagkakayakap, at dahan-dahang hinubad ang kanyang suot—parang hinuhubad din ang lahat ng alinlangan sa kanyang puso. Napapikit siya saglit. Ano itong nararamdaman ko…? Para bang ngayon ko lang tunay na naranasan ito… “I’m hot now… honey. Hindi na ako makapaghintay pa,” paos na sabi ni Darryl. Maingat niya itong binuhat, parang isang bagay
Tuluyan nang kinaladkad ng mga bodyguard si Amarra palayo habang patuloy itong umiiyak at sumisigaw. “Ibabalik ko ang hustisya para sa kanya! Naririnig niyo ba ako?!” Ngunit isa-isang nagsara ang mga pinto sa mahabang hallway ng mansion hanggang sa tuluyang mawala ang kanyang boses. Sa loob n
“Tama na ang bangayan na ’yan.” kalmadong utos ni Madam Alicia. Agad na napatingin ang lahat sa pinagmulan ng boses. Nakatayo siya sa pinto, tuwid ang likod at malamig ang titig sa mga anak niyang nag-aaway, ngunit ang presensya niya ay sapat upang patahimikin ang buong kwarto. “Nurse Alma, lag
Mabigat ang paghinga ni Alexander nang tuluyan siyang makarating sa loob ng madilim na bodega. Kumakalansing pa ang mga susi sa kanyang bulsa habang mariin niyang itinulak ang pintuan. Pagpasok pa lang niya ay agad niyang nakita ang kaguluhan. Si Amarra ay desperadong nakikipagtulakan kay Nurse A
“Maawa ka sa akin… tulungan mo akong gumaling… nakikiusap ako sa’yo…” Halos hindi na marinig ang boses ni Theariza. Putol-putol ang kanyang paghinga habang nanginginig ang kanyang mga labi. Halos wala na siyang lakas habang nakahiga sa malamig na bodega. Ang mga mata niya ay namumuo sa luha hab







