“Tulungan na kita, best. Gutom na kasi talaga ako,” masiglang saad ni Althea habang papalapit kay Theariza. “Ganito pala ang pakiramdam kapag buntis… grabe, nakaka-excite pala, best.” May halong tuwa ang kanyang boses habang marahang hinahaplos ang sariling tiyan, na para bang ipinapakita kung gaano niya pinahahalagahan ang buhay na nasa sinapupunan niya. Ngunit si Theariza ay agad na napailing. “Maupo ka na lang diyan, best,” mabilis niyang sagot habang patuloy sa paghihiwa ng mga gulay. “Ako na ang magluluto. Promise, saglit na lang ito.” Bahagyang ngumiti si Althea at nagkunwaring sumusuko. “Okay, sabi mo ’yan ah, best,” sagot niya habang marahang umuupo sa kitchen set table. “Iinom na lang ako ng tubig… nauuhaw na rin kasi ako.” Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa refrigerator. Maingat niyang binuksan iyon at kumuha ng malamig na tubig. Samantala, sa sala… “Nasan na si Althea?” malakas na bigkas ni Mrs. Alicia habang palinga-linga sa paligi
Mehr lesen