Napahawak sa si Althea sa laylayan ng kanyang damit, wala siyang magawa kundi sundin ang utos ni Amarra. Habang nakasunod kay Amarra, “kung wala lang ang mama mo baka kanina pa kita sinabunutan,pero hindi pa pwede ngayon. Wala pa akong karapatang hindi pa ganap ang pagiging asawa ko,pero buntis na ako at si Alexander talaga ang ama!” bulong ng isip niya.Si Amarra naman habang naglalakad;“Buntis si Ate Theariza… at walang kaalam-alam si Kuya,” mahina ngunit mabigat na bulong ni Amarra sa sarili habang naglalakad papunta sa kanyang silid.Huminto siya sandali sa gitna ng hallway, tila nag-iisip.“At isa pa… bakit ganoon na lang ang takot ni Ate kay Kuya?” bulong niya muli, kumunot ang noo habang naaalala ang huling pag-uusap nila sa telepono.Muling umalingawngaw sa isip niya ang boses ni Theariza.“Amarra… tandaan mo ang sasabihin ko,” mahina ngunit seryosong sabi ni Theariza. “Kapag nawala ako bigla sa mansion… isa lang ang ibig sabihin nun—”“AMARRA!”Naputol ang kanyang pag-iisip
Magbasa pa