Sa labas ng mansion kausap ni Mrs. Montale ang anak niya sa pangalawang asawa—si Harvey Montale, na isa na ring binatang lalaki ngayon. “Mama, kumusta kayo diyan? Nahanap niyo ba si Ate Theariza?” tanong niya sa kabilang linya, may bahagyang pag-aalala sa tinig. “Yes, anak ko… kaya mamaya na tayo mag-usap, okay? Kakausapin ko pa ang ate mo bago ako umuwi,” mahinahong sagot ni Mrs. Montale kahit may bigat ang kanyang dibdib. Tahimik na tumango si Harvey sa kabilang linya bago nila tuluyang ibinaba ang tawag. Habang papasok si Mrs. Montale sa mansion, bigla niyang narinig ang nagmamadaling boses ni Alexander. “Nasaan siya? Mama, dadalhin ko siya sa hospital! Baka kung mapaano siya!” malamig ngunit puno ng tensyon ang kanyang tinig. “Pero sweetheart… nandito si Mama, bakit mo kami iiwan?” malungkot na sabi ni Althea habang pilit siyang pinipigilan. “Mama… kung ayaw mo akong umalis, gawin mo na ang gusto kong gawin!” mariing sagot ni Alexander. Napabuntong-hininga si Mrs. A
Mehr lesen