“Let’s go, honey!” saad ni Alexander habang mariing hinila ang bewang ni Theariza palapit sa kanya. “Aughh!” napasinghap si Theariza sa biglaang paghila, ngunit agad ding napalitan iyon ng isang malambing na ngiti. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha upang titigan ang asawa. “Na-miss mo ba ako, honey?” malambing niyang bulong habang unti-unting lumalapit ang kanyang mga labi sa labi ni Alexander. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha, at ramdam ni Alexander ang mainit na hininga ng babae na dumadampi sa kanyang balat. Sa mga sandaling iyon, tila bumilis ang tibok ng puso ni Alexander. Ngunit hindi nakapagpigil si Alexander. Sa isang mabilis na galaw, hinawakan niya ang braso ni Theariza upang pigilan ang paglapit ng mga labi nito sa kanya. Sandali siyang napapikit, parang pilit kinokontrol ang sarili. Pagkatapos ay mabilis niyang inalis ang kanyang saplot. Sa isang iglap, binuhat niya ang hubad na katawan ni Theariza—na bahagyang napasinghap sa ginawa niya—at mah
Mehr lesen