“Bakit sa bodega ninyo dadalhin ang asawa ni Kuya?!” sigaw ni Amarra. Halatang nagngingitngit sa galit ang dalaga, nanginginig ang kanyang boses habang matalim ang titig sa mga guard na nakapaligid sa kanila ni Theariza. Halos sumikip ang dibdib niya sa nakikitang sitwasyon. “Kuya… wala ba tayong magagawa? Tatayo ka lang ba diyan?!” dagdag pa niya, halos pumutok ang boses sa desperasyon. Sa sandaling iyon, biglang napakapit si Theariza sa damit ni Amarra, nagkaroon siya ng kunting lakas para hawakan ang damit ni Amarra. Mahina ngunit desperado ang kapit nito, na para bang iyon na lamang ang natitirang lakas sa kanyang katawan. Halos itago pa niya ang mukha sa balikat ni Amarra, tila takot na takot sa kung anong mangyayari. Napalingon si Amarra at agad siyang napayakap sa dalaga upang hindi ito tuluyang mawalan ng balanse. “Ate… okay ka lang ba?” tanong niya agad, puno ng kaba at pangamba ang boses. Ngunit bago pa man makasagot si Theariza, mabilis na kumilos ang mga tauhan ni
Mehr lesen