“Beeep! Beeep! Beeep!” Malakas na busina mula sa labas ng bahay nina Theariza ang bumasag sa katahimikan ng umaga. “Mommy! Si Daddy Darryl!” sigaw ni Thearonna, sabay takbo sa maliit nilang bintana para sumilip. Napangiti si Theariza habang nagmamadaling ayusin ang damit sa harap ng salamin. “Sandali lang, anak! Nagpapalit lang ako,” sagot niya. Humarap siya sa salamin at sandaling napahinto. Tinitigan ang sarili. “Parang… tumaba ata ako nang husto, anak. Hindi na kasya yung mga dati kong panlakad,” wika niya, may halong pag-aalinlangan. “Okay lang ‘yan, Mommy,” mabilis na tugon ni Thearonna mula sa bintana. “Maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka na!” Napangiti si Theariza, ngunit napailing. Mula sa labas, sumabat si Darryl: “Tama si Baby Ronna,” biro niya. “You still look beautiful kahit medyo nagbago ka na.” Napatawa si Theariza nang bahagya, kahit aminado siyang marami nang nagbago sa kanya. Matapos niyang ipanganak si Thearonna, napunta na lahat ng atensyon niya sa ana
Magbasa pa