Lalong lumakas ang iyak ni Elina, halos hindi na mapigilan ang kanyang paghagulgol habang yakap-yakap ang wasak na teddy bear. “Sinungaling ka, yaya!” sigaw niya, sabay turo sa yaya. “Ikaw ang sumira! Ikaw!” Napapikit si Mrs. Montale sandali, tila pinipigilan ang galit na unti-unting kumukulo sa kanyang dibdib. “Enough.” mariin niyang saad. Napatigil sa pag-iyak si Elina, ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nito. Ikinalingon ni Mrs. Montale ang kanyang tingin sa yaya—matigas, mabigat, at walang bahid ng pagdududa. “Ikaw,” malamig niyang wika, “paano mo nagawang sirain ang teddy bear ng aking apo?”alam mo bang mas mahal pa yan sa buhay mo!” Nanlaki ang mga mata ng yaya, agad na napaluhod sa sahig. “Madam, hindi ko po ginawa ’yon! Maawa po kayo… hindi ko po sinira ang Bear niya, si Señiorita Elina—” “Tumahimik ka!” putol ni Mrs. Montale, mas lalong tumaas ang boses. “Narinig mo ang sinabi ng bata!” “Pero Madam—” “Wala na akong gustong marinig pa!” Dahan-da
Read more