“Mama, kanina pa po ba kayo diyan? N-narinig niyo po ba ang mga sinabi ko?” gulat at bahagyang nanginginig na tanong ni Althea habang dahan-dahan siyang lumingon. Napakunot ang noo ni Mrs. Montale, halatang nagtataka sa reaksyon ng anak. “Anong sinasabi mo, anak? Hinanap kita dahil bigla ka na lang nawala. Nag-alala ako sa’yo.” Bahagyang natigilan si Althea. Para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib, ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang kaba. “Ahh… ganon po ba, Mama… k-kinausap ko lang po si Alexander,” mabilis niyang sagot, pilit itinatago ang anumang emosyon na maaaring magbunyag ng kanyang iniisip. “Ganun ba?” sagot ni Mrs. Montale, ngunit hindi pa rin nawawala ang bahagyang pagdududa sa kanyang mga mata. Ngunit bago pa man siya makapagtanong muli, napalingon siya kay Elina na tahimik lamang na nakatayo sa gilid, yakap-yakap ang isang napakalaking teddy bear. “Oh anak, nabili mo rin yang big teddy bear?” tanong niya, bahagyang ngumiti habang tinitingnan ang anak. “
Read more