Celeste Reyes POV Tatlong araw matapos ang panganganak, sa wakas ay pinayagan na rin kaming makauwi. Pero imbes na sa maliit na cabin kami dumiretso, ipinilit ni Iñigo na sa main house na kami mamalagi. Sabi niya, mas madali raw kumilos doon dahil malapit ang kusina at mas malawak ang espasyo para sa mga gamit ni Lucas. Maingat na ipinarada ni Iñigo ang truck sa tapat ng porch. Agad na bumaba si Mateo para pagbuksan kami ng pinto. "Dahan-dahan, Maria. Iñigo, 'yung baby carrier, hawakan mo nang maigi." "I got him, Mateo. Relax," sagot ni Iñigo, pero bakas sa boses niya na mas kabado pa siya kaysa sa akin. Maingat niyang binuhat si Lucas na mahimbing na natutulog, habang inaalayan naman ako ni Mateo sa kabilang braso. Pagpasok namin sa main house, sumalubong sa amin ang amoy ng sariwang lavender at bagong luto na sabaw. Malinis na malinis ang sala, at ang dating tahimik na bahay ay tila nagkaroon ng bagong buhay. "Doon muna kayo sa sofa, Celeste. Kukuha lang ako ng unan para sa liko
Read more