Iñigo Samonte POVAlas-singko ng hapon, nakaupo ako sa tapat ng opisina ko sa farm—na dati ay isang lumang bodega lang pero ngayon ay may maayos na glass windows at wooden desk. Nakatitig ako sa financial report ng Reyes-Samonte Agricultural Cooperative. Sa darating na buwan, opisyal na kaming mag-e-export ng aming mga organic na produkto sa tatlong bansa sa Asya. Ang dating maliit at naghihingalong farm, ngayon ay isa na sa pinakamalaking supplier at nagbibigay ng trabaho sa mahigit tatlong daang pamilya rito sa Isla Moretti.Napangiti ako nang bahagya habang isinasara ang laptop. Kung makikita ako ng mga dati kong business partners sa Makati na naka-linen shirt na nakatupi ang manggas, khaki shorts, at leather sandals habang seryosong nagpapatakbo ng isang farm, baka isipin nilang nabaliw na ako. Dati, bawat desisyon ko ay nakabase sa kung magkano ang kikitain ng Samonte Group sa bawat quarter. Ngayon, bawat pirma ko sa kontrata, ang iniisip ko ay kung sapat ba ang magiging pondo pa
อ่านเพิ่มเติม