Celeste Reyes POV Tahimik ang bahay pagkaalis ni Iñigo. Kahit andiyan si Mateo na abala sa pagpapakulo ng barako sa kusina, ramdam ko ang biglang paglaki ng espasyo sa sala. Parang kailan lang, ang reklamo ko ay ang pagsakop niya sa sofa gamit ang kanyang mga agricultural manual, pero ngayon, ang tanging naiwan na lang doon ay ang ballpen na nakalimutan niya sa ibabaw ng side table. "Maria, kape o? Mukhang malalim ang iniisip mo," untag ni Mateo habang inilalapag ang usok-usok pang mug sa harap ko. "Salamat, Mateo. Iniisip ko lang kung nakarating na kaya sila sa ospital. Sabi ni Sandra, malala raw ang traffic dahil sa ulan sa Manila," sagot ko, sabay dampot sa phone ko para i-check kung may text. Wala pa rin. "Malakas ang loob nung matandang 'yun, si Don Manuel. Hindi 'yun basta-basta bibigay. At tsaka, nandoon na si Iñigo. Alam mo naman 'yun, kapag nandoon na sa teritoryo niya, parang leon uli kung umasta," biro ni Mateo para pagaanin ang loob ko. Tumango ako, pero hindi ko maal
Read more