Celeste Reyes POV Ang puting kisame ng delivery room ang tanging nakikita ko habang naririnig ang paulit-ulit na utos ng doktor. "Inhale, exhale, Celeste. Isa pa, malapit na!" Nararamdaman ko ang pawis na namumuo sa noo ko at ang hapdi ng bawat contraction, pero ang pinakamahalagang bagay na nagpapanatili sa akin ay ang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin. Si Iñigo. Kanina pa siya rito, suot ang hospital gown at hairnet, at kahit mukhang mas maputla pa siya kaysa sa akin sa kaba, hindi siya bumibitaw. "You can do this, Celeste. Nandito lang ako. I'm not going anywhere," bulong ni Iñigo, ang boses niya ay medyo gumaralgal pero puno ng determinasyon. Sa huling malakas na pag-iri, tila huminto ang mundo. At pagkatapos, isang malakas na iyak ang bumasag sa katahimikan ng kwarto. Isang iyak na puno ng buhay. "Congratulations! It’s a healthy baby boy!" anunsyo ng doktor. Naramdaman ko ang pagluwag ng dibdib ko. Unti-unting inilapag ng nurse ang maliit, mapula, at umiiyak na sanggol
Read more