Celeste Reyes POV Walang kumikibo sa amin sa buong byahe pauwi. Nakatingin lang ako sa bintana habang dumadaan kami sa mga ilaw sa kalsada. Ramdam ko na tinitignan ako ni Iñigo habang nagmamaneho siya, pero hindi ko siya nililingon. Pagod na ako sa huling pag-aaway namin sa ospital, wala na akong lakas para makipag-usap pa sa kanya. Pagpasok ng kotse sa gate ng mansyon, mas lalo lang akong tinamad bumaba. Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na 'to, pero heto ako, kailangang bumalik dahil sa 90-day rule na 'yan. "Celeste," tawag ni Iñigo pagkaparada ng sasakyan. Hindi ko siya sinagot. Binuksan ko agad ang pinto at bumaba. Pagpasok namin sa mansyon, sinalubong kami ni Manang Ising. "Ma'am, Sir, buti naman at nakauwi na kayo. May mga tumatawag po sa landline kanina pa, mga reporters daw—" "Huwag niyo nang sagutin, Manang," putol ni Iñigo. "Ihatid niyo na lang ang pagkain ni Celeste sa kwarto. Doon na siya kakain." "Sa kwarto?" lumingon ako sa kanya. "Bakit doon?" "May mg
Read more