Celeste Reyes POV Nagising ako sa amoy ng bawang na ginigisa at pinritong tinapa. Isang pamilyar na amoy na madalas kong maranasan sa probinsya, pero may kakaiba ngayon—may naririnig akong boses ng lalaki na nagtatalo sa kusina. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Iñigo na naka-apron pa sa ibabaw ng kanyang t-shirt, hawak ang isang sandok habang seryosong pinapanood ang pagsasalin ni Mateo ng kape. "Sir, sabi ko sa'yo, huwag mong masyadong lakasan ang apoy. Masusunog 'yung bawang, papait 'yung sinangag," saway ni Mateo. "I’m trying, Mateo. Hindi ko lang akalain na kailangan ng ganitong klaseng timing sa kanin," sagot ni Iñigo, habang maingat na hinahalo ang kanin sa kawali. Napasandal ako sa hamba ng pinto, pinapanood silang dalawa. "Anong gulo 'to? Akala ko ba guest ka rito, Iñigo? Bakit ikaw ang nagluluto?" Lumingon si Iñigo at ngumiti, kahit may kaunting uling sa pisngi niya. "Good morning. Naisip ko lang na bumawi. You’ve been taking care of everything lately. I wanted to...
Read more