Celeste Reyes POV Maaga pa lang ay maingay na sa loob ng master bedroom. Hindi galing sa amin ni Iñigo ang ingay, kundi sa mga tauhan na inutusan niyang ayusin ang isang bakanteng sulok ng kwarto para maging pansamantala kong "office." Naupo ako sa gilid ng kama habang pinapanood ko ang dalawang lalaki na naglalagay ng isang glass desk. Si Iñigo naman ay nakatayo malapit sa bintana, may hawak na tasa ng kape, at seryosong nagbabasa ng kung ano sa kanyang tablet. "Iñigo, hindi ba pwedeng sa kabilang kwarto na lang 'yung study ko? Masyado nang masikip dito," sabi ko habang tinitignan ang pwesto ko na halos katabi lang ng mini-bar niya. Ibinaba ni Iñigo ang kanyang tablet at tumingin sa akin. "I told you, Celeste. Para ito sa image natin. Investors will be visiting the house more often starting today. Gusto ko, pagpasok nila rito, makikita nilang we share everything. Space, work, and life." "Pero ang usapan natin kagabi, business ko 'to. Bakit parang pati display ng desk ko, ikaw pa
Read more