Celeste Reyes POV Alas-singko ng hapon, nasa loob na kami ng sasakyan papuntang NAIA. Mahigpit ang hawak ni Iñigo sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya, habang ako naman, halos hindi makahinga dahil sa kapal ng envelope na nakasuksok sa bewang ko, sa ilalim ng hoodie ko. "Bakit pawis na pawis ang kamay mo?" tanong niya. Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. "Kinakabahan lang ako sa flight. Hindi ako sanay sa mahabang byahe," palusot ko sabay bawi ng kamay para magpunas sa leggings. "Nandoon naman ako. Huwag kang mag-alala," sabi niya sabay hila sa akin para isandal ang ulo ko sa balikat niya. "Pagdating natin sa Singapore, diretso tayo sa hotel. Magugustuhan mo ang view doon." "Sana nga," bulong ko. Sa isip ko, Sana lang hindi mo ako mahuli. Pagbaba sa departure area, apat na bodyguard agad ang pumaligid sa amin. Para akong preso na itinatago sa publiko. Napakaraming tao sa terminal—mga pamilyang nagpapaalam, mga OFW, at mga turistang nagmamadali. Ito ang tanging pagkaka
Read more