“I WANT you to divorce Bianca...”Napakunot ang noo ni Clyde, tila nawalan ng masagot.“Mom…” mahina niyang sambit.“What? You don’t want to anymore?” biglang umangat si Helena sa kama. Halatang nanghihina ang katawan, ngunit matindi ang emosyon sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ng anak, mahigpit.“If you had to choose, between me and Bianca, would you choose her?”“Mom, bakit kailangan umabot sa ganito?” agad na sagot ni Clyde, pilit siyang pinapakalma. “You don’t have to say things like that.”Alam niyang mabilis mag-init ang ulo ng kanyang ina. Isang maling salita lang, maaaring lumala na naman ang sitwasyon.“I know may sama ng loob siya sa’yo,” dagdag niya, mas maingat ang tono. “I’ll talk to her. I’ll fix this.”“Talk to her?” natawa si Helena, malamig at mapait. “She hates me. Kung nakikinig ‘yan sa’yo, aabot ba tayo sa ganito? Would she dare disrespect me in my own house?”Tahimik si Clyde. Sa labas, buo ang imahe nilang pamilya. Ngunit sa loob, may lamat na unti-unti
Read more