PAGKABABA ni Yumi ng sasakyan, hindi na siya lumingon pa. Diretso siyang naglakad papasok ng Zamora building, maayos ang tindig at elegante ang bawat hakbang.Sa loob, mabilis niyang ibinalik ang sarili sa trabaho. Pagdating pa lang sa opisina, agad niyang inasikaso ang mga empleyado. Nagpa-deliver siya ng milk tea para sa lahat bilang simpleng treat, saka sinimulan ang meeting kasama ang kanyang maliit na team.Sunod-sunod ang agenda, malinaw ang direksyon, at maayos ang takbo ng usapan. Pagkatapos ng meeting, lumabas sila para sa lunch sa isang high-end restaurant sa BGC. Tahimik at propesyonal ang umpisa, ngunit habang tumatagal, unti-unting naging magaan ang usapan.Matapos kumain, biglang nagsalita si Erica habang nakatingin kay Yumi.“Miss Yumi,” nakangiting saad nito, “may good news ba today? Ang saya mo.”Bahagyang natigilan si Yumi sa sinabi nito.“Ha? Wala naman,” sagot niya, ngunit halata ang bahagyang pag-aalinlangan.Tumaas ang kilay ni Erica, saka itinuro ang gilid ng la
Read more