SA MGA salitang iyon, tuluyang napawi ang tensyon na kanina lamang ay bumalot sa buong venue.Walang naiwan na puwang para umatras pa ang sinuman. Sa malinaw na tindig ng Villareal Family, naging opisyal ang lahat. Tinanggap si Yumi. Hindi lamang bilang asawa ni Adrian, kundi bilang bahagi ng kanilang pamilya. Kahit pa may nakaraan siya, wala nang sinumang nangahas na kumwestyon pa.“I see,” mahinahong tugon ni Amara. Bahagya siyang ngumiti, ngunit halatang pilit ang kanyang composure.Sa kabilang banda, tumango si Victor, sinasabayan ang naging pahayag ni Lola Chandria. At si Celeste ay napabuntong-hininga, tila tuluyang gumaan ang pakiramdam.Sa gitna ng lahat, hindi napigilan ni Yumi ang maramdaman ang bigat ng emosyon sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan. Hindi niya inakala na may mga taong tatayo para sa kanya nang walang kondisyon at pagdududa.Dahan-dahan siyang napatingin kay Lola Chandria, hindi malaman kung paano ipapahayag ang pasasalamat. Ngunit bago pa siya makapagsali
Read more