SA MGA salitang iyon, tuluyan nang nahubad ang tunay na laman ng isip ni Clyde. Sa harap niya, bahagyang ngumisi si Yumi, halatang hindi na niya kayang tiisin pa ang pagpapanggap ng lalaki. “Clyde…” malamig niyang sambit, ang boses ay magaan ngunit punong-puno ng pangungutya, “kahit maubos pa ang lahat ng lalaki sa mundo, hinding-hindi ako babalik sa’yo. Not in this life. Not in the next. Not ever.” Magaan ang pagkakabigkas niya, ngunit para kay Clyde, iyon na ang pinakamalupit na hatol na maaari niyang marinig. Hindi niya kailanman naisip na kayang kamuhian siya ni Yumi nang ganito. Parang hindi kailanman nagkaroon ng kahit anong pagmamahal sa pagitan nila. “Yumi, stop being stubborn,” pilit niyang giit, bahagyang tumayo. “I know you’re hurt, pero hindi mabubura ng mga salitang iyan ang nakaraan natin—” Hindi pa siya natatapos magsalita nang bigla siyang masipa sa tuhod. Napabalik siya sa lupa, kalahating nakaluhod, napangiwi sa sakit. Hindi na nag-atubili si Yumi. Yumuko siya
Read more